Chapter 42Reason
Bigla nalang akong naiyak, naririnig ko ang sarili kong hikbi, ibinaon ko yung mukha ko sa leeg nya at doon ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naiyak, kung bakit parang pinipiga puso ko.
"Hey.."
Sinilip ni keo yung mukha ko, parang biglang nawala ang pagkalasing nya, itinatago ko yung mukha ko sa leeg nya.
"B-bakit n-nasasaktan pa rin ako..." nauutal kong sabi.
Bigla nalang yon lumabas sa bibig ko, kinagat ko labi ko para pigilan ang paghikbi pero hindi ako nagtagumpay, napayakap ako sa leeg nya ng umupo sya, hinawakan nya yung mga braso ko at inalis yun sa pagkakapulupot sa leeg nya, inangat nya yung mukha ko at tinignan ako sa mata.
Seryoso yung mata nya, nakakalasing yung titig nya, parang hinihigop ako nito. Tuloy tuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko. Kinagat ko labi ko.
"Dont cry baby, nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak" pinunasan nya luha ko.
Umiling ako at iniwas yung mukha ko sa kamay nya.
"Nasasaktan ka? Bakit? M-minahal mo ba ako?" Nanginginig yung boses ko.
"Diba dapat natutuwa ka kasi nasaktan mo ako, kase nagtagumpay ka sa paghihiga-"
"Shhh...I have reasons" umiling iling ako.
Pinahid ko yung luha ko at ngumiti.
"Okay lang, wala na, nangyari na eh, kung ginagawa mo lang ito para magkaroon ng buong pamilya si kenzo, hindi na kailangan" sabi ko at akmang tatayo pero hinila nya pa rin ako.
"Please, I will explain"
ayaw kong pakinggan ang paliwanag nya, tumayo na ako at mabilis na naglakad palabas ng kwarto, dumiretso ako sa kwarto kung saan natutulog si kenzo, pumasok ako doon at tumabi sakanya, hinalikan ko sya sa noo.
Dinalaw na ako ng antok kaya maya maya lang ay nakatulog ako.
***
Nagising ako dahil tumunog yung cellphone ko, tinignan ko yung bintana, madilim pa rin, tinignan ko yung orasan, 4:00am palang, kinuha ko yung cellphone ko, tumatawag si rach, anak ng, bakit ba to tumatawag ng gantong oras.
Sinagot ko yung tawag nya.
[Ish?]
"Ang aga aga, napatawag ka?"
[May sasabihin kase ako sayo] sabi nya.
"Ano yun?"
[Uuwi ako sa u.s, the day after tomorrow] what?
"Bakit?"
[May kailangan akong asikasuhin doon, importante]
Napaisip ako, sasama ba kami ni kenzo o hindi? Usapan kasi namin ni rach ay sandali lang si kenzo dito sa pilipinas, tumingin ako kay kenzo, bigla kong naalala si keo, hindi...may asawa na sya, bakit nya pa kami papakelaman? May kaonting kirot akong naramdaman sa puso ko.
"Rach. Sasama kami ni kenzo" sabi ko, kinagat ko labi ko.
[Huh? Paano na mga pamilya mo? Yung trabaho mo dyan?]
"Maiintindihan nila yun, may trabaho ako sa u.s, hindi ko pwedeng iwan yun" pagdadahilan ko.
[Oooooookay, basta pupuntahan ko nalang kayo, bye]
"Bye" binaba ko na yung tawag, napabuntong hininga ako.
Bumaba ako para uminom ng tubig, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pitsel at baso, sinalinan ko iyon ng tubig, muntikan ko nang mabitawan yung baso ng may magsalita sa likod ko.
"Hey"
Nilingon ko si keo, napalunok ako ng makita syang nakakagat labi habang nakatingin saakin, omaygosh, bakit biglang uminit yung paligid?
"Uh akyat na ako" sabi ko at akmang aalis na pero ikinulong nya ako gamit ang magkabilang braso nya, ipinatong nya ito sa sink, sobrang lapit nya kaya hindi ako makahinga.
"Iiwan nyo nanaman ako"
Sinabi nya iyon gamit ang malungkot na boses, narinig nya yung pinaguusapan namin ni rach? Nakaloudspeaker pala yun, hays.
"Ano naman yun sayo?" Ginawa kong matapang yung boses ko, kahit nanlalambot na yung tuhod ko dahil sa titig nya.
Pumikit sya ng mariin, bumaba ang tingin ko sa labi nya, napalunok ako, at nahuli nya akong nakatitig sa labi nya, nakaramdam ako ng hiya.
"Ish..I love you.."
Pagkasabi nya non, ay binigyan nya ako ng malalim na halik, napakapit ako sa tshirt nya, hindi ko alam kung bakit sinuklian ko yung halik nya, parang ayoko na tumigil, namiss ko yung malambot at matamis nyang labi.
"Keo.." tawag ko sakanya ng sandaling nagkahiwalay ang labi namin.
Ipinulupot ko yung braso ko sa leeg nya, napatili ako ng iangat nya ako at ipinaupo sa dulo ng sink, ako naman ang nakayuko habang hinahalikan sya. May pamilyar akong nararamdaman.
Bumaba ang halik nya sa panga ko, pababa sa leeg ko, pinaulanan nya ng matatamis na halik ang aking leeg, napasabunot ako sa buhok nya, hindi ko maiwasang dumaing.
"Keo.."
"Yes baby?" Napakagat ako sa labi ko.
"B-baka magising s-sila.." hindi na ako makapagsalita ng maayos, masyado na akong nahihilo dahil sa ginagawa nya.
"Omayg-"
Muntikan na akong sumigaw ng iangat nya ako pero agad din nya akong hinalikan sa labi, ipinulupot ko yung binti ko sa baywang nya, nararamdaman kong naglalakad sya.
Hindi pa rin naghihiwalay ang labi namin, parang ikamamatay namin pagnaghiwalay ito, narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa likod ko, dahan dahan akong dumilat, akala ko ay nasa kwarto na kami, pero hindi...
Pumasok sya sa library, oo sa library nya ako dinala!
Narinig ko ang paglock nya ng pintuan, bumagsak kaming dalawa sa sofa ng library, pumaibabaw sya saakin."Walang makakaistorbo saatin dito" he said with a husky voice.
He started kissing my jaw down to my neck, pumikit nalang ako at hinayaan syang gawin iyan, ipinulupot ko yung braso ko sa leeg nya.
Bumaba ang halik nya sa collarbone ko, naramdaman ko ang pagiwan nya ng marka doon, napakagat ako ng labi ng bumaba pa yung halik nya, narinig ko ang pagpunit nya sa pangitaas ko.
"Wtf?"
Sa isang iglap, natanggal nya agad yung bra ko.
***
Hi guys! Im back! Sorry ngayon lang nakapagupdate!
-NELLA
BINABASA MO ANG
Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)
RomanceSi Arkisha Ysabelle Casas ay nagiisang anak at dahil nga nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang wiling syang tumulong sa mga ito, kaya naman inako nya yung pagiging katulong na dapat ay sa kanyang ina dahil matanda na daw ito at mabilis mapagod...