Kabanata Forty- USB

493 17 0
                                    

Kabanata Forty- USB

-Xander' POV-

"Matulog ka na, gabi na. Tawagan kita pagnakauwi na ako." I leaned into her to kiss her lips pero tinulak nya ang mukha ko.

"Tama na ang kiss Xander." Humikab sya.

"Ang daya naman oh." Nagpout ako kaya inirapan nya ako.

Halatang antok na sya dahil kanina pa sya humihikab kaya pinabayaan ko na sya bumaba ng kotse.

Binaba ko ang bintana ng kotse, "I love you. Pasok ka na muna bago ako umalis."

"I love you too uchi, ingat pag drive." Pumasok na sya ng bahay nila kaya umalis na din ako.

Habang hinihintay ang stoplight ay kinuha ko ang usb sa bulsa ko at tiningnan.

Ano naman kaya ang laman nito at bakit binigay pa sa akin ni Theon?

Tungkol saan naman kaya ito?

Umiling na lang ako at nag drive na pauwi.

*****

"Yeah, naka uwi na ako. Matulog ka na. Goodnight. Sweet dreams."

["Hmm. Goodnight! Sweet dreams."]

Binaba ko na ang tawag at nagbihis ng pantulog ko.

Umupo ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko, sinaksak ko dun ang usb.

'CCTV Footage'

Yan ang file name nung video, ito lang ang laman nung usb.

Clinick ko ito at hinintay na magload.

I clenched my jaw as I watch the video.

Footage ito ng harap ng bahay nila Alex, may kotse na nasa labas ng bahay nila at mukhang may hinihintay, ang sunod na video ay kinabukasan nung gabi may kotse na naman pareho nung nauna pero may mga lumabas na tao na may dala na pamalo at lumapit sa gate ng bahay nila Alex.

Binugbog nung mga yun yung guard nila Alexandra, hindi sila pumasok pero nagiwan ng sulat sa tabi nung guard.

Ano yung sulat na yun?

Yung mga sumunod na footage ay nasa labas lang yung kotse at parang nagma-manman sa galaw ng mga tao sa loob.

Halos magtatatlong linggo na may nagmamanman sa labas ng bahay nila Alex at wala akong alam dito?!

Tinawagan ko agad si Theon.

"Theon, napanuod ko na. Anong ibig sabihin nito?"

["Hindi ko din alam pero ang alam ko, hindi ligtas si Alex sa bahay namin."]

"Sino ba itong mga ito?"

["I-zoom mo at makikilala mo yung isa sa bumugbog sa guard namin."]

Zinoom ko ang footage dun sa part na may binugbog na guard. Sa tayo at hubog ng katawan kilala ko na agad kung sino.

"Si Arthur, ano bang gusto nya?"

["Baka nakakalimutan mo Xander na ang kapatid ko ang premyo sa lahat ng ito."]

"Saglit, may nilapag na sulat sila Arthur, anong laman nun?"

["Ang sinasabi nila ay ingatan daw natin si Alex, at hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha si Alex."]

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon