chapter 26

7.9K 125 0
                                    


Chapter 26

Mistake

Pumunta kami lahat sa bar kasama sila lazpy, riel, kyro, rimin. Nagcelebrate kami dahil nga sa nangyari kanina, nagaya si keo, ayaw nya daw kase sa party ng classmate nya, treat nya daw kase. Super saya ko, oo  ang sinagot ko kay keo! Syempre naman, sino ba ang hindi magyeyes sa gwapong nilalang na ito?

"Cheers!"

Nagkakatuwaan kami lahat dito, buti nga si lazpy ay pinayagan. Ako ang nagaya sa kanya, para naman makaexperience sya ng ganto kahit ngayon lang. Hindi na sya nalabas ng bahay eh.

"Congrats talaga sainyo! Stay strong!" Sabi ni lazpy, niyakap ko sya.

Kaso bigla akong nilayo ni keo sakanya. Ayan na ang seloso.

"Okay na yung 5seconds" sabi ni keo.

"Pati babae pinagseselosan mo? Nako pre, may saltik ka ata eh!" Sabi ni rimin.

Selos talaga nito, may tumingin lang saaking lalake ay sinasamaan na nya ng tingin, tsk tsk, pero kinikilig pa rin ako syempre.

Tinawanan sya ng katropa nya sya naman ay binabantaan ang mga ito, pero hindi naman pinapansin nina rimin ang mga sinasabi ni keo, inaasar pa rin nila eto.

Ang kukulit talaga nila, pero masarap din silang kasama, naging close nga agad nila si lazpy, except kay riel.

Ewan ko ba kung bakit lagi syang naiinis kay lazpy, sabi nya ang kulit kulit daw nito, makulit naman talaga si lazpy but I find it cute.

"Uhm guys I need to go!" Sabi ni lazpy.

"Riel, hatid mo nga si lazpy" sabi ni keo, inirapan naman ni riel si keo, minsan talaga masungit at masyadong seryoso si riel, minsan naman ay makulit.

"Dali na pre" sabi ni kyro.


"Oo nga diba uuwi kana din?" Sabi naman ni rimin.


"Aish oo na! Oo na!" Tumayo na ito at naglakad palayo, sumunod naman si lazpy sakanya, natawa kaming lahat.

"Nagsama ang masungit at makulit" sabi ni rimin habang natawa.

Uminom lang kami at nagchill, naputol iyon ng biglang tumayo si keo habang nakatingin sa cellphone nya.

"K-kailangan ko nang umalis, si d-daddy, inatake" sabi nya at walang ano ano't tumakbo paalis ng bar, nagkatinginan kaming lahat at tumayo na din.

Hindi na namin nahabol si keo.

"Nakaoff ang cellphone nya" sabi ni kyro.

"Omaygosh"

Nagaalala ako, nagmamadali kase sya eh, baka maaksidente sya dahil sa pagmamadali magdrive, kailangan namin syang puntahan.

sumakay kami sa kotse ni rimin, hinatid nila ako sa mansyon.

"Kami na bahala kay keo, wag kang magalala, magpahinga kana" sabi ni kyro, tumango ako pero hindi pa rin ako mapakali.

Umalis na silang dalawa, umakyat ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama, kanina ko pa tinatawagan si keo pero nakaoff talaga yung cellphone nya.

Hindi ako makatulog, asan naba kase iyon? Sana naman ay okay lang sya, nagpagulong gulong ako sa kama habang naghihintay ng tawag kela kyro or rimin.

2:00am na hindi pa rin ako natutulog at wala pa rin si keo, wala pa ring tawag sila kyro at rimin, naiiyak na ako sa sobrang pagaalala.

Tinawagan ko si kyro, at laking pasasalamat ko kase ilang ring palang ay sinagot nya agad.

"I-ish, bakit gising ka pa?" Hinihingal sya, nagtaka naman ako.

"Kamusta si keo?" Tanong ko agad.

"U-uh, eto kausapin mo" bigla naman ako nakaramdam ng saya, okay lang sya!

[Baby...]

"Keo! God! Sobra akong nagalala sayo!" Sabi ko, naiiyak na nga ako eh.

[Im ok, dont worry, I love you so damn much, dont leave me no matter what]

"Yes, hindi kita iiwan, kahit malaman kong mamamatay tao kapa, I love you so much, wag mo na ulitin yung ginawa mo kanina ah? Nagalala ako ng sobra" sabi ko, kinikilig ako.

[Yes baby, pauwi na kami dyan] sabi nya, naexcite naman ako bigla.

At totoo nga, ilang minuto lang ang nakalipas ay andito na agad si keo, nakaupo kaming dalawa sa sofa at magkayakap, hindi ko na muna tinanong kung saan sya nagpunta, ayoko muna syang tanongin.

"Ish"

"Hmm?"

"What if, I made a mistake, would you forgive me?" Tanong nya bigla, kumawala ako sa yakap nya at tumingin sakanya.

"Syempre, I trust you" sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Thank you..thank you baby..I love you"

"I love you too"

Then I we kissed.

***

Hdkzkxjdkskx

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon