Epilogue

11.5K 252 26
                                    


Epilogue

One year later..

"Happy birthday little dinosaur"

hinalikan ko sa pisngi si kenzo, nagising ako dahil sa pagtalon nya sa kama, itong batang to, sobra namang excited sa birthday nya. Tinignan ko yung orasan, sobrang aga pa, puyat ako, gusto ko pang matulog! Humiga ulit ako at ipinikit ang mata.

"Mommy! You stand up na! And cook breakfast for me!" Hinihila ako ni kenzo para tumayo, ano ba tong batang to! Inaantok pa ako, ayoko pang bumangon pero kailangan argh!

"Okay okay, wait for me" dumiretso ako sa banyo pagka bangon ko, nagstretch ako muna ako bago maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto, andoon sa labas si kenzo at si keo, ang aga aga bakit andito agad ito? Inirapan ko sya, lumapit naman sya kaagad saakin ng makita nya ako.

"Bab-"

"Tse! Doon ka sa sexy na saleslady" putol ko sakanya at nilagpasan sya, langhiya kase nito! Nagshoshopping kami tapos nahuli kong nagtatawanan sila ng saleslady na sexy! Hmp! Mas sexy pa ako doon eh! Ayun! Iniwan ko sya sa mall, napagod daw sya kakahanap saakin, buti nga sakanya!

"Hey it's nothing, may tinanong lang sy-" hindi nya ulit natuloy kase nilagpasan ko lang sya.

Nagsimula na akong magluto ng breakfast, puro pagexplain ang ginawa ni keo pero hindi ko pinapakinggan, bahala sya! Panget na ba ako? Kaya naghahanap na sya ng bago? Hays, ang bilis nya namang magsawa!

"Mommy? Why daddy is madaldal ngayon?" Tanong ni kenzo.

"Dont mind him" sabi ko.

"Hey baby" wag mo kong mababy baby.

Iniwas ko yung braso ko ng akmang hahawakan na nya ito, doon sya sa saleslady nya! Tutal bagay naman sila eh! T*ngina kinikilig nga ako sakanila eh! Nakakakilig sila!

"Wag ka nang magselos" malambing nyang sabi.

"Mananahimik ka o sasapatusin kita? Pili!"

Ngumuso nya, bakit nakyukyutan ako? Tss.

***

Puro dinosaur ang paligid, pati yung cake ay dinosaur, bakit ba naging paborito ni kenzo ay dinosaur? Si rach kase eh puro dinosaur na laruan ang binibili kay kenzo, yan tuloy. Naging paborito nya yung dinosaur.

Maraming bata na patakbo takbo dito sa garden nila mama, kids party eh. Naiinis ako kay rach, bakit hindi sya pumunta dito? Grabe sya sa pamangkin nya.

Busy daw sya eh kaya hindi sya makakapunta, nakakatampo pa rin! Hmp!

"Asan na ang daddy mo?" Tanong ko kay kenzo, hindi ko nakita si keo simula ng hampasin ko sya ng tsinelas kanina eh.

"I dont know" tumakbo na ito at nakipaglaro sa mga kaibigan nya.

Nakita ko ang pagdating nila kyro, rimin, lazpy. Kinawayan ko sila at dalidali akong lumapit sakanila. Bakit late na sila?

"Bakit late kayo? At mukha kayong hinabol ng aso dahil sa pawis?" Tanong ko, hinihingal kasi sila at pinagpapawisan.

"Nasira kase yung kotse ni rimin, kaya tinakbo namin to" sabi ni lazpy na hinihingal, agad akong kumuha ng tubig at binigay sakanilang tatlo, nag agawan pa sila kahit na tatlong bote yung binigay ko sakanila, nababaliw naba sila.

"Salamat"

"Pasok na kayo" pagaaya ko sakanila, sabay sabay kaming pumasok, nilapag nila yung regalo nila sa lalagyanan ng regalo.
Dumating na din si manang, huhu namiss ko din sya at yung mga panggugulat nya saakin nung nasa mansyon kami.

"Hoy friend! Asan yung boyfie mo?" Tanong saakin ni lazpy, nagkibit-balikat ako.

"Aba'y ewan ko dun!" Sabi ko, asan na nga ba si keo? Saan yun pupunta? Baka naman tinotoo nya yung sinabi ko na pumunta na sya sa sexy na saleslady nya huhu.

"Tara" pagaaya saakin ni lazpy, hindi na ako nakapagtanggi kasi hinila na nya ako papunta sa tahimik na part ng garden.

"Ano gagawin natin dito? Balik na tay-"

Napatigil ako ng biglang bumukas mga lights sa garden na iyon, parang pamilyar to ah.

Tapos may naramdaman akong nahuhulog mula sa taas, tumingala ako, may nagbabato ng rose petals mula sa bubong, what is happening?

Parang nagslowmotion ang mundo ng makita ko si keo, papalapit saakin, may ngiti sa mga labi nya, ng makalapit sya saakin ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.

"Wag ka nang magselos..baby, pls" bulong nya.

Kinikilig ako, anoba, hindi ako makahinga sa sobrang kilig.

"Ano meron?" Tanong ko.

Bumitiw sya sa pagkakayakap at tumingin sa mata ko.

"I love you...hindi na ako makapaghintay, I wanna grow old with you, sa paggising ko, gusto kong mukha mo agad ang aking makikita, sa pagtulog ko gusto kong ikaw ang kayakap ko,your'e the person i want to come home to. Your'e the person i want to tell how my day went. You're the person i want to share with my happiness, sadness, frustration, and sucess with. Ikaw lang.. ang labi mo lang ang gusto kong halikan, ikaw lang, ayaw na kitang pakawalan pa ish, kahit na madapa man tayo ay sabay tayong babangon. Hinding hindi na kita sasaktan ulit, mahal na mahal kita, I love you so damn much."

Napatakip ako sa bibig ko ng lumuhod sya sa harap ko, halo halong emosyon ang naramdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nagwawala na ito sa loob.

"Marry me, baby. I won't let you go again"

Tumulo yung luha ko, hindi ko mapigilang humagulgol, sobrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon, napakagat ako sa labi ko, parang may nagkakarera sa puso ko. Omaygosh.

"YES!!"

Napatalon sya! At niyakap ako ng mahigpit, napatili ako ng iangat nya ako! Damn keo!

"May suprise ako sayo" bulong ko sakanya at bumitiw sa yakap.


May binigay ako sakanyang maliit na bagay, napawi bigla yung ngiti nya, at nanlaki yung mata, yung reaksyon nya...priceless.

"Oh god!"

Lumapit sya saakin at hinalikan ako, omaygosh.

"Magiging kuya na si kenzo!"

Natawa talaga ako ng makitang gulat na gulat pa rin sya at hindi mawala ang malawak na ngiti sa labi, bigla nya akong niyakap ng mahigpit, omg! I love him so much.

"I love you ish..." bulong nya.

"I love you too"

I love my life because it gave me you, I love you because you are my life...




*end*

***

HI GUYS! WHOOOO HAYSALAMAT AT NATAPOS KO NA ITO, DONT FORGET TO VOTE! SALAMAT SA MGA NAGBABASA NG STORY KO! SALAMAT AT NAKAABOT KAYO DITO! MWAH! SISIMULAN KO NA PO YUNG "YOU ARE NOW CONNECTED" SANA BASAHIN NYO RIN PO IYON! SALAMAAAAAAT!

-NELLA

Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon