Kabanata Forty-three- Prince
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Walang kahit anong laman ang kwarto kundi kama at pinto.
Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi nakatali ang mga kamay at paa ko.
May naramdaman akong kirot sa ulo ko kaya hinawakan ko yun, may nahawakan akong dugo pero kaunti lang.
Nanghihina akong naglakad ako palapit dun sa pinto at kinatok yun ng kinatok.
"TULONG! TULONG! PALABASIN NYO AKO DITO!" Sigaw ko.
BAKIT BA AKO NANDITO?!
SINO ANG MAY GAWA SA AKIN NITO?!
Nung napagod ako ay napaupo na lang ako at umiyak.
Dapat hindi ako nag-cr ng magisa. Baka hindi ito nangyari sa akin.
Dapat lumaban ako! Pero hindi ko nagawa.
"Xander...tulungan mo ako..."
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito.
Iniisip ko si Xander sila Kuya, hinahanap na kaya nila ako?
Tumayo ako at tiningnan ang buong kwarto. Baka may magawa akong paraan para makatakas.
Hindi ako pwede mag tagal dito. Baka kung anong mangyari sa akin.
Hindi ko alam kung asan ako.
Natatakot ako, pero hindi pwedeng manaig ang takot sa akin. Dapat maging malakas ako.
Sinubukan ko buksan ulit yung pinto pero naka-lock yun mula sa labas.
"May tao ba jan?! Tulungan nyo ako!" Sigaw ko ng may marinig ako na footsteps.
Pero bigla din ito nawala.
Umupo na lang ako sa kama at umiyak. Niyakap ko ang tuhod ko at dun umiyak.
Natatakot na ako. Wala akong ibang kasama.
"Xander, sabi mo proprotektahan mo ako di ba? Asan ka na?" Bulong ko sa hangin.
Biglang nag bukas yung pinto. May figure ng lalaki.
Umatras ako ng lumapit sya sa akin, dahil madilim ang kwarto ay hindi ko maaninag kung sino.
"Gising ka na pala." Sabi nya pero naka-mask sya
"S-sino k-ka?" Takot na tanong ko.
"Prince yan ang tawag nila sa akin. At ikaw? Ikaw ang prinsesa ko."
"Lumayo ka sa akin! Hindi kita kilala! Pakawalan mo 'ko!" Sigaw ko.
Tumawa sya at lumabas ng kwarto.
Siya... siya ang kalaban nila Xander.
Ano bang gusto nya sa akin!?
Sino sya?! Bakit ayaw nya ipakita ang mukha nya?
*****
Nakaupo lang ako sa sahig at nakasandal sa pader.
Tumutulo ang luha ko.
"Kumain ka na daw sabi ni Boss." May pumasok na lalaki na may dalang tray.
"Ayoko. Ilabas mo yan." Cold na sabi ko.
Nilapag nya yung tray ng pagkain sa harap ko.
"Miss, kung ako sayo. Kakain na ako. Baka magalit pa si Boss sayo."
"SINABI NG AYOKO!" Bigla nya akong sinampal ng malakas.
Napahiga ako sa sahig sa lakas ng sampal nya.
BINABASA MO ANG
Love From A Gangster [Completed]
FanficTwo characters, opposite personalities. It's Alexander (Xander) and Alexandra (Alex) Kung anong pag tugma ng pangalan nila, sya namang ayaw sa isa't-isa. Ang di alam ng isa, isa lang pa lang palabas ang pinakikita ng isa, dahil matagal na itong hu...