chapter 3

13.3K 251 0
                                    


Chapter 3

School

Day one ko ngayon dito, nagluluto ako ng noodles para sa mahal na prinsipe! Psh! Kailangan daw kasama ako palagi sakanya sa school nya! Psh! Ngayon naman ay ako ang pinagluluto ng almusal nya, loko din eh may cook naman sila.

Naglalakad ako papunta sa kwarto nya habang hawak hawak ang tray na may noodles at juice, dahan dahan kong binuksan ang pintuan, nakaupo sya sa sofa at nanonood ng tv. Nakauniporme na sya.

"Sir! Eto na po almusal nyo" sabi ko sabay lapag ng tray sa table sa tapat nya, tinignan nya lang iyon.

"Maligo kana, malalate na ako" bakit ba kase hinihintay nya pa ako? Psh.

"Okay sir!" Ang sungit sungit na ni keo ngayon, dati dati masayahin sya at bihira sumimangot psh.

Nagbihis ako ng red jeans at vneck tshirt na kulay black, at tsaka sapatos na black din, nilugay ko lang yung straight kong buhok at kinuha ko na yung bag ko tsaka ako lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni sir.

"Sir ready na po ako!" Sabi ko, naiilang pa rin talaga ako pagtinitignan nya ako ng diretso, helloooo! Ex ko sya eh! 1 year nung huli kaming nagkita.

<flashback>

Inayos ko yung buhok ko at pinagpag yung dress ko, yey ang ganda ganda ko, birthday girl na birthday girl.

Lumabas na ako ng bahay para salubungin ang mga bisita. Si mama at papa ang nagpumilit na magcelebrate ako kahit wala kami masyadong pera.

"Happy birthday ish!" Bati nila lahat saakin, sabay bigay ng regalo, nakakatuwa. Ang saya saya ko ngayon.

"Happy birthday..." napako yung paningin ko sa gate kung saan sya nakatayo, 3 months na tayong break hindi pa rin ako nakakamove on sayo...

Nginitian nya ako, napuwing lang ako sandali ay nawala na agad sya sa paningin ko, what the?

<end of flashback>

"Hey!" Sabay tapik nya sa pisngi ko

Uminit pisngi ko, kanina pa pala ako nakatulala sa mukha nya, nakakahiya.

"Tulala ka jan ah" sabi nya.

"S-sorry po" sabi ko sabay sunod sakanya palabas ng kwarto nya, sabay kaming bumaba ng hagdanan, andoon yung daddy nya sa sala, nanonood ng tv.

"Papasok kana anak?" Tanong ni sir karl, tumango lamang si keo. Ang sama nya sa daddy nya, hindi manlang nilingon ito.

Tumingin saakin si sir karl at ngumiti, nginitian ko din sya, pero agad akong hinila ni keo nagmamadali ata to eh, ang bilis ng lakad nya. Grabe magkakaladkad.

"Malalate na ako! Tss!" Sabi nya, sapilitan nya akong pinaupo sa kotse, sa front seat, nasasaktan na ako ah!

Pumunta sya sa drivers seat, wow kotse nya to? Obviously, sinimulan nya nang paandarin ito.
Binalot kami ng katahimikan, pero agad din nabasag iyon, kase nagsalita sya.

"K-kamusta?" May pagaalinlangan nyang tanong.

"O-okay lang po sir" sagot ko, hindi talaga ako sanay pagsir yung tawag psh, pero kailangan eh. Sandali lang ay nakarating na kami sa school nya.

Sabay kaming bumaba, pinagtinginan agad kami ng makababa sa kotse nya, may kasama pang bulungan, napa-aray ako ng batuhin ni keo yung bag nya saakin.

"Bitbitin mo" sabi nya sabay lakad, sinundan ko naman sya, bastos talaga.
Ang sama na ng ugali nya, hindi ako sanay! Napairap ako sa kawalan.

"Nyenyenyenye" bulong ko.

"Wag kang bumulong bulong dyan" sabi nya kahit hindi nakatingin saakin, nagmakeface nalang ako, bawat estudyanteng nadadaanan namin ay lumilingon saamin, oo! Kasama ako, ang sasama nga ng tingin eh putspa.

"Akin na bag ko" sabi nya, binigay ko naman agad iyon.
Saan naman ako tatambay dito?! Sinama sama pa kase ako eh psh.

"Jan, umupo ka jan, wag kang aalis" sabi nya at pumasok na sakanyang classroom.

Umupo ako sa bench na katapat lang ng room nya, hays hindi ko nadala cellphone ko sayang, ilang oras na ako dito pero wala pa ring dumadaan na estudyante, ang tagal tagal naman kung ganto araw araw trabaho ko nako ayoko na! Sana pala sa mansyon nalang ako doon ay may ginagawa ako dibaaa. Maya maya pa..

Sa wakas! Tumunog na yung bell! Nagsilabasan na mga estudyante, bumukas na din yung pintuan ng classroom ni keo, kaya naman ay umupo agad ako ng tuwid, nakita ko syang lumabas ng classroom may kasama syang tatlong lalake, wow bakit ang gwapo nila lahat.

***

Hello helloooo! Readers! Enjoy reading guys! I love you all!

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon