Kabanata Thirty— Awake and Confession
—Xander’s POV—
One week had passed at ganun pa rin. Natutulog pa rin sya.
Araw-araw ko syang kinakausap, at sinasabing mahal na mahal ko sya. Sana naririnig nya.
Palitan kami ng pag babantay. Si Theon ay nag wawala kahapon dahil sa sinabi ng doctor.
"She might have amnesia." Pero hindi daw yun sigurado. Sana wala. Baka hindi ko kayanin.
Dumating rin si Tita at Tito kahapon. Kahapon lang dahil may inasikaso pa sila. Inexcuse daw nila kami sa school.
Psh. Pake ko dun. Gra-graduate na naman ako ng highschool.
Si Tita ay halos himatayin ng makita nya ang lagay ni Alex.
Tulad ngayon, kasama ko sya. Naka upo sya sa tabi ni Alex at umiiyak.
Nan dito din si Theon pero bumili ng pagkain.
"Xander, anong sabi ng doctor kahapon? Bakit nag wala si Theon?"
"Tita, hindi ko po alam kung ako dapat ang mag sabi sa inyo." Napa yuko ako.
Wala ako sa lugar. Baka mapasama si Tita.
"Alexander, please. I need to know." She pleaded.
"Tita, hintayin na lang po natin magising si Alex." Sabi ko. That's all I could say.
"Xander, I'm begging you. Please tell me." Hinawakan ako ni Tita sa braso.
"S-sabi po ng doctor..b-baka daw po magising sya na may a-amnesia." Nauutal na sabi ko.
Tumango sya at tumulo ulit ang luha nya.
Pinakalma ko sya at nag desisyon syang umuwi muna sa bahay nila.
Sumama na din si Theon pauwi para matulog. Wala pang tulog eh.
Naiwan akong mag isa dito.
Umupo ako sa tabi ni Alex at hinawakan ang kamay nya.
"Lex, di ka pa ba gigising? Inip na inip na ako." Bulong ko.
"Bahala ka pag di ka gumising di mo na makikita tong gwapo kong mukha." Sabi ko.
Dahil asar na asar sya pag niyayabang ko tong gwapo kong mukha.
Pero, ngayon walang sumasagot sa akin.
"Alex, please. Gising ka na. One week na oh. Di ka s napapagod matulog?" Tanong ko.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Alex at hinalikan ito.
Nagulat ako ng unti-unting gumalaw ang mga daliri nya.
"Alex? Sige lang. Kapit ka lang Lex." Sabi ko.
Unti unti nyang hinawakan ang kamay ko.
Tapos ay minulat nya ang mga mata nya. Hindi ako maka galaw sa kinauupuan ko.
"X-xander?"
"A-alex!? Ako toh. Tatawag lang ako ng doctor."
"D-dont l-leave m-me..."
Paano ako tatawag sa doktor!?
"Xander naiwan ko pala yung—" biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Theon na gulat na gulat na makitang gisong na ang kapatid nya.
Tumakbo agad sya palapit kay Alex at niyakap ito.
"Xander! Tumawag ka ng doctor." Agad akong tumayo at tinakbo ang nurse station.
Pabalik ko ay naka salubong ko si Tita, "T-tita...si A-alex...g-gising na." I manage to say
BINABASA MO ANG
Love From A Gangster [Completed]
Fiksi PenggemarTwo characters, opposite personalities. It's Alexander (Xander) and Alexandra (Alex) Kung anong pag tugma ng pangalan nila, sya namang ayaw sa isa't-isa. Ang di alam ng isa, isa lang pa lang palabas ang pinakikita ng isa, dahil matagal na itong hu...