chapter 33

7.6K 128 0
                                    


Chapter 33

Long time no see

Hindi ako makagalaw, nanlalamig buong katawan ko, hindi ko ineexpect na mangyayari ito. Hindi pa ako handa, kararating ko lang omaygosh. Bakit sya andito? Ngayon pa kami nagkita!

Nakatitig lang sya saakin, kalmado lang ang mukha nya, mukhang hindi nagulat na nakita ako, parang wala kaming nakaraan, ako gulat at kabado samantalang sya, kalmado lang, nainis ako ng maisip iyon hmp!

Nakatitig lang ako sa mukha nya, ang laki ng pinagbago nya, eto na hindi na ako magsisinungaling, ang gwapo nya, mas lalo syang gwumapo, medyo nagmatured yung mukha nya. Medyo seryoso mukha nya.

At yung katawan nya ay pagtingin mo palang dito ay mahahalata mo agad na maganda ito at nagygym sya.
Nagiwas ako ng tingin, wtf ish?

"Long time no see" narinig kong sabi nya, nakayuko kase ako.

Pumikit ako ng mariin, act normal ish, act normal. Sabi ko sa isip ko.

Inangat ko paningin ko at ngumiti sakanya, kaswal na ngiti.

"Hello!" Masayang bati ko, papakita ko sayo na nakamove on na ako hmp!

Ngayon ko lang napansin na nakatux pala sya, ang gwapo nyang tignan sa tux nya, erase erase erase!

"How are you?" Tanong nya, may slight na ngiti sa labi.

"Im fine" sabi ko at ngumiti din.

"Ikaw? Kamusta kayo ng asawa mo?" Tanong ko, hindi naman ako mukhang bitter diba?

"Asawa?" Tanong nya. Nagtataka.

"Si cess, sino pa ba?" Medyo naging mataray na yung boses ko.

Mas lalo akong nainis ng makita syang tumawa, bakit ba sya tumatawa?

"What?" Tanong ko, naiinis.

"Nothing" sabi nya habang nagpipigil ng tawa, inirapan ko sya. Bakit ba sya tumatawa? May dumi ba ako sa mukha? Hays.

Ewan ko sakanya, naglakad na ako para pumunta sa condo unit ko, naramdaman ko namang sumunod sya, nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Bakit sya sumususnod, wag nyang sabihin na sasama sya saakin?

"Sinusundan mo ba ako?" Mataray kong tanong.

"No" tsaka umiling.

"Eh anong ginagawa mo?" Tanong ko at nagcross arms.

"Pupunta sa condo unit ko" sabi nya at nilagpasan ako.

Medyo napahiya ako, naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko, wtf? tinignan ko kung saan sya pupunta, laking gulat ko ng makitang magkatabi lang kami, like what the f?

Dalidali akong pumasok sa condo ko at sinarado agad yung pinto, sumandal ako sa pintuan at tumili, waaaaa I can't believe this is happening!

Nagkita kami, magkatabi kami ng tinutuluyan, napahiya pa ako, waaa!

Dumiretso ako sa kwarto ko at tinawagan si lazpy, kwinento ko kaagad sakanya yung nangyari, sya naman ay gulat na gulat at namangha nang malaman na magkatabi lang kami ng tinutuluyan ni keo.

[Like what the hell?! Hindi ako makapaniwala!] Sabi nya sa kabilang linya.

"Kahit ako hindi makapaniwala" sabi ko, habang nagluluto ng spaghetti para sa hapunan ko.

[Destiny ba yan?]

Napabuga ako ng tubig, what?! Destiny?!

"No!"

Nababaliw naba si lazpy? Duh! Umirap ako sa kawalan.

[Tse! O.a mo, sige babye na]

"Bye!" Binaba ko na yung tawag.

Pagkatapos kong kumain ay tinawagan si si kenzo, nakipagkausap ako dito, miss na miss nya daw ako hihi, gusto ko na syang yakapin at ikiss, namiss miss ko na ang baby ko! Sana pumunta na sila dito, kaso natatakot pa ako..

[I love youuuuuu! I love you!!! MUWAH MUWAH!]

"I love you too! I miss you baby" marinig ko lang boses nya nawawala na stress ko.

"Kumain ng marami ha?"

[Okiedokie! babye!]

Binaba ko na yung tawag, I miss him so much, napatingin ako sa cellphone ko. Sobrang saya ko nung dumating sya sa buhay ko, lahat ng sakit na naramdaman ko sya ang nagalis lahat ng yun, mahal na mahal ko sya..

***

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon