Kabanata Twenty-eight- Xander's POV

621 22 11
                                        

Kabanata Twenty-eight— Xander’s POV

Nagising ako sa kwarto ko, sobrang sakit ng ulo ko. Lecheng hangover.

(-_-)

At wala akong maalala kagabi. Ngayon hindi ko alam kung paano ako naka uwi.

Umupo ako sa kama at sinubukan na alalanin ang mga nangyari kagabi at kung paano ako naka uwi.

Pero peste! Wala akong maalala.

Ang naalala ko lang ay tinawagan ko si Alex.

Sh*t! Si Alex!

Asan nga ba si Alex!?

Ilang beses ko na sya tinawagan pero isang beses nya lang sinagot ang tawag ko!

Argh! Asan ka na ba Alexandra?!

Pag katapos kasi nung game ko ay hinatid ko sya akala ko mag papahinga sya. Tapos kinagabihan tinawagan ako ni Theon at sinabi sa akin na nawawala daw si Alex, kahit ang mga gamit nya. Hinanap namin sya pero hindi namin sya nahanap.

Ang nakaka pag taka, si Tito at Tita ay kalmado lang. Pakiramdam ko ay may alam sila. Pero hindi nila sinasabi.

Tinawagan ko si Alex—binigay lang ni Tita yung number—nagulat ako na roaming number ang ginagamit nya.

Sabi nya sa nasa mabuti syang kalagayan at wag na sya hanapin. Hindi pwede! Kailangan ko malaman kung nasaan sya.

Nag lasing ako dahil yung mahal ko hindi ko alam kung asaan.

Tama, mahal ko si Alex. Matagal na.

Hindi ko pa man sya nakikita at mahal ko na sya. Minahal ko sya dahil sa mga kwento ni Theon. Pinigilan ko naman eh—ang dami kong naging babae kaya ako naging playboy— pero ayaw ng puso ko. Ang corny man pero yun ang totoo. Lalo ko pa syang minahal nung nalaman ko na sya pala ang ka-chat ko. Ako yung Nathan na tinutukoy nya. Nagulat ako na sya pala yun, pero di ko sinabi sa kanya baka kasi layuan nya ako.

Nathan galing sa second name ko na NATHANIEL.

Pinilit kong wag magustuhan si Alex, pero kada pilit ko lalo lang akong nahuhulog.

Nung naging pretend girlfriend ko sya, sobrang saya ko nun. At least, naramdamam ko na akin sya kahit pretend lang.

Tumigil na ang Trouble makers sa frat war. Pinullout ko na ang grupo sa frat war dahil nakita ko ang takot kay Alex. Ayaw ko sya mapahamak. Madaming grupo ang nanghinayang.

At may grupong nagalit, dahil sa pag pullout ko, ako pa rin ang tinaguriang hari at yun ang Assault Warriors—ang nag tatangka sa buhay ni Alex.

Simula din nung naging pretend girlfriend ko sya ay tumigil na ako sa flings at dates ko. Nag ayos na rin ako sa pag aaral ko. Naging magandang influence sa akin si Alex.

Sya ang naging inspirasyon ko an ayusin ang buhay ko.

Ngayong wala na sya, di ko na alam. Hindi ko nga alam kung saan bansa sya eh.

*Bzzzt. Bzzzt.*

From: Theon
  8:56 am

Good morning pre. Ako at si Erice ang nag uwi sayo. Umuwi din kami kagabi pag ka-ayos namin sayo. Kami na lang muna ang mag hahanap kay Alex.

Kahit si Theon walang alam kung asan ang kapatid nya.

Ayaw nyang may maka alam kung asan sya.
Bakit naman kasi kailangan nya pang umalis?!

Tumayo na ako kahit sobrang sakit ng ulo ko at naligo. Pag katapos ay uminom ako ng gamot.

Tinawagan ko ng tinawagan si Alex. Pero hindi sya sumasagot. Tinadtad ko rin sya ng text pero wala pa rin syang reply.

Love From A Gangster [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon