Chapter 13Wag mo akong iwan
Pinagbuksan ako ng gate ng guard, kakauwi lang namin ni lazpy, kaya pala sya nagmamadali umuwi ay nanganak na daw kase tita nya, sabay sila ng mommy nya pumunta doon sa hospital.
Nakatayo si manang sa tapat ng pintuan.
"Hinahanap ka ni sir keo, puntahan mo sya sa kwarto nya" sabi nya, tatango na dapat ako pero umalis na sya bigla, umirap ako sa kawalan. Sungit talaga ni manang.
Naglakad na ako papasok, dumiretso agad ako sa hagdanan, pumunta muna ako sa kwarto ko at nilagay ang mga gamit ko doon, tsaka ako pumunta sa kwarto ni keo, kumatok muna ako. Bakit ba kase ako tinatawag netong kupal na ito.
"Come in" dahan dahan kong binuksan yung pintuan, nakahiga sya sa kama nya habang nakabalot yung katawan nya ng comforter.
"Uhm sir? Hinahanap mo daw po ako?" Tanong ko at lumapit sakanya kunwari mabait ako, nagulat ako kase namumula yung mukha nya at mukha syang matamlay ngayon.
"Saan ka galing?" Seryoso nyang tanong. Kala mo talaga boyfriend kung makatanong, kinilig naman ako.
"Uhm nagmall lang po ako" sabi ko, lumapit ako sakanya, at sinubukan kapain ang noo nya pero hinawi nya kamay ko.
"Sir okay ka lang?" Tanong ko, mukha kase syang nanghihina.
"Okay lang ako, sino naman kasama mo pumunta doon?" Tanong nya, ano naman yun sakanya? Tanong ng tanong eh.
"Si lazpy po" sagot ko, pumikit sya, doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na kapain ang noo nya, kinapa ko, halos napaso na ako sa sobrang init nya, nanlaki mata ko.
"Sir! Ang init nyo po!" Sabi ko.
"Wala lang yan" ang tigas pa rin talaga ng ulo nya.
Nagcross arms ako sa harap nya."Sasabihin ko po sa daddy nyo" akmang maglalakad ako paalis pero naramdaman ko yung init ng palad nya sa braso ko.
"Wag mo akong iwan" marahan nyang sabi.
Hindi ako nakapagsalita, parang double meaning bumilis tibok ng puso ko ano na nagyayari? Bakit biglang nagkaroon ng background music?, umiling nalang ako sa naiisip ko, dahan dahan nyang tinanggal ang kanyang kamay sa braso ko.
"Wag mo sabihin kay daddy" nanghihina nyang sabi, tumango naman ako sakanya.
Bakit kaya?"Babalik ako, magluluto lang ako ng chicken soup at kukuha ako gamot" sabi ko at umalis sa kwarto nya.
Napatingin ako sa braso ko kung saan sya humawak, nakakatindig balahibo ang haplos nya, umiling ako sa naisip ko at dumiretso nalang sa kusina.
Yun na nga, nagluto ako ng chicken soup at palihim akong kumuha ng gamot, ayaw kase paalam ni keo sakanila, nilagay ko sa tray iyon lahat at umakyat na sa taas. Mau lagnat ang mahal na prinsepe.
Hindi na ako kumatok, binuksan ko nalang yung pintuan, dali dali kong pinatong yung tray sa malapit na lamesa ng marinig na sumusuka si keo mula sa banyo, tumakbo ako papunta doon.
Sumusuka sya lababo, hinagod ko yung likod nya habang ginagawa nya iyon, naghilamos sya pagkatapos sumuka, napatingin ako sa damit nyang basa, kailangan nya nang magpalit. Bakit ang hot nya? Este ang init nya, taas kase ng lagnat nya.
"Magpahospital kana kaya?" Nagaalala na ako eh.
"Ayoko nga" hardheaded tsk tsk.
Humiga ulit sya sa kama at binalot ang sarili ng comforter, pumunta ako sa aircon at hininaan ito. Kinuha ko yung chicken soup at ipinatong sa side table nya.
"Basa kana, magpalit kana keo" pumunta ako sa cabinet nya at kumuha ng tshirt doon, napatigil ako ng makita ang tshirt na niregalo ko sakanya dati.
Tinabi nya pala ito?Kumuha ako ng puting tshirt at binato iyon sakanya.
"Magbihis kana sir" sabi ko, tumayo naman sya sa pagkakahiga at naghubad sa harap ko! Oo sa harap ko! Napatingin ako sa katawan nya.
Yung abs nya, medyo basa ito dahil kanina, pinanood ko ang pagpunas nya sa katawan nya.
Hindi ko namalayang nakagat ko na labi ko, nahuli nya ako habang nakaganon, nagiwas ako ng tingin sa kahihiyan. Wtf ish?
Sinuot na nya yung tshirt na binigay ko at humiga na ulit sakanyang kama, umupo ako sa gilid ng kama at kinuha yung bowl ng soup.
"Upo sir" utos ko, sinunod nya naman ito.
"Ahh" sabi ko habang nakanganga, ngumanga naman sya para akong nagaalaga ng bata.
***
Kung kayo si ish? Ano gagawin nyo?char! Hi guys! Enjoy reading!
-NELLA
BINABASA MO ANG
Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)
عاطفيةSi Arkisha Ysabelle Casas ay nagiisang anak at dahil nga nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang wiling syang tumulong sa mga ito, kaya naman inako nya yung pagiging katulong na dapat ay sa kanyang ina dahil matanda na daw ito at mabilis mapagod...