Thirty-five

35.9K 738 89
                                    

Thirty-five

Kyla...

Naiinip na siya sa kakahintay kay Marco.

Kanina pa siya lumabas sa condo nito hindi man lang siya nito sinundan nito para kulitin.

Kaya naman nanghahaba ang nguso niya ng matanaw niya si Marco na paparating. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito ng makita siya nito na nakasandal sa sasakyan nito.

"I though you went home?"gulat na tanong nito sa kanya.

"Hmp...bakit ang tagal mo naman akong sundan?"pagtataray niya sa binata.

"Tumawag kasi si Mateo"sagot lang nito.

"Bilisan mo, nagugutum na ako"utos niya sa binata.

Manghang namang sinunod siya nito, palingon lingon lang si Marco sa kanya habang nagmamaneho ito.

"Gusto ko ng ice cream"out of blue nasabi niya.

"Ice cream ang aga namang ice cream Kyla?"nakakunot noo na tanong sa kanya nito.

"May problem aka sa ice cream?"pagtataray niya sa binata.

"Ha?...wala...wala naman"sagot nito.

"Wala naman pala, halla sige humanap ka ng ice cream ung tilapia flavor...un ang gusto ko"nakanguso niyang sagot sa binata.

Buti nalang nakaseat belt siya kundi nangudngud na siya sa dash board ng sasakyan ng biglang nagpreno si Marco.

"Papatayin mo ba ako?"pagtataray niya.

"I'm sorry...sorry hindi ko sinasadya, nabigla lang ako darling"nagmamadaling dinaluhan siya ng binata.

Alalang-alala itong sinipat siya kung nasaktan siya.

"Kainis ka, kung ayaw mo akong sumakay sa sasakyan mo edi wag"akma siyang baba ng pigilan siya ni Marco.

"Kyla naman, nabigla lang ako saan ako hahanap ng ice cream na tilapia flavor?"reklamo ni Marco.

"Nagrereklamo ka?"pagtataray niya na naman.

"Hindi...sabi ko nga maghahanap tayo ng ice cream na tilapia flavor"sabi ni Marco at nagsimula na namang magdrive.

Naririnig niyang napapamura ang binata pero hindi niya ito pinansin.

Nanahimik na siya sa habang naghihintay kung saan siya dadalin ni Marco para makabili sila ng hinahanap niyang ice cream.

Nakailang baba na si Marco sa mga nadadaan nilang convenient store pero wala pa din siyang nabibili, nagsisimula ng uminit ang ulo niya sa kakahintay.

"Ano ba hindi ka naman naghahanap eh"reklamo niya kay Marco ng sumakay ito sa sasakyan na wala pa din itong nabibili na ice cream.

"Kyla, naghahanap ako. Ang problema lang walang ice cream na tilapia flavor kahit saan dito. Ni hindi nga nila alam kung nag-eexist ang ice cream na iyon"mainit na din ang ulo nito.

Nang makita niyang parang galit na ito para naman siyang naiiyak na ewan. Kaya hindi niya napigilan ang sarili niya ng bigla siya naiyak.

"Hey, bakit ka umiiyak"nag-aalalang tanong sa kanya ni Marco.

"Galit ka eh"umiiyak niya sagot.

"I'm not...hindi ako galit"nag-aalalang sagot ni Marco sa kanya.

Napalakas naman ang pag-iyak niya with matching hagulgul pa punas sipon.

Niyakap siya ni Marco at pilit na pinapatahan sa pag-iyak niya.

"Tumahan ka na please maghahanap na ako ng ice cream, hindi ako galit ha so please stop crying darling."pag-aalo sa kanya ni Marco.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon