Chapter 1My ex
"Maaaaaaaaaaaaaa!"
Kakauwi ko lang galing school, nagstop na ako wala akong pangtuition, natanggal kase sa trabaho si mama at papa, inilagay ko yung payong na dala ko sa gilid, pumunta ako sa kusina, andoon siguro sila, naririnig ko mga paguusap nila mula doon.
"Oh? Ish andito kana pala" sabi ni tita, kumakain silang tatlo ng hapunan, sumabay na rin ako.
"Bukas na ba to?" Tanong ni mama kay tita, hindi ko alam ang pinaguusapan nila eh.
"Oo, sa mansyon yan" sabi ni tita, ano kaya yun?
"Ano po meron?" Tanong ko.
Tumingin sila lahat saakin."May trabaho na mama mo, papasok sya bilang katulong sa maynila" whaaaaat?! Hindi ako papayag! Hindi! Bawal mapagod si mama, isang beses nga nung tumulong sa pagsasaka yan ay hinimatay ayokong mangyari ulit iyon!
Mabilis mapagod si mama, tapos papasok pa sya bilang katulong? Pano kung salbahe yung amo nya at pagurin sya ng todo todo? Nako hindi ako papayag, paano to hmm.
"Hindi ka pwede ma" sabi ko, nagtaka naman si mama.
"Anak, para makapagaral kana ulit, ayaw mo nun?" Sabi nya.
"Gusto ko, pero ayoko na nakikita ko kayo na nagkakanda kuba kuba na sa pagod, ayoko ma hindi ako payag" sabi ko. Hindi ako papayag.
"Pero ish, pano na? Nakuha na ang mama mo doon eh, hindi na pwede umatras" singit ni tita, oo nga noh? Pero....
"Ako..ako nalang papasok na katulong" nagulat silang lahat sa sinabi ko.
"A-anak, ano?" Naguguluhang tanong ni papa.
"Ako nalang po papasok doon" sabi ko habang nagpapatuloy pa rin sa pagkain.
"Mas lalo namang hindi pwede iyan, anak" sabi ni mama na umiiling.
"Maaaa! Ako nalang po please? Para sainyo din po ito" Marunong naman ako mamuhay magisa kaya okay lang na mamasukan ako bilang katulong, at sanay na rin ako bbyumahe magisa.
"Hindi anak, ayoko" ayaw nya talaga ako payagan.
"Please, mama ayoko po kayong napapagod, kaya ko naman po iyon, diba tita?" Bumaling ako kay tita, sabay sabay silang bumuntong hininga.
"Kaya naman yata yan ni ish" sabi ni tita na may tipid na ngiti. Nagkatinginan si mama at papa.
"S-sige na nga, b-basta lagi kang magingat anak ah?" Papayag nila, yay! Gusto ko din kase makapunta ulit ng maynila, isa din ito sa dahilan.
"Kung ganon ay magimpake kana ish, aalis ka bukas ng madaling araw, bibigay ko sayo yung papel andoon yung adress" sabi ni tita so yun na nga ginawa ko nagimpake ako.
Kinuha ko yung mga magagandang damit ko, mga iba pang gamit ko ay kinuha ko, excited at kaba ang nararamdaman ko ngayon, pagkatapos kong ayusin gamit ko ay agad akong natulog.
--
Naligo agad ako pagkagising, nagsuot ako ng jeans at spaghetti strap at pinatungan ko ito ng jacket
Madaling araw na kinuha ko yung bag ko na may lamang mga gamit at damit ko.Lumapit ako kay tita na nakaupo sa sofa, binigay nya saakin yung papel kagabi.
"Tita! Aalis na po ako" Paalam ko.
"Oh! Ingat ka! dala mo ba yung papel? Pakita mo lang yan doon" nagbeso kami ni tita, hmm ano kaya itsura ng amo ko? Lalake daw yun eh!
"Tita ano po ba pangalan ng amo ko?" Tanong ko, nacurious ako bigla.
"Keo Zoilo Pellazar" nanigas bigla ako sa kinatatayuan ko.
"K-k-k-k-keo?"
"Mm, bakit may problema ba?"
"W-w-wala po!" Sabi ko at todo iling, tumalikod ako at pumikit.
This is not happening.
Si k-k-keo
Ex ko sya...
"Tinawagan ko na si sir karl tatay ni sir keo, sabi ko may pumalit sa mommy mo, kaya umalis kana mahaba pa byahe mo" kinakabahan ako ng todo.
Bigla akong may naalala<Flashback>
"Hi babe!" Nakita ko si keo na papalapit, ngumiti ako, ang gwapo talaga ng boyfriend ko!
"Hi babe ko!" Sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
"Happy 5th monthsarry babe! I love you!" Binigyan nya ako ng mabilis na halik sa labi uminit pisngi ko.
"Happy 5th monthsarry, I love you too hihi!" Sabi ko, hinuli nya labi ko dahilan para manlaki mata ko.
<end of flashback>
Napangiwi ako, bakit ganon! Duh! bakit ko ba naalala yon. Pero kinabahan ako ng maisip na magkikita na ulit kami. Omaygosh.
***
Enjoy reading! <3
BINABASA MO ANG
Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)
RomanceSi Arkisha Ysabelle Casas ay nagiisang anak at dahil nga nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang wiling syang tumulong sa mga ito, kaya naman inako nya yung pagiging katulong na dapat ay sa kanyang ina dahil matanda na daw ito at mabilis mapagod...