chapter 22

8.8K 159 0
                                    


Chapter 22

U. S

Nagluto ako ng spaghetti para kay keo, dadalhin ko ito sa school nya, tinikman ko muna, hmm masarap, sana magustuhan nya ito, niramihan ko ito baka kase kasama nya mga kaibigan nya.

Nagbihis ako ng blue pants at white vneck tshirt, itinali ko yung buhok ko, yan! Okay na ito, bumaba na ako, sinalubong ako ng driver nila keo.

"Ish, ako na daw magsusundo sayo sabi ni sir keo" tumango naman ako, sumakay na ako sa passenger seat.

Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa school nila keo, bumaba agad ako, sakto pagkapasok ko sa school ay nagring na ang bell, ibigsabihin nun ay breaktime na nila.

Sa di kalayuan ay nakita ko sila keo at mga kaibigan nya na naglalakad papunta sa canteen, napansin ko na palinga linga si keo, hinahanap ata ako.

Sinundan ko sila hanggang sa maupo sila sa upuan, lumilingalinga si keo. Kumaway ako, lumiwanag mukha nya ng makita ako, ngumiti sya saakin at tumayo, sinalubong nya ako.

"Hi!" Bati ko sakanya.

"Hi ish!" Bati ni riel, ngumiti sila lahat saakin, nginitian ko din sila.

"Dito ka" hinila ako ni keo paupo sa tabi nya, ipinatong ko yung tupperware na may laman na spaghetti sa lamesa, kinuha agad ito ni rimin.

"Oh! Salamat ah! Favorite ko to eh!" Sabi ni rimin habang nakangisi, biglang hinablot sakanya yun ni keo, sinamaan sya ng tingin.

"Saakin to" sabi nya.

"Share naman jan dude!"sabi ni kyro.

"Saakin to, bumili kayo para sa sarili nyo" sabi nya at umirap sakanila, ngumuso naman ang dalawa, hindi ko mapigilan tumawa, tumayo ang dalawa para magorder.

Binuksan na ni keo ang tupperware, nilantakan nya agad ito, nakangiti ko syang pinagmasdan, ang gwapo gwapo nya, nagflashback lahat ng ala ala namin sa utak ko.

"Say ah" nagulat ako ng itapat nya yung tinidor na may spaghetti sa bibig ko, wala na akong nagawa kundi ngumanga, hmm sarap!

"Sarap ng luto, asawahin na ba kita?" Pinalo ko sya sa braso, loko talaga to.

"Ehem,ehem"

Napalingon kami kay riel na nakangisi habang nakatingin saaming dalawa, uminit pisngi ko, nakakahiya!

Nagsimula na kaming kumain lahat, ang saya talaga nilang kasama at doble pa ang saya kase kami ni keo, pagkatapos ng recess nila ay pinahatid na ako ni keo sa driver.

"Ish may bisita ka" sabi ni manang pagkapasok ko sa mansyon.

Nakita kong nakaupo sa sala si rach, umayos sya ng upo ng makita ako, nginitian nya ako, nginitian ko din sya, umupo ako sa sofa sa harap nya.

"Hi rach, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad.

"Gusto lang kitang kausapin, ish." Tumango ako at hinintay ang sasabihin nya.

"Yung tita ko kase, kailangan nya ng maid yung mapagkakatiwalaan, magisa lang kase sya sa bahay so naisip kita" sabi nya, wait?

"Sa u.s sya nakatira ish, sagot na nya pamasahe papunta doon, ano? Payag kaba? Ako na bahala magpaalam sa mama at papa mo, atsaka sa tita mo" napatulala ako.

Makakapunta akong ibang bansa? Matagal ko nang gustong pumunta doon, pero hindi pwede, hindi, ayokong iwan si keo, hindi ko sya iiwan para lang sa pangarap ko, sabi nga ni manang wag ko daw syang iwan, tumingin ako kay rach at umiling.

"Sorry rach, hindi ako payag" sabi ko at umiling iling.

Tumayo sya at ngumiti.

"Oh okay, basta tawagan mo lang ako pag nagbago isip mo, mauna na ako ish" tinapik nya balikat ko at umalis na.

"Bakit hindi ka pumayag hija?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si manang sa harap ko.

Lagi talagang sumusulpot kung saan saan si manang, laging nanggugulat ako, magkakaheart attack ata ako hays.

"Hindi ko po iiwan si keo para lang doon" tapos ngumiti ako.

Nilagpasan ko si manang at umakyat na sa taas, hindi ko iiwan si keo para lang doon, ayokong mawala sya saakin.

***

&^

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon