Kabanata Seventeen- Jealous Dragon?

923 29 1
                                    

Kabanata Seventeen- Jealous Dragon?

After the elections ay naging normal days naman na.

Well, except for us SC. Madaming kailangan ayusin for the coming Sports Fest.

Kasabay din kasi ng Sports Fest ang foundation week ng school. Pinag sabay na para daw mas mag enjoy ang students.

One week kasi ang Sports Fest tapos ay another week for the foundation week. Then, one week preparation for the following activities.

We still have two and a half month to prepare. Pero madami pa kaming kailangan ayusin kaya tingin namin ay di yun sapat.

Kagabi nga ay di ako naka tulog ng ayos dahil sa dami ng paper works na pinagawa sa akin ng dean namin.

Kailangan kong ipasa yung reports na yun in two days! Buti na lang tinulungan ako ni Kuya Theon dun.

Pero naka tulog din naman agad sya at pagod sa practice ng basketball. Kasama silang Trouble makers sa lalaban ng basketball sa sports fest.

Gusto nya nga ako na manuod ng practice pero, sa dami ng paper works ko ay di na nya ako napilit manuod at pinauwi na para gawin lahat ng yun.

4:35 ako kahapon nag start at 3:30 na ako natapos. Oh di ba? Sinong matutuwa nun? (-_-)

Habang nagawa nga ako ay papikit pikit ako kaya kailangan ko pa maligo ng malamig na tubig oara magising ako.

Napagalitan nga ako ni manang, bakit daw naliligo ako ng ganun oras—masama daw yun sa katawan. Pero pinabayaan na nya ako at alam nyang madami akong ginagawa.

Dalawang oras lang ang tulog ko dahil kailangan maaga ako sa school para ayusin ang nasa props team. Home court ang gagamitin for the sports fest kaya nag mamadali na kami.

Hindi nga ako naka kain ng breakfast eh. Kaya gutom na gutom na ako.

Si Xander ay naka assign sa foundation activities, pero kailangan pa ng agreement ko kaya sa akin pa rin ang bagsak ng gawain nya.

"Huy! Wag mo masyado pagudin sarili mo Alex." Sabi ni Xander. Nandito kami sa office ng SC. Nagawa ng mga paperworks.

"Oo naman." Sabi pero nag type pa rin.

Bigla nyang sinara ang laptop ko.

"Xander, ano ba!? Madami pa akong gagawin di ko kailangan ang kakulitan mo ngayon!"

"Alam ko! Pero kumain ka naman muna! You're stressing yourself too much!"

"Kailangan ko yan matapos agad!"

"Fine! At least eat, dumaan ako sa bahay nyo kanina. Sabi ni manang di ka daw kumain." Nag lapag sya ng supot sa harap ko, "Kainin mo yan. Baka mag kasakit ka pag pinag sabay mo ang gutom at stress. Labas lang ako." Lumabas na sya.

Napa ngiti ako sa ka-sweetan nya. Mabait sya, ayaw nya lang ipahalata.

Thank you Xander...

*****

Pag katapos ko gawin ang mga paperworks ko ay bumalik na ako sa classroom. Ang next class ko ay Calculus.

Isa pang problema ko sa buhay. Hay..

"Kuya, di ako sasabay sayo mamaya ha?"

"Bakit?" Kumunot na ang noo nya. Hala.

"May meeting kami ni Xander with the dean. May ipapagawa ata." Tumango lang sya. Bastos na kausap.

Pumasok ang prof namin at kung ano anong formula ang sinulat nya sa board.

"Walanjo. Calculus. Patayan na lang oh." Bulong ni Xander.

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon