Chapter 11Akin kana
Naglakad lakad kami ni lazpy sa mall maya maya lang ay nagyaya na syang kumain, pilit nya akong hinila papasok sa isang mamahaling restaurant.
"Lazpy okay na ako sa jollibee, nakakahiya naman sayo ang mahal mahal dyan eh" sabi ko, pano ba naman kase, nakita ko sa menu, noodles lang 250 na.
"Sige na, treat ko naman eh" wala na akong nagawa, nahila na nya ako, sapilitan nya akong pinaupo, onti lang kumakain dito kaya madali lang kami nakahanap ng lamesa.
"Ano gusto mo?" Tanong ni lazpy.
"Kahit ano" sabi ko, ayoko pumili, nahihiya talaga ako ang mamahal ng mga pagkain dito eh.
"Uhm waiter!" Tawag ni lazpy sa waiter.
Madami syang sinabi sa waiter na hindi ko maintindihan, sumilip nalang ako sa labas at tinignan ang mga taong dumadaan. Daming tao ngayon sa mall.
Nakuha ng isang lalake ang atensyon ko, ramdam ko ang pagkamutla sa mukha ko, hindi sya nakatingin saakin.
Umiwas ako ng tingin, andito na talaga sya?
"Hey ish!" Tawag saakin ni lazpy agad ko naman syang tinignan.
"Y-yes?" Tanong ko, may halong pagaalala at pagtataka ang mukha nya.
"Bakit namumutla ka? May sakit kaba?" Tanong nya, umiling naman ako.
Maya maya lang ay dumating na yung inorder ni lazpy, nagsimula na kaming kumain, nagkwekwento sya ng kung ano ano pero lumilipad yung utak ko, may bigla akong narinig na boses lalake sa utak ko.
"Magiging akin ka ish, pagbalik ko, akin kana"
Umiling ako ng maalala iyon, nagpatuloy nalang ako sa pagkain at pilit na binibigay ang atensyon sa kwinekwento ni lazpy.
"Pag nagpalawan ako, sasama kita, may resthouse kami doon!" Excited nyang sabi, ngumiti nalang ako ng pilit.
"Nakakahiya naman pag ganon!" Sabi ko naman, ang sarap ng pagkain dito! Kaya pala mahal.
"Wag kang mahiya ish, friends naman na tayo diba?" Sabi nya, hindi na ako nagdalawang isip, mabait si lazpy, halata sa mukha nya at gusto ko din magkaroon ng kaibigan.
"Yes!" Sagot ko.
"Ikaw yung pinakamagandang maid na nakilala ko! Ang sexy mo pa, nagmomodel kaba?" Todo iling naman ako habang natatawa.
"Dapat magartista ka nalang or magmodel" ano ba tong pinagsasasabi ni lazpy, tinawanan ko nalang sya.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya si lazpy magshopping, pinipilian nya ako ng damit pero tinatanggihan ko, baka sabihin ng iba ay pera lang gusto ko kaya nakipagkaibigan ako sakanya.
"Please ish! Try this!" Sabay bigay nya saakin ng isang dark red dress, sabi ni mama ay bagay sa maputi kong kulay ang dark red or red, kaya karamihan sa damit ko ay red.
Pati two piece ko na binili ni tita ay dark red, eto naman kay lazpy, bagay daw talaga sa kulay ko ay red, kaya binibigay nya saakin itong dark red na spaghetti strap dress, knee length ito.
"Pleaseee sukatin mo na, kung hindi ay magtatampo ako" sabi nya, walang pagaalinlangan kinuha ko yung dress at pumunta sa fitting room, hay lazpy.
Pagkasuot ko non ay lumabas na ako ng fitting room at tumingin sa salamin. Narinig ko ang mahinang tili ni lazpy saaking gilid.
"Ang gandaaaaa! Bagay na bagay sayo! Sa ayaw't sa gusto mo ay bibilhin ko ito para sayo!" Pinahubad nya saakin yung dress at dumiretso agad sya sa cashier, binili nya rin ako ng bagong two pieces, kulay red ito na may dots na puti.
"Yeeeey! Gamitin mo iyo pagmagswiswimming ka ha?" Sabi nya sabay bigay saakin ng paper bag kung saan yung two piece at dress, tinignan ko naman iyon.
"Thankyou lazpy!" Niyakap nya ako pagkatapos kong sabihin iyon.
"Sarap naman magkaroon ng kaibigan!" Sabi nya. Bigla akong naihi.
"Lazpy, Cr lang ako, dyan ka muna" sabi ko at pinahawak muna sakanya ang paper bag.
Pumunta ako sa cr, at umihi, pagkatapos ay tinignan ko yung sarili ko sa salamin, inayos ko yung sarili ko, sinuklay ko gamit ang mga daliri ang aking buhok, at nagpulbos ako.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng cr, pero bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ang taong iyon, bigla syang ngumisi ng makita ako.
"Long time no see"
"R-rach"
***
DENDENDENDEEEEEEEEN! DEN DEN DEN DEEEEEEN! HI READERS! ENJOY READING GUYS! DONT FORGET TO VOTE! MWA MWA!
-NELLA
BINABASA MO ANG
Ex Boyfriend's Personal Maid (COMPLETED)
RomanceSi Arkisha Ysabelle Casas ay nagiisang anak at dahil nga nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang wiling syang tumulong sa mga ito, kaya naman inako nya yung pagiging katulong na dapat ay sa kanyang ina dahil matanda na daw ito at mabilis mapagod...