Kabanata Forty-one- Graduation

559 16 0
                                    

Kabanata Forty-one- Graduation

—Alex’s POV—

One week na lang graduation na namin, nalulungkot ako dahil di ko na makakasama yung iba kong classmates.

May pinagsamahan din naman kami kahit papaano.

Yung iba lilipat na ng university. Yung iba naman iba ang course na kukunin.

Katulad ng sabi ko dati, sa field ako ng medicine.

Baka maging surgeon  ako after ko kumuha ng MedTech.

At ngayon, dagdag stress ko pa ay tinatawagan ako ng school sa America.

Kailan daw ba ako babalik? May plano pa daw ba ako bumalik? Sayang daw yung oppurtunity etc.

Di ko pa nakakausap si Xander about dun.

Baka hindi ko na lang kunin. Marami namang university dito na pwede ko pasukan eh.

Besides, matagal-tagal pa naman ang enrollment.

May biglang nag takip ng mata ko.

Sa amoy pa lang kilala ko na. Hinawakan ko ang kamay nya at tinanggal sa pagkakahawak sa mata ko.

"Xander, anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Wala. Haha! Lalim ng iniisip mo uchi ah." Umupo sya sa tabi ko.

(@_@)

"Hindi naman. Iniisip ko lang paano na tayo after graduation."

"Tungkol ba ito sa offer sayo abroad?"

Napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?" Kinakabahan ako. Baka magalit sya sa akin. Dahil hindi ko agad sinabi sa kanya.

Ngumiti lang sya ng malungkot sa akin.

"G-galit ka ba?" Hindi ako makatingin sa kanya.

Natatakot ako mabasa ang iniisip nya.

"Hindi. Nagtataka lang ako, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Hinawakan nya ang kamay ko at ininterwine ito.

Humarap ako sa kanya at yumuko.

"Kasi hindi ko alam kung tatanggapin ko yung offer nila. Naguguluhan ako." utas ko at tiningnan sya.

"Dapat sinabi mo pa rin sa akin para makapag decide ka." Malungkot ang mga mata nya. Nakikita ko.

"Do you want me to take it?"

"Kung ako ang pipili? Ayoko. Pero ikaw yun eh. Ikaw ang bahala. Susuportahan na lang kita." Ngumiti sya ng sincere.

Alam kong kahit masakit sa kanya, susuportahan nya kung ano ang desisyon ko. I made up my mind.

Makabubuti ito para sa akin, at para kay Xander.

—Xander’s POV—

Nandito kami sa gym para sa practice ng graduation.

Bothered ako dun sa nalaman ko. Hindi ko alam ang desisyon na gagawin ni Alex.

Pero, susuportahan ko sya kahit anong desisyon nya. Titiisin ko lahat ng sakit.

Natapos ang practice at hinihintay ko si Alex sa may labas ng gym. Kausap pa ata nya yung iba naming classmates.

Sila Sean naman ay nauna na sa cafeteria. Dun muna kami tatambay.

"Alex, may nag hihintay pala sayo." Dinig kong sabi nung isang classmate namin kay Alex.

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon