chapter 21

9.3K 173 1
                                    


Chapter 21

Damn keo

Agad kaming nakauwi, hindi matanggal ang ngiti saaking labi, nakapulupot ang braso ni keo sa baywang ko ng nakapasok kami sa bahay nila, hindi na dumaan dito sila zekaina, umuwi na sila ng boyfriend nya.

Sabay kaming umupo sa sofa, wala yung daddy nya, asa trabaho puro katulong lang ang mga tao dito. Niyakap nya ako.

"Baby..." ano ba kinikilig ako. Hindi talaga ako sanay.

"Mm?" Hindi ako makatingin sakanya.

"Im sleepy" nilingon ko sya, mapungay ang mga mata nyang nakatingin ng diretso saakin.

"Matulog kana" sabi ko at kumawala sa yakap nya, tumayo ako at pilit syang hinihila.

"Okay" sabi nya.

Nanlaki yung mata ko ng hinila nya ako, napaupo ako sa kandungan nya, niyakap nya ako mula sa likod, omg baka may makakita saamin.

"Keo!" Saway ko sakanya, pero parang wala syang marinig.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, im so happy, because I have you" bulong nya, ngumiti ako.

"I miss this" wala sa sarili kong sabi.

"This?" Nilingon ko sya, bago pa ako makapagsalita ay hinalikan na nya ako, pero mabilis lang iyon, mabilis lang?

"Baliw ka!" Pinalo ko braso nya.

"Baliw na baliw sayo" kinagat ko labi ko para pigilang ngumiti, damn keo!

"Ehem"

Napatayo ako ng may marinig na umubo sa gilid, si manang! Nako patay ako dito.

"Sir, nakahanda na po ang meryenda sa kwarto nyo, at andoon po si maam cess" tinaas ako ng kilay ni manang, napayuko ako sa kahihiyan. Andoon si cess?

Hinila ako ni keo paakyat sa kwarto nya, ng makapasok kami ay andoon nga si cess, nakaupo sa kama ni keo, naka mini skirt ito at spaghetti strap pang itaas.

"Hi babe" lumapit sya kay keo at niyakap ito, pero natigil din sya kase tumingin sya sa magkahawak kamay namin ni keo.

"What are you doing here?" Tanong ni keo habang nakakunot ang noo.

"What? Dinadalaw ko lang yung boyfriend ko?" Sabi nya sabay haplos sa braso ni keo. At ngumiti ng may landi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nakakapikon na tong babae na to ah, sumingit na ako.

"Boyfriend?" Tumawa ako ng mahina. "baka naman exfling?" Sabi ko sabay ngisi. Tinignan nya ako ng matalim.

"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?" Sabi nya sabay lapit saakin. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni keo.

"Sya lang naman ang girlfriend ko, may problema ba?"

Napatanga si cess at umiling.

"Girlfriend? Yang cheap na yan? Eww!" Sabi nya at tinignan ako na para akong basura.

"Get out" kalmado boses ni keo pero halata sa mukha nya na naiinis ito.

"What the hell keo, hindi ko alam na isang cheap whore lang pala ipapalit mo saakin!" Sabi nya at padabog na naglakad palabas ng kwarto.

Bumaling saakin si keo, pumungay ang mata nya nang tumingin saakin.

"Hayaan mo nalang sya" sabi nyaat hinalikan ako sa noo, tumango naman ako, nasaktan ako sa mga sinabi ni cess pero nung si keo na ang kaharap ko nawawala lahat ng ito. Ano ba ginawa mi saakin keo at nagkakaganito ako?

***

"Dadalhan kita ng lunch ha?" sabi ko sakanya sabay ayos sa uniporme nya.

"Okay baby" gusto ko sanang sumama sa school nya eh pero ayaw nya, ayaw nya daw akong paghintayin.

"Babye!" Kumaway ako sakanya ng sumakay na sya sa kotse nya, nginitian nya ako at kumaway din bago pinaharurot ang kotse.

"Magusap tayo"

Napatalon ako ng magsalita si manang sa likod ko, naglakad sya papunta sa kusina, sinundan ko sya. Grabe naman to si manang laging nanggugulat.

Umupo ako sa highchair at hinintay magsalita si manaang.

"May relasyon kayo ni sir" hindi tanong iyon kaya hindi ako sumagot.

"Matagal na kitang kilala ish" hindi ako sumagot, nagulat ako sa sinabi nya, matagal na nya akong kilala?

"Masayahin si keo nang andito pa mommy nya, nung umalis na ang mommy nya papunta sa ibang bansa ay naging malungkot sya, hindi na palangiti, minsan nalang makausap, naglayas pa nga sya at pumunta sa probinsya kung saan nakatira ang pinsan nyang si joenico, doon sya nagstay, nagaway kase sila ng daddy nya, isang araw dinalaw ko sya doon sa probinsya parang gusto kong maiyak ng makita si keo na ngumingiti ulit at tumatawa, bumalik sya sa dati, natuwa ako ng sobra non, inalam ko ang dahilan, at doon kita nakilala, pagibig, pagibig ang makakapagbalik sa dating keo sabi ko sa sarili ko.
Nang bumalik sya dito sa maynila ay bigla syang bumalik sa pagkalungkot, pero mas malala pa ito, naririnig ko ang hikbi nya tuwing gabi at minsan ay nahuhuli kong tulala sya sa pcture nyong dalawa, tuwing lasing sya at pangalan mo ang naririnig ko mula sa bibig nya, mahal ka nya ish, mahal na mahal, ngayon mukhang bumabalik na sya sa dati, sana naman ay wag mo na syang iiwan ulit ish, pakiusap, ang hirap makita syang nasasaktan, anak na din ang turing ko sakanya, wag mo syang iiwan ha? Yun lang.." pagkatapos non ay tumayo na sya at iniwan akong tulala.

Damn keo.

***

Hi guys! Sinipag ako ngayon huahuahua! Dont forget to vote! Enjoy reading guys!

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon