Chapter 32Miss ko
May sarili na akong condo, binili ito ni kuya riel, kahit ayoko, pinilit nya ako, masikip naman na kase sa bahay nila mommy, hindi naman gaano kalaki iyon, ayoko naman makipagsiksikan doon. Tapos binilhan na nya talaga ako ng kotse, grabe talaga, ayoko naman umasa nalang sakanya, ayoko maging dependent sakanya, nako si kuya.
Medyo nanibago ako, bumangon ako at nagstretching, hmm ang haba din ng tulog ko ah, dumiretso ako sa banyo, naligo at nagbihis. Sinuot ko yung shorts ko at tshirt at rubbershoes, ganon lang kasimple yung porma ko.
Tinignan ko yung picture namin ni kenzo sa sidetable, napangiti ako, miss ko na kaagad sya haaaay. Nextweek or nextnextweek pa ata sya pupunta dito sa pinas, kasama si rach.
lumabas na ako ng condo ko, gusto ko gumala, namiss ko to, lahat lahat. Ano kaya ang una kong pupuntahan?
Pumunta ako sa parking lot at hinanap agad kotse ko, para akong sinampal ng may maiita akong pamilyar na kotse.
Nanlamig bigla yung kamay ko, what the? Parang gusto kong tumakbo.
Uhm, baka naman kaparehas lang ng kotse nya diba? Ang o.a ko naman masyado, napailing nalang ako at sumakay na sa kotse ko.
Pagkasakay ko ay namangha ako, marunong na ako magdrive, sa u.s kase ay tinuruan akong magdrive ni rach, ginagamit ko minsan yung kotse nya doon.
Pinaandar ko na ito, medyo nanibago ako, kase sanay ako sa kotse ni rach, habang nagdridrive ako ay napapangiti ako ng may mga nadadaanan ako na lugar na may alaala ako.
Nakakamiss talaga ang pinas, buti talaga at pinayagan ako ni rach na mag out na sa trabaho ko sa tita nya na magkatulong, gusto ko dito, andito ang pamilya ko, dito ako lumaki, dito ako nagmahal, dito din ako nasaktan...
Argh! Bakit ko pa ba naisip iyon, nag move on na ako diba! Huminto yung kotse ko sa luneta park, dito ako dinala ng kotse ko eh, hindi ko alam, bumaba ako sa kotse at iginala ang paningin.
Dito nagtapos ang lahat.
Lumapit ako sa nagbebenta ng ice cream at bumili, umupo ako sa malapit na bench, nakaupo lang ako doon habang kumakain ng ice cream.
May mga dumadaan sa harap ko na magcouple, magfamily, natutuwa ako, at napapangiti. Pagkatapos kong tumambay at magrelax doon ay bumalik na ako sa kotse ko, sasakay na dapat ako ng may maalala ako.
Tumingin ako sa hotel na di kalayuan, nakatitig lang doon habang bumabalik mga alaala sa isip ko, habang nakatitig ako doon ay biglang may lumabas na lalake sa hotel na iyon.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay sa kotse, sya...andoon sya, umiling ako ng umiling, omaygosh! Muntikan pa nya akong makita...
Pinaandar ko na yung kotse, ayoko na muna gumala, malaki ang tsansa na magkrus ang landas namin kaya dumiretso ako sa bahay nila mama.
Pagdating ko doon ay kumakain silang lahat ng tanghalian, andaming hinanda ni mama, andoon si riel, lazpy, kyro, rimin. Tatawagan na daw sana s nila ako kaso ay dumating na daw ako.
"Ang lungkot naman anak kung magisa ka lang kakain diba" sabi ni mama, oo nga, sa u.s kahit papaano ay may kasabay akong kumain.
Kumain na kami lahat habang nagkwekwentuhan, alam na nila ang tungkol kay kenzo, dati pa pala nila alam, ang bibig talaga nito ni lazpy ay walang preno.
Kaming dalawa ni lazpy ang naghugas ng mga pinggan, mga boys naman ay magaayos ng lamesa.
"Laz, nakita ko sya"
Gulat na tumingin saakin si lazpy, tumango ako sakanya, hindi sya makapaniwala.
"Akala ko..nasa korea sya ngayon.." sabi nya na gulat na gulat.
"Sabi kase ni kyro saakin ay pupunta daw si keo sa korea at doon daw sya ng 2 months, sya na kase ang may hawak ng kompanya nila diba"
Eh bakit sya andito? Ayokong makita sya, ayoko muna, natatakot ako..
Pagkatapos naming maghugas ng pinggan ni lazpy ay napagpasya na naming umuwi.
Nagpaalam na kami kay mama at papa, may sarisariling kotse ang mga lalake kaya nauna na sila, pinauna ko na sila, gusto pa kase nila kaming sundan para daw sigurado silang safe kami, edi wow.
Sumabay saakin si lazpy. Hinatid ko sya sa bahay nya at umalis na kaagad, marami pa akong aayusin sa condo ko.
Pagkadating ko doon ay sumakay na agad ako ng elevator, nakita ko nanaman kase yung kotse, nang makadating na ako sa floor ko ay naglakad na ako ng biglang.
May nakabangga ako.
Nabasa yung damit ko!
Anobayan, inis na nilingon ko yung lalakeng nagmamadali habang may hawak na juice.
"Hindi kase tumitingin sa daa-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa sobrang gulat, nanlamig buong katawan ko, parang may bumara sa lalamunan ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"K-keo"
***
Ngayon lang nakapagupdate, naging busy kase ngayon eh
Dont forget to vote!-NELLA
BINABASA MO ANG
Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)
RomansaSi Arkisha Ysabelle Casas ay nagiisang anak at dahil nga nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang wiling syang tumulong sa mga ito, kaya naman inako nya yung pagiging katulong na dapat ay sa kanyang ina dahil matanda na daw ito at mabilis mapagod...