chapter 45

8K 132 1
                                    


Chapter 45

Bakit



"Hija.."

Bigala akong kinabahan, parang tumatalon talon yung puso ko sa sobrang kaba, kinagat ko yung labi ko, humanda kana ish, humanda kana sa malalaman mo. Parang maraming gustong sabihin si sir karl base sa mukha nya.

"May kailangan po ba akong malaman?" Seryoso kong tanong. Yumuko yung matanda at nilaro nya yung kamay nya.

"Hija...ako ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay ni keo.." paano?
napatawa ako.

"Paano naman po kayo ang naging dahilan? Eh si keo ang nanlok-"


"H-hindi, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito" hindi ako nagsalita at hinintay ko pa ang susunod nyang sasabihin. Parang ayokong malaman, ayokong marinig, ayokong pakinggan.


"Malaki ang utang ko sa pamilya nila cess, wala akong mahanap na pangbayad sakanila? Lalo na't palugi na yung kompanya namin, Ibinabantaan na nila yung buhay ko, sinabi nila kung wala kaming pangbayad ay ipakasal nalang daw si keo kay cess, kaya ayun yung ginawa ko, I forced my son to marry the girl, para makapagbayad na ako sa utang. Pero inayawan nya, may mahal na daw syang babae,at may papakasalan na daw sya at ikaw iyon. Nagalit ako, dahil sa galit ko ay nasabi ko ito 'sisirain ko yung buhay nyang pamilya ni ish, kung hindi ka magpapakasal' hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko iyon. Dahil nga dun sa banta ko ay ginawa na nya yung gusto ko, he started dating cess, kaya lagi syang wala sa bahay, at bigla ko nalang nalaman na umalis kana ng bansa, ilang araw lang ay bigla ko nalang nabalitaan na hindi tuloy ang kasal, kase dumating yung mommy ni keo, dumating yung asawa ko...sya ang nagligtas kay keo, binayaran nya yung utang namin sa pamilya ni cess, bumalik sya para kay keo, ayaw nyang matulad ito sa kanya, na ipinakasal lang dahil sa ipinilit ng magulang...ngayon, naisip ko yung mga ginawa ko, napakaselfish ko...ang selfish ko. Kaya ish...saakin ka nalang magalit..wag kay keo, ginawa nya yun para sayo, para maligtas ang pamilya mo, kaya ako nalang sisihin mo, wag si keo, wala syang kasalanan, anak. Saakin ka magalit, mahal na mahal ka ni keo, maniwala ka. Hindi mo alam kung gaano sya kamiserable ng umalis ka, obra syang nagalit saakin, halos bugbugin na nya ako, napakasama kong tao...kaya maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko, basta wag kang magalit kay keo, saakin ka magalit, wala syang kasalanan, mahal ka ng anak ko...mahal na mahal."
Kwento nya.

Walang tigil ang pagagos ng luha ko, hindi ko na mapigilang humikbi, napahawak ako sa dibdib ko, sumisikip ito, nahihirapan akong huminga. Napaupo ako sa upuan at napahilamos sa mukha.

Andami kong nalaman, galit na galit ako, galit na galit ako kay sir karl, bakit nya kailangan gawin iyon saamin? Hindi ako makagalaw, naiinis ako sa sarili ko, bakit nga ba hindi ko naisip na hindi natuloy yung kasal? Edi dapat kasama na nya si cess palagi? At dapat sinabi na saakin iyon nila lazpy...

Walang lingon akong lumabas ng kwarto, ayoko makita ang pagmumukha nya, ayoko na syang makita...ang sama sama nya..idadamay nya pa pamilya ko?


Pagkalabas ko ay...





Pak!




Isang sampal ang sinalubong ko kay keo, nagulat sya doon.


"B-bakit hindi mo sinabi?" Nanghihina kong tanong.


"I-ish" gulat na gulat pa rin sya.


"Bakit keo?! Bakit hindi kita hinayaang magexplain?! Bakit hindi kita pinakinggan?! Bakit hindi ako naniwala sayo?! Bakit hindi ako nagisip mabuti?!" Lumapit sya saakin at mahigpit akong niyakap.
Ibinaon ko yung mukha ko sa dibdib nya, at doon ako humagulgol.


"Bakit hindi mo sinabi saakin? Wala ka bang tiwala saakin?" Sabi ko.

"No baby..shh..ayoko lang mamoblema ka pa, ayokong malaman mo kase ayokong nakikita kang nasasaktan" bulong nya, parang kanta iyon sa tenga ko.

Binalot kaming dalawa ng katahimikan, inangat ko yung tingin ko sakanya, nakatitig sya saakin.
Ang gwapo nyang mukha, itong gwapong mukha na to, ang nagpainlove sa isang babaeng hindi naman super Kahit na palagi kaming pinaghihiwalay ay pinagtatagpo pa rin kami.

Ang swerte swerte ko daw sakanya sabi nila, maswerte nga ba ako?

"Keo, minahal mo ba ako?" Tanong ko.


"Yes, mas lalong minamahal ngayon"


Napangiti ako sa sinabi nya, naniniwala ako.

***

Hi guys! Onti lang muna ngayon hoho.

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon