chapter 16

10K 185 1
                                    


Chapter 16

Mahal mo pa rin

Bigla bigla kong minulat ang mata ko, omaygosh! Anoyon?! Ginala ko yung paningin ko, andito ako sa kotse ni rach, nilingon ko sya, nakasandal sya sa upuan at nakapikit mukhang tulog.

Napahawak ako sa pisngi ko, uminit pisngi ko ng maalala ang panaginip na iyon.
Panaginip lang pala.

Impossible namang gawin iyon ni keo?! Hays! Mga panaginip mo ish ha?! Napahawak ako sa leeg ko ng maalala ang halik nya sa panaginip ko, omaygosh.

Bakit ba kase yun yung napananigipan ko, nahihiya tuloy ako kahit wala namang nakakaalam! Uminit ulit pisngi ko ng maalala iyon, napapikit ako ng mariin! I cant believe this is happening!

Umiling ako at tumingin kay rach, tinapik ko ito sa balikat agad din naman itong napamulat, tumingin sya saakin ng nakakunot ang noo.

"Anong oras na?" Tanong ko, tumingin naman sya sa relo nya.

"2am" nanlaki yung mata ko ng marinig sakanya yun, sumilip ako sa bintana, andito kami sa tapat ng mansyon, dali dali kong binuksan yung pintuan.

"Rach! Alis na ako! Bye! Thanks din!" Pahabol ko at tumakbo papunta sa mansyon, madilim na ang lahat doon except sa ilaw sa kwarto ko, bigla akong kinabahan, napahawak ako sa dibdib ko.
Mangyayari kaya yung nangyari sa panaginipi ko? Erase!

Dahandahan kong binuksan ang pintuan ng bahay, wala nang tao sa sala, nakakabinging katahimikan na lamang ang mayroon doon dumiretso ako sa may hagdanan.

Aakyat na sana ako ng biglang may magsalita mula sa likuran ko.

"Anong oras na ah"

Napapikit ako ng mariin, alam kong si keo yon, bigla kong naalala yung panaginip ko, dahan dahan akong lumingon, nagulat ako sa sobrang lapit nya saakin, umatras ako ng isang hakbang.

"U-uhm, s-s-sir n-naka--ano um a-ano k-kase eh" bakit ba hindi ko matuloy yung sasabihin ko? Naiilang kase sa mga titig nya, titig na titig sya sa mukha ko.

"Nakatulog kase ako sa sasakyan ni rach" mabilis kong sabi, hindi sya sumagot, tumitig pa rin sya sa mukha ko tila may gusto pang malaman.

"N-nag usap daw kayo ni rach" sabi ko at tumungo, hindi ko na kaya makipagtitigan sakanya.

"Mm"

"A-ano p-pinagusapan nyo?" Tanong ko kahit alam ko naman, gusto ko lang naman marinig iyon galing sakanya.

"Wala, hindi naman importante ang pinagusapan namin" so hindi ako importante? Nakaramdam ako ng galit, pumikit ako ng mariin.

"Sige po sir, akyat na po ako" sabi ko at tinalikuran sya.

Parang may kumurot sa puso ko ng hindi nya ako sundan nung nakaakyat na ako, hindi ba sya nagalala kase ganitong oras na ako nakauwi? Hindi ka nga daw importante diba?! Sabi ko sa sarili ko, pagkasara ko ng pinto doon tumulo yung luha ko. Bakit ba ang drama ko.

Kaya ko pa bang magtrabaho dito? hays, bahala na ibinagsak ko ang katawan ko sa kama, pagod na pagod ako ngayong araw sa mga narinig ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising din ako ng maaga, may nakita akong text galing kay keo, hindi daw sya papasok ngayon hindi ko iyon nireplyan, nagbihis na ako ng uniporme ko at inayos ang buhok, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni keo, hindi pa ako nakakakatok ay lumabas na sya.

"Hindi ako papasok ngayon, dadating pinsan ko" sabi nya at hinila ako papunta sa kwarto ko.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Magbihis ka, wag ka na munang mag uniform" sabi nya, tumango naman ako at pumasok sa kwarto at sinarado yung pinto, nagbihis ako, jeans at plain white tshirt lang.

Pagkalabas ko ay wala na doon si keo, asa kang hintayin ka non? Bumaba na ako sa hagdanan, dumiretso sa kusina, andoon si keo mukhang hinihintay ako.

"KUYA IM HEREEEEEE" narinig naming sigaw ng babae mula sa sala.

"Ish..apat na juice." sabi ni keo sabay lakad papunta sa sala, nagtimpla ako ng juice at sinalin sa apat na baso, hawak hawak ko ang tray papunta sa sala.

Doon ko nakita yung babaeng maputi, maganda, mahaba buhok nya, nagandahan ako sakanya, hawig nya kaunti si keo, may kasama syang lalakeng matangkad, may itsura din ito.

"Kuya, eto yung boyfriend ko, si rocco, rocco si kuya keo, pinsan ko, parang kuya ko na din sya" nagshakehands yung dalawang lalaki.

"Upo kayo" sabi ni keo, umupo sila sa mahabang sofa.

Ipinatong ko yung juice sa lamesa napatingin naman saakin si zekaina, nagO yung bibig nya ng makita ako, nagtatakang tumingin ako sakanya.

"Kuya! D-diba? Sya yun?" Sabay turo nya saakin.
Hindi naman sumagot si keo.

"Yung sinasabi mong ex mo! Sinabi mo pa nga mahal mo pa rin sya!"

This is akward.

***

Hi readers! Enjoy reading! Sorry ngayon lang ulit ako nakapagupdate! Ngayon lang ulit sinipag haha! Babawi ako guys!

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon