chapter 38

7.8K 137 0
                                    


Chapter 38

Nakabuntis

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa, si lazpy naman ay nasa kusina, nagluluto ito para sa almusal namin.

Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makaget over sa nangyari, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, pero kung saan si kenzo masaya, doon din ako.

Kasama nya daddy nya ngayon, nagusap na kami ni keo ng maayos, hiningi nya saakin si kenzo, sino naman ako para ipagkait sakanya si kenzo, sya ang ama...

Kaya pumayag ako, ngayon ay nasa palawan sila, ipapasyal nya daw doon si kenzo, bukas pa ang uwi nila, namimiss ko na sila-este si kenzo.

Alam na ni kenzo na si keo ang tatay nya, napakabilis ng pangyayari, pagkasabi namin non ay bigla nalang sya tumalon sa tuwa.

"Huy okey kalang dyan?" Tanong ni lazpy at tumabi saakin, tumangin naman ako sakanya at tumango.

"Wag kang magalala, mukhang wala namang balak si keo na ilayo sayo si kenzo eh" sabi ni lazpy.

"Natatakot lang ako" sabi ko at yumuko. Naramdaman ko ang init ng yakap ni lazpy, salamat at nagkaroon ako ng bestfriend na ganto.

"Kain na tayo"

Kumain na nga kami, itlog, bacon, hotdog ang ulam, nagkwekwentuhan kami habang kumakain, naputol iyon ng biglang may kumatok.

Tumayo ako para buksan ang pintuan, bumungad saakin si rach na mukhang stress na stress.

"Hey, anyare sayo?" Tanong ko.

Dumiretso sya sa sofa at umupo doon, napahilamos sya sa mukha nya.

"Ish...nakabuntis ako"

Halos mapatalon ako kakatawa, pero napatigil din, kase timignan ako ng seryoso ni rach.

"Seryoso kase ako" naiinis nyang sabi, at inirapan ako.


"Party pa, flirt pa, ano napala mo ngayon?" Sermon ko.


"Kaibigan ba talaga kita? Tulungan mo naman ako oh!"

"Hay nako rach! Ano ba maitutulong ko?" Tanong ko sabay irap sakanya.

"Uhm, kung ano gagawin ko, paano ba? Takasan ko nalang kaya yung babae?" Naiinis nyang tanong, ginulo nya yung buhok nya. Nainis ako sakanya.

"katulad ng ginawa mo saakin noong buntis ako, ganon yung gawin mo, hindi tinatakasan ang problema rach, panindigan mo yan, ikaw ang nagsimula nyan eh, bakit ba kase hindi ka gumamit ng proteksyon?!" sabi ko sabay irap sakanya.

"Wtf ish?" Natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Nako nako rach, bahala kana dyan" sabi ni lazpy.


"Kaibigan ko ba talaga mga to?" Magdradrama nanaman to.


***

Nagbar kami ni lazpy, whooo, ngayon nalang ulit ako nakapagsaya, bukas pa naman uwi nila keo eh kaya magsasaya muna ako, magfefeeling teenager.

Nakaupo kami sa isang sofa, hindi ako masyadong nainom pero maipilit itong si lazpy kaya napapainom din ako.

"Darating daw si riel at kyro." Sabi ni lazpy habang ngiting ngiti.

Tumango naman ako, amoy alak at yosi sa buong lugar, namiss ko na magganto, sobrang wild ng mga tao sa dance floor.

"Tara, sayaw tayo!" Aya ni lazpy na hindi ko tinanggihan dahil gusto ko rin.

Sumayaw nga kami, nasigaw sigaw pa, sobrang lakas ng music, ang sarap ng ganto yung wala kang iisiping problema, chill lang.

Nagsasaya kami hanggang sa may lumapit na dalawang lalake, may itsura ang dalawang ito.

"Hi ladies" sabi ng mukhang maangas.

"Im clay" pagpapakilala nung moreno.

"Im jhon" pagpapakilala naman nung mukhang maangas, uhm hindi naman masama maging friendly.

Nginitian ko sila at nakipagkamay, nakipagkamay din si lazpy. Bumalik kami sa pwesto namin, ramdam ko na nakasunod pa rin yung dalawang lalake.

Andoon na nga si riel at kyro, nainom ito at mukhang hinahanap kami, lumiwanag ang mukha nila ng makita kami, naupo kami sa sofa.

"May kasama pala kayo...." sabi ni jhon na nakatingin kay riel at kyro.

"Yeah, bakit, sino ba kayo?" Sinipa ko yung paa ni riel dahil sa kasungitan nito.

"Pasensya na" sabi ko sa dalawang lalake.

"Upo kayo" nagpapacute na sabi ni lazpy.

"Tss" si kuya riel.

Nailang ako kase umupo sa tabi ko yung clay, masyado syang malapit kaya umusog ako ng kaunti, nginitian ako nito.

"Oh, hindi ko pa nga natatanong pangalan mo" sabi nya habang may ngiti sa labi.

"Im arkisha, call me ish" sabi ko at ngumiti, hindi naman masamang lumandi minsan, omaygosh.

"What a nice name" natawa naman ako sa sinabi nya, umiwas ako ng tingin at tumingin kila lazpy, nagtatawanan sila ni jhon habang si kuya riel ay sinasamaan sila ng tingin, si kyro naman ay nakikipagflirt sa isang girl.

Nagulat ako ng pinulupot nya yung braso nya sa baywang ko, napalingon ako kay clay na nakangisi na.




"Ehem"


May tumikhim sa gilid namin.



***

Hi guys! Waaaa sinipag ako ngayon!

DONT FORGET TO VOTE

NEW STORY: A DEAL WITH DARIUS

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon