chapter 18

9.4K 181 0
                                    


Chapter 18

Masakit pa rin

Halos lahat ng rides sinakyan namin, gumala kami kung saan saan, ang sayaa! Hindi ko naramdaman ang pagod at gutom, nagenjoy ako ng sobra. Ang saya saya pala talaga dito.

umupo kami sa malapit na bench at nagpahinga doon, ngayon ko lang naramdaman ang pagod at gutom, hinawakan ko yung paa ko, ang sakit, nabugbog masyado, kanina pa kase kami palakad lakad at patakbo takbo.

Naalala ko nung nasa ferriswheel kami, tawa ako ng tawa nun, hindi ko alam na ang makulit na zekaina ay takot sa ferriswheel, todo pilit kami para mapasama sya saamin, paiyak na sya nun. Tili pa ng tili kaya pinatitinginan na kami ng mga tao doon.

Nung nasa ferriswheel naman kami ay hindi sya nagsasalita o nagalaw, nakapikit lang sya kaya tawa kami ng tawa ni keo at rocco.

"Kapagod!" Sigaw ni zekaina at sumandal sa bench.

"Tara na sa hotel" sabi naman ni rocco, tumango naman si keo, tumayo na kaming lahat at nagtungo sa hotel na tutuluyan namin.

Binagsak agad ni zekaina ang kanyang katawan sa kama at niyakap ang unan na malapit sakanya.

"Antok na ako" sabi nya habang nakapikit.

"Maligo ka muna, baho mo" pangaasar ni keo sakanya, inirapan lang sya nito at tumayo.

"Una na ako ah" kumuha sya ng damit at tuwalya tsaka sya pumasok sa banyo.

"Bili lang ako.."

Umupo ako sa gilid ng kama at tinanggal yung sapatos ko, ang sakit talaga ng paa ko, tumingin ako sa paa ko at laking gulat ko namumula ito, minasahe ko sya, ang sakit talaga.

"Masakit?" Napatalon ako ng lumuhod sa harapan ko si keo, nanigas ako ng hawakan nya paa ko. Tumingin ako sa paligid, walang tao? Teka asan si rocco?

"May binili sya sa baba" mukhang napansin nya yun sa mukha ko.

Marahan ang paghawak nya sa paa ko, hinaplos nya ito dahilan para tumaas lahat ng balahibo ko, nagiwas ako ng tingin ng nagangat sya ng tingin saakin, wag mo akong tignan ng ganyan keo.

Kahit na sa iba ako tumingin ay nararamdaman ko pa rin ang titig nya.

"Masakit pa rin ba?"

"Oo, ang sakit sakit" ginawa ko talagang double meaning iyon.

"Gusto mo masahe-"

"Wag na, okay na yan, thanks" pinutol ko sya, tumayo ako at lumapit sa bag ko, nararamdaman ko ang titig nya saakin. Kinuha ko na sa bag ko ang pantulog ko, hinanda ko na ito.

"May problema ba ish?" Muntik na akong mapasigaw dahil hindi ko namalayan na ang lapit na pala ni keo, nasa likod ko na sya.

"W-wala" sagot ko, naiinis ako kase parang wala lang sakanya yung past namin, parang walang nangyari noon, naiinis ako kase sya nakamove on na ako mahal ko pa rin sya, tapos lapit pa sya ng lapit, hindi nya naman alam na mahal mo sya oo nga, at ayokong umamin, natatakot ako.

"Tell me ish" pilit nya, umiling nalang ako.

Mabuti nalang at natapos na si zekaina, lumabas na ito nakabihis na sya ng pantulog nya.

"Sino next?" Tanong nya saamin.

"Ako!" "Ako"

Nagkatinginan kami ni keo nung nagkasabay kaming magsalita. Ngumisi ng nakakaloko si zekaina saamin dalawa.

"Sabay nalang kayo" nanlaki yung mata ko sa sinabi nya, tatawa tawa syang dumiretso sa kama.
Bumaling saakin si keo.

"Para walang away..."

Sumingit si rocco, ngumiti sya saamin. "...ako muna" tsaka nya sinarado ang pinto ng banyo pagkapasok, what the?

"Matutulog na ako, magsolo na kayong dalawa" sabi ni zekaina at humiga sa kama.

Umiling nalang ako, hilig talaga mangasar ng babae na to, umupo nalang ako sa gilid ng kama at inilabas ang cellphone ko, puro text ni mama at tita, may isang text si rach.

From: rach

Hi ish ! :D

Ngayon ngayon lang ito nagtext nagreply ako ng hello, agad din naman ito nagreply.

From: rach

Where r u? Pinuntahan kita sa inyo, umalis daw kayo ni keo :(

To: rach

@tagaytay ^_^

"Rach, huh?" Tinago ko cellphone ko nang magsalita si keo sa gilid ko, nakapamaywang sya.

'Ano naman?' Gusto ko sanang sabihin kaso naalala ko na boss ko nga pala sya kaya nanahimik na lamang ako, hindi nalang ako tumingin sakanya.

***

Hi readers! Salamat sa lahat ng nagbabasa at nagsusuporta whoo! Enjoy reading! Dont forget to vote guys! Labyu all.

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon