Kabanata Eight- Pambawi

967 31 1
                                    

Kabanata Eight- Pambawi

—STILL THE SAME DAY, AFTER LUNCH—

Nagising ako sa ingay na nang gagaling sa baba.

Ano naman kaya yun?

Naalala ko na naman ang nangyari kanina dun sa may kalye. Hala! Si Kuya nga pala.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita ko si Kuya na tumatawa. Walang kahit isang galos sa mukha!

Lumapit ako sa kanya at binatukan sya!

"Aray! What was that for?!"

"Pinag alala mo ako! Tapos makikita kita natutuwa dito walang kahit isang galos!? Ugh!"

"Chill ka lang." Inawat na ako ni Kuya sa pang hahampas ko sa kanya!

"Bahala ka nga jan!" Sabi ko at pumunta sa dinning area para kumain ng late lunch. Kumakalam na sikmura ko eh.

Pag pasok ko sa dinning area ay akala ko may mag nanakaw!

Mag nanakaw ng pagkain!

"HOY!"

"AY KABAYONG MAY PITONG ULO!" Whut did he say?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"

"What are you laughing at!?" Galit na bulaslas ni Xander sa akin.

"Nakaka tawa ka pala magulat." I stated. He looked away a sign that he is embarrassed.

"Ano bang ginagawa mo dito?" He asked annoyed.

"Well, I'm hungry. Kaya I'm going to eat." Sabi ko at nag hila ng upuan katapat nya.

Nag pahain ako kay manang nang maraming  pagkain. Aware akong naka tingin sa akin si Xander.

"What?" I asked.

"Wala. Nag tataka lang ako. Ang dami mong pinahain tapos ikaw lang ang kakain? Saan mo iniimbak yan?" Sabi nya.

"Paki alam mo ba ha? At tsaka, tama lang naman katawan ko ah." Depensa ko sa sarili ko. Totoo naman eh, sakto lang ang katawan ko. Di masyadong mapayat at di rin sobrang taba! Aba! Kung maka lait toh, akala mo kung sinong  macho. Hmp!

Hinain na ni manang ang lahat ng pagkain na pinahain ko. Nilantakan ko agad ito. Si Xander naman ay parang nagulat.

"Staring is rude." Sabi ko sa kanya pag ka-lunok ko ng pagkain sa bibig ko.

"Staring? Kapal. Nag tataka lang ako kung babae o lalaki ba ang nasa harap ko. Para kang lalaki kung kumain."

"Whatever. Kung gutom ka mag pahain ka kay Manang, hindi yang iniistorbo mo ang pagkain ko." Sabi ki at nag patuloy sa pagkain. Aba, walang arte arte pag dating sa pagkain noh.

Food is everything. :)))

Natapos akong kumain na hindi pa umaalis si Xander.

"Ano pang hinihintay mo?" I asked.

"Wala. Bored kasi ako kaya ikaw ang aasarin ko." He smirked.

Napairap na lang ako at iniwan sya.

Dumiretso ako sa kwarto para tingnan kung online ba si Nate.

Active 13 hours ago...

Hayy. Di na naman sya online. Kung may busy sa aming dalawa, sya yun. Lagi syang busy.

*Knock. Knock.*

"Sino yan?"

"Alex. Si Xander toh. Bumaba ka daw sa sala sabi ni Theon." Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

"Baba na!" Hinila ko sya sa braso nya pero napa sigaw sya, "ARAY!"

Napa kunot ang noo ko.

"Aray? Eh ang hina pa nga ng hawak ko sayo eh."

Napatingin ako dun sa hinawakan ko.

"OH MY GOD! D-dugo!" Turo ko dun sa may parte na hinawakan ko. May blood stain yung long sleeve nya.

Hinawakan ko sya sa kamay at dinala sa may CR sa kwarto ko para hugasan yung sugat.

Pinaupo ko muna sya dun sa may sofa tapos kinuha ko naman ang first aid kit ko sa may cabinet.

Kumuha ako ng bulak at nilagyan yun ng betadine. Dinampi dampi ko yun dun sa may sugat.

"A-anong nangyari j-jan?" Tanong ko.

"Nahiwa nung kaaway namin kanina."

"A-ANO?!"

"Oo nga. Sinangga ko yung kutsilyong dapat kay Theon tatama." Napayuko ako sa sinabi nya. I felt guilty dahil sinungitan ko sya pero niligtas nya pala si Kuya.

"S-salamat..." Hindi ko alam kung narinig nya pa yun sa sobrang hina ng boses ko.

"Para saan?"

"Baka kung di dahil sayo nasa hospital si Kuya Theon."

"Wala yun. At tsaka ito? Malayo sa bituka." Mayabang na pag saad nya. Kaya diniinan ko yung bulak sa may sugat nya.

"OUCH! Masakit kaya!"

"Buti nga. Napaka yabang mo talaga!" Sabi ko at binalutan ng bandage yung hiwa nya. Medyo malaki kasi eh. Pero di naman masyado malalim.

Kailangan kong bumawi sa kanya. Kung di dahil sa kanya baka nasa ospital din ako. Kasi nga di ba? Kung di nya ako hinila baka natamaan ako nung bato at baka maging komplikado ang lagay nang ulo ko.

"Umm. Xander, gusto ko sanang bumawi sayo?"

"Ha? Kahit wag na."

"Sige na. Para di ako maguilty."

"Fine, sige nga. Paano ka babawi?" Nag isip ako ng pwede! Aha!

"Sa Wednesday since wala tayong klase sa araw na yun, punta tayo sa isang amusement park. What do you think?"

"Sige. Sunduin na lang kita dito sa inyo?" Tumango ako. Hiningi ko ang phone number nya para maka pag communicate kaming dalawa para sa Wednesday.

"ALEXANDRA! XANDER! ASAN NA KAYO?!" Rinig kong sigaw ni Kuya sa baba.

Tumawa kami ni Xander at bumaba na kami.

"Kuya, relax. Ginamot ko lang yung sugat ni Xander."

"Ay, oo nga pala. Salamat bro." Tapos nag hand shake sila na sila lang ang nakaka alam. Ang cool! Ang bilis kasi nung kamay nila.

"So? Bakit mo ako tawag."

"Ay! I want you to formally meet my frat members. Guys, si Alex kapatid ko. Alex, mga ka-frat ko." Marami ang bumati sa akin.

"Off limits, okay?" Sumagot naman yung iba ng 'Yes Theon' pero iba ang sinagot ni Yuan.

"HINDI! PAANO NAMAN AKO!?" Tanong ni Yuan.

"Yuan, mag tigil ka nga! Basta, bawal ang kapatid ko! Naiintindihan mo!" Tiningnan sya ng masama ni Kuya kaya parang tuta sya na tumango.

I know that he's just joking about hitting on me. I always see him looking at the taekwondo player na nag pra-practice sa may gym tuwing Thursday. Minsan kasi nadaan ako dun nakikita ko sya sa labas ng gym naka tingin dun sa babae tapos ngingiti.

Nag kwentuhan lang sila dun habang nilantakan ko yung nakita kong pizza sa may center table.

"Di ka ba nabubusog?" Bulong ni Xander sa akin. Katabi ko sya eh.

"Hindwe. Bwakit?" Tanong ko habang puno ang bibig ko.

"Eww. Nevermind." Sabi nya at naki pag laro ng XBOX kila Sean.

Napaka arte naman nun. Akala nya di sya sugapa. [A/N: Sugapa means matakaw.]

Nag paalam na ang mga ka-frat ni Kuya at silang banda naman ay mag sleepover daw. Dahil may practice sila para sa tutugtugin nila bukas. Okay? Anong meron??

Paki alam ko ba sa kanila. Pumasok na ako sa kwarto at nag basa ng libro hanggang sa antukin ako.

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon