Chapter 2Im your personal maid sir
Nakatayo ako sa tapat ng mansyon, ang ganda ganda dito! Medyo inaantok pa ako, kinusot ko yung mata ko, kinakabahan talaga ako.
May lumabas na matanda sa mansyon, ngayon ko lang namalayan na nasa harap na nya ako."Ikaw yung bago?" Tanong nya, mukhang masungit yung mukha nya, tumango ako bilang sagot. Pero mukha hindi kunteto si manang.
"O-opo" sagot ko.
"Sunod" sabi nya at naglakad papasok, sumunod naman ako sakanya.
Nilibot ko yung paningin ko, ang ganda kung ganito bahay ko ay hindi na ako lalabas masyadong maganda dito. Pagpasok sa gate ay garden na agad, may iba't ibang bulaklak. Nakakamangha. Para syang palasyo.
May nagbukas ng pintuan, may dalawang guardyang nakabantay, kung maganda sa labas mas maganda naman sa loob! Parang palasyo! Ang linis linis ng tiles sa sahig. Pwede atang humiga dito eh.
Walang kaalialikabok, may chandelier pa! Nakakamangha talaga. Medyo napaawang ang bibig ko sa pagkamangha.
"Hija" Tawag saakin ng matanda, tumingin ako sakanya, may katabi na syang matandang lalake, nakatux ito, wait.
Kamukha nya si k-keo?
"Sya si sir karl pellazar, tatay ni keo zoilo pellazar yung amo mo" naglahad ng kamay yung karl, sir pala. Tinanggap ko naman iyon.
"Arkisha po" pakilala ko.
"Nice meeting you arkisha, you look familiar hmm, manang dalhin nyo na sya sa kwarto nya at bigay nyo na yung uniporme nya" tumango naman yung matandang babae at umakyat kami sa hagdanan na malaki, pangprinsesa to eh, mga nakikita ko sa movie wow!
Huminto kami sa isang kwarto, binuksan nya ito, maliit lamang ito may malambot na kama, side table, aparador, at may pintuan na isa pa, banyo ata.
May inabot yung matanda saakin na damit, naguguluhan ko syang tinignan. Hmm eto ata ang uniporme.
"Gagamitin mo yan pag asa bahay ka, uniporme mo iyan" paliwanag nya.
"MANAAAAANG!" Narinig kong may sumigaw.
"Magbihis kana dali, puntahan mo amo mo sa kwarto nya, mauna na ako" sabi nya at lumabas na ng kwarto, biglang bumalik kaba ko alam na kaya ni keo na ako magiging personal maid nya?
Mabilis akong nagbihis ng uniporme, dress ito na mga nakikita ko sa pelikula! Yung black and white, inayos ko yung suot ko. Bagay naman saakin, ayos na ito.
Lumabas ako ng kwarto.
"Hija, Puntahan mo na amo mo. Nagagalit na iyon" napatalon ako sa nagsalita sa likod ko, si manang lang pala.
"May pangalan yung pintuan ng kwarto nya, dali na, mainit pa naman ulo non ngayon" sabi nya at mas lalo akong kinabahan.
Bawat kwarto na madadaanan ko ay tinitignan ko kung may pangalan ba sa pintuan, finally! Nahanap ko din kaagad! "KZP" ang nakalagay sa pintuan, kinakabahan talaga ako ng todo todo.
Kumatok ako ng tatlong beses, bumilis tibok ng puso ko ng marinig boses nya. Yung boses nayan, iilang buwan na ang lumipas, ngayon ko nalang ulit narinig ang boses nya.
"Come in"
Medyo mahina yung boses nya, dahan dahan kong binuksan yung pinto, wala naman tao ah? Malaki yung kwarto nya, mas malaki pa sa buong bahay namin! May sariling sala, flatscreen tv, wow ah!
Nilibot ko yung tingin ko, asan naba yun? Waaa baka multo lang yung sumagot saakin? Baliw ka ish! Bakit naman magkakamulto dito duh!
"S-sir?"
"Hey you!" May nagsalita sa likod ko, omg! Kinabahan ako ng todo at dahan dahan lumingon.
Omyyyyyy! Nakatowel lang sya! At mukhang bagong ligo! Nanlaki yung mata nya ng makita ako, natulala ako sa mukha nya.
M-m-mas lalo syang gwumapo!
Ang ganda ng katawan nya! May abs! Dati lang ay payatot sya at moreno ngayon naman ay ang puti puti na nya! Grabe lang! Wala akong ma-say! Napaawang ang bibig ko.
"I-ish?!" Gulat nyang tawag saakin. Natulala ako, at naalala yung mga panahong kami pa! Umiling ako bigla! Para kang tanga ish! Trabaho ang punta mo dito ah?!
"Ano ginagawa mo dito?!" Gulat nyang tanong. Tumayo ako ng maayos at tumikhim. Nginitian ko sya, act normal.
"Im your personal maid sir" sabi ko sabay bow.
"No.." bulong nya.
***
Hi readers! Enjoy reading! Dont forget to vote! Yey!
-NELLA
BINABASA MO ANG
Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)
RomanceSi Arkisha Ysabelle Casas ay nagiisang anak at dahil nga nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang wiling syang tumulong sa mga ito, kaya naman inako nya yung pagiging katulong na dapat ay sa kanyang ina dahil matanda na daw ito at mabilis mapagod...