chapter 27

7.8K 138 6
                                    


Chapter 27

Singsing

Ilang linggo na ang nakalipas, wala namang nagbago saakin, wala namang nagbago sa trabaho ko, kay keo lang..

Kase lagi syang naalis, at lagi syang busy kaya nawawalan na sya ng time para saakin medyo nakakatampo, ang aga aga nya umaalis, kagigising ko lang umaalis na sya, umuuwi naman sya ay madaling araw na o kaya'y tulog na ako.

Nakakatampo sobra, kaya tuwing gabi ay napapaiyak nalang ako, simula nung gabing sinabi nya na sinugod daw yung daddy nya ay nagbago na sya, bakit ganon? Nagsawa naba sya saakin? Parehas kami ng tinutuluyan pero parang ang layo layo na nya saakin.

Nagkulong ako sa kwarto ngayong linggo, umalis nanaman si keo, napipikon na ako sakanya ng sobra, hindi nya sinasabi saakin kung saan sya pupunta, kung magtatanong naman ako ay ang sagot nya palagi ay "wala" tapos nagwawalk out sya.

Minsan nalang kami magusap! At eto pa! Hindi manlang nagtetext o tumatawag...kung nagtetext naman ay ang tipid palagi ng mga reply nya puro "im busy" palagi at kung ako naman ang tatawag ay ipinapatay nya yung phone nya.

Naiistress ako, gusto kong lumabas muna at magpahangin, inayos ko yung sarili ko at bumaba, tumingin ako kay manang na nakatayo sa kusina, umiwas sya ng tingin saakin, nagkibit balikat ako at lumabas na ng mansyon.

San kaya ako pupunta? Yung lugar na hindi ko pa napupuntahan, may ipon ako ngayon eh.

Ahah!

Luneta park nalang!


So yun na nga! Nagtanong tanong ako kung paano papuntang luneta park, nako nako ang hirap ah! Pinagpapawisan na ako kakatanong.

Andami ko pang sinakyan, may mali naman akong nasakyan, kaya medyo naligaw ako pero nakarating din naman ako sa pupuntahan ko.

Medyo maraming tao dito, nagpaikot ikot lang ako at nagpicture, ang gaganda ng picture ko! Papakita ko ito kay mama at papa pati na rin kay tita.

Medyo napagod ako kakaikot dito at magpicture picture kaya naman umupo muna ako sa malapit na upuan at nagpahinga, medyo nagenjoy din ako! Buti nalang at kahit sandali ay nakalimutan ko yung tungkol kay keo.

kailangan ko na pala umuwi! Wag kang magmadali ish alam mo namang hindi mo nanaman sya maabutan.
Napayuko ako sa naisip ko, oo nga noh, maglakad lakad nalang kaya ako dito,

naglakad lakad ako, may nadaanan akong hotel at laking gulat ko kase may nakita akong pamilyar na tao doon banda.

Sinundan ko sya, naglalakad sila papunta sa hotel, tumakbo ako para maabutan ko sila.

Magkaholding hands pa silang dalawa, kasabay ng pagkulo ng dugo ko ang pag guho ng mundo ko, para akong itlog na pinukpok at nabasag, para akong plato na binato, para akong ipis na tinapakan, para akong sinuntok ng isang daang beses, parang sinaksak saksak ang puso ko.

Yan lahat ng naramdaman ko


Ng makita ko si keo at si cess.


Oo! May fiancee and he's exfling!


Nangilid luha ko ng makita silang naghaharutan habang papasok sa hotel, ano gagawin nila dyan? Ginagawa din ba ni keo mga ginagawa nya saakin?

Bago pa sila makapasok sa hotel ay nagsalita na ako sa likod nila.

"Ganda naman dito!"


Nilakasan ko talaga boses ko para marinig nila, sabay silang huminto at humarap saakin, nakataas ang kilay ni cess at ngumisi saakin.

Si keo naman ay halatang gulat ng makita ako, dahan dahang bumitaw kamay nya sa kamay ni cess at naglakad papalapit saakin, pero lumayo ako.

"Wag mo akong hawakan" sabi ko.

"Ish..magpapaliwanag ako"
Sabi nya at sinusubukan akong lapitan.

"Wag na! Ayan na oh! Nakita ko na, hindi na kailangan ng paliwanag" sabi ko.

"Keo.." tawag sakanya ni cess, nilingon sya ni keo, ngumisi si cess kay keo, si keo naman ay nagiwas ng tingin at tumingin saakin.

"Ish, im sorr-"

Hindi ko na napigilang sampalin sya, hindi ko na kayang maging malakas pa, ayoko na! Ayoko nang magpanggap na kaya ko!

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sakanya, umiiyak na pala ako, hindi makatingin saakin si keo.

"Pinagkatiwalaan kita! Pinagkatiwalaan kitang bwiset ka! Tapos gagaguhin mo lang ako?!" Wala akong pakeelam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Nasasaktan ako eh!

"Hindi ka pa rin nagbago! Manloloko ka pa rin! Manloloko! Gago ka! Gago ka pa rin! Kapal ng mukha mong lokohin ako! Kaya pala busy ka! Ayan ba pinagkakaabalahan mo? Babae? Keo babae?! Tapos ex mo pa.. ano?! Sawa kana ulit saakin? Kaya naghana kana ng iba? O kaya naghihiganti ka-"

"Oo" singit nya bigla, na ikinagulat ko.

"A-ano?" Tanong ko.

"T-totoo..totoo yung sinabi mo sa tagaytay, n-na papahulugin ko ang loob mo pero hindi kita sasaluhin, yes, naghihiganti ako kase iniwan mo ako dati, lahat ng sinabi ko sayo at lahat ng ginawa ko sayo, its all a set up, it's my revenge, s-sorry.." sabi nya.

Hindi na ako nagsalita, nakatulala lang ako sa singsing ni cess na kaparehas ng singsing na binigay ni keo saakin, ang sakut, ang sakit sakit ng mga narinig at nakita ko.

Bakit kailangan mangyari saakin ito? Para akong ipinapatay, para akong isinasaksak, para akong sinasakal, para akong isinasampal.

Bakit kailangan kong maramdaman ang lahat ng ito?

***

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon