Thirty-three

38.8K 815 47
                                    

Thirty-three

Kyla...

Mabilis na lumipas ang araw ng bakasyon nila sa Pilipinas, nasa Palawan sila ngayon para sa huling photoshoot ni Issay. Sa halos dalawang linggo nila dito ang daming nangyari, hanggang ngayon hindi pa niya nakakausap si Mommy Margaret. Nasa ibang bansa kasi ito kasama si Daddy Martin dahil sa business matter ng mga ito.

Kaya hanggang ngayon hindi pa niya alam kung bakit hindi nito binanggit sa anak nito ang tungkol sa nangyari four years ago.

"Bakla, ang awkward ng dinner kanina ha"sabi ni Carla ng nagpunta sila sa comfort room para magbawas ng tubig sa katawan.

Matapos kasi ang dinner nila kanina nagkayayaan pa na magnight life pa sila sa labas ng restaurant. Ang ibang mga crew member ay naghanap ng Bar na pwedeng matambayan samantala naman sila ay nagstay nalang sa shoreline at gumawa ng bonfire ang mga lalaki.

Sila Marco ay kararating lang galing sa Manila hindi na nga nakaabot ang mga boys sa dinner na libre ni Malik dahil na din sa trabaho ng mga ito.

Hindi kasi pinayagan ni Malik na nandoon silang apat na boys kaya si Malik lang ang kasama nila sa buong maghapon nila sa Palawan ngayon.

Magstay sila sa Palawan ng two days two night. Bale sa isang araw pagbalik nila ng Manila flight na din nila pabalik sa Paris kaya naman parang bakasyon na nila ito bago bumalik ng Paris.

"Hindi naman ah"sagot ni Issay sa sinabi ni Carla.

"Panong hindi ka girl kulang nalang harapan mong sabihin sa mga tao doon na si Malik ang ama ng mga anak mo"aniya.

"Kaya nga bakla, sinabi mo pa. ito kasing baklang ito nagseselos sa katabi ni Malik"baling naman ni Carla kay Issay.

Kasalukuyan kasi silang nagre-retouch ngayon.

"Pwede ba, hindi ako nagseselos. Bakit ako magseselos sa kanila. Isa pa Malik is the father of the twins so ano naman ang masama sa sinabi ko kanina."pagtatanggol ni Issay sa sarili.

Nagkatinginan naman sila ni Carla at bumunghati ng tawa sa naging sagot ni Issay.

"Whahaha... hindi naman ako nainform sabon pala kinain natin kanina Carla"tumatawa niyang baling kay Carla.

"Naku! Naku! Hindi tayo ang kumain. Kasi kay Issay palang bakla naubos na"panggagatong pa ni Carla sa sinabi niya.

Nagwalk out pa si Issay, kaya naman lalong napalakas ang tawanan nila ni Carla sa loob ng banyo.

"Anong pinagsasabi mo Naomi?"natatawa tanong ni Benjamin.

Kakarating lang nila ni Carla sa grupo, mukhang humihirit na naman kasi ngayon ung babaeng kanina pa dikit ng dikit kay Malik.

"What?.. gusto kong katabing matulog si Baby Malik ko."nakataas ang kilay na sagot noong babae kay Banjamin.

"Mommy, why that lady keep calling daddy a baby? Daddy is a big boy now he is not a baby anymore right?"tanong naman ni King kay Issay.

Natawa naman silang lahat sa naging reaction ng bata.

"Your right kiddo!!!"tumatawa na sang-ayon naman ni Jake sa anak nila Issay.

"baby kasi ng baby. Kita na nga may baby na eh. Sisiksik pa"parinig naman ni Carla.

"Baka nga may bagong baby na sila"pahaging naman ni Jake.

Itong dalawa minsan sala sa lamig sala sa init. Minsan magkasundo kagaya ngayon pero mamaya niyan magkaaway na ang mga iyan.

"Mamaya pa lang kami gagawa ng baby, tama ba babe?"sakay naman ni Malik sa biro ng mga kaibigan nila.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon