Nakasuot kami ng black na damit at may hawak na puting lobo
"Let us all pray for her soul." Sabi nung pari.
Pinagdasal namin sya.Naiiyak ako, wala na sya.
Naging malaki pa din naman ang parte nya sa buhay ko.
Ma-miss ko sya.
Yung katarayan nya, kaartehan na minsan nakakaasar pero pwedeng pagtyagaan, at lalo na ang mga ngiti nya na minsan lang makita.
Pero yun ang pinili nya na landas.
Napalingon ako sa paligid ko, lahat umiiyak at nasaktan.
Tiningnan ko yung kabaong nya habang binababa ito.
Maraming umiiyak habang pinapalipad na nila yung hawak nilang lobo.
Pinalipad ko na din yung hawak kong lobo.
Pinanuod ko lang na tabunan nila ng lupa ang kabaong nya.
Umupo ako sa isang upuan at hinintay na maubos ang mga tao.
Unti-unti nawala ang mga tao hanggang sa ako na lang ang natira.
Lumapit ako sa may lapida nya.
Shanai Chennise del Flor
Born: January 3, 19**
Died: April 19, 20**Binaba ko ang hawak ko na rosas.
"I'm sorry. Pinaglaruan kita noon. Nadamay ka pa. Bakit kasi kinampihan mo sila? Pero ayaw kitang sisihin. Sorry. Pero masaya na ako kay Alex. Pero hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Alexandra. Pero someday, mapapatawad din kita." Sabi ko at sumakay na sa kotse.
Namatay si Shanai dahil sa tama ng baril. Sinubukan namin sya dalhin sa ospital pero dead on arrival na. Nalaman na din ng pamilya nya ang ginawa nyang pagsali sa frat.
Pinasara ko na ang frat para iwas na na sa kapahamakan.
"Asan na si Alex? Bakit ang tagal?" Takang tanong ko.
"Baka naman natagalan sa cr kasi madaming tao." Sabi ni Erice.
Kumakain lang sila. Hindi ako mapakali, alam kong may masamang nangyari.
"Asan na si Alex? Patapos na tayo oh." Nakahalata na din si Theon at tumayo.
Nag lapag na lang kami ng pera sa table at agad naghanap sa mga cr.
Pero walang Alex na lumabas.
Napunta kami sa last na cr at nakita ko dun ang phone nya.
"Phone ito ni Alex ah!" Hindi na ako nag dalawang-isip at pumasok sa cr ng mga babae.
Inisa-isa ko ang mga cubicle pero wala ng tao.
"Hanapin nyo sya!"
"Yuan, tawagan mo ang buong grupo at hanapin si Alex! Dapat syang mahanap!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Love From A Gangster [Completed]
Hayran KurguTwo characters, opposite personalities. It's Alexander (Xander) and Alexandra (Alex) Kung anong pag tugma ng pangalan nila, sya namang ayaw sa isa't-isa. Ang di alam ng isa, isa lang pa lang palabas ang pinakikita ng isa, dahil matagal na itong hu...