Kabanata Eighteen- Umiiwas?

810 31 3
                                    

Kabanata Eighteen- Umiiwas?

Kinabukasan ay nag handa na ako para pumasok.

Natapos ko na lahat ng gawain ko kaya relax lang ako ngayon.

Kinatok ko si Kuya sa kwarto nya.

"Kuya! Hindi ako sasabay ha?" Sabi ko. Bumukas ang pinto. Lumabas sya at naka uniform na din.

"Bakit?"

"May dadaanan lang ako."

"Ako na ang sasama sayo." Pilit nya.
Tumango na lang ako.

"Manang, alis na po kami ni Kuya. Sa may pancake house na lang po kami kakain. Pasensya na po." Humingi ako ng tawad kasi nag luto pa si manang eh di naman kami kakain ni Kuya.

Nakaka pagod din kaya mag luto.

"Kuya, uuwi ba si Papa sa birthday mo?" Tanong ko pag kasakay ko ng kotse.

"Oo daw. Mag stay yata sila dito for three months? I don't know. Di ko pa sila nakaka usap eh." Sabi nya at pinaandar na ang sasakyan.

Malapit na ang birthday ni Kuya. Two weeks away?

Nag iisip pa nga ako ng regalo sa kanya eh. Wala akong maisip.

Lahat naman yata ng bagay meron si Kuya.

Sino kaya ang pwede ko pag tanungan?

Si Ivan! Sya lang naman ang matino sa kanila eh. No offense. Si Sean kasi baka mamaya masabi nya kay Kuya. Si Yuan naman puro kalokohan ang alam baka mamaya maging epic fail ang regalo ko. Si Xander naman ayaw ko muna kausapin kasi nahihiya ako sa inasal ko kahapon. =_=

I acted like a jealous girlfriend. I just realized that it's wrong and I'm not in the position to act that way because we're just friends

Ngayon di ko alam kung paano ko sya haharapin. Hiyang-hiya talaga ako.

Bakit ko nga ba ginawa yun? Argh!
Pag tinanong nya ako ano na lang ang isasagot ko?

Na nag selos ako? Or I was mad kasi nilalandi sya nung alagad ni Shanai? Or nakiki pag landian sya?

Kahit anong sabihin ko babagsak pa rin sya sa dahilan na NAG SELOS AKO!

HINDI NAMAN AKO INDENIAL EH! PAG MAY NARARAMDAMAN AKO INAAMIN KO AGAD SA SARILI KO!

Kaya alam kong nag selos talaga ako. Pero hindi ko alam kung bakit. Baka kasi hindi ako sanay na wala sa akin ang attention na binibigay nya.

Tama yun lang yun.

Nag drive thru na lang kami sa pancake house kasi aabutin kami ng rush hour pag dun kami kumain sa bagal ko ba naman kumain baka iniwan ako ni kuya.

Bakit ba kasi sobrang traffic dito sa Manila? Minsan nakaka miss ang buhay probinsya. Lalo na nung nag bakasyon kami sa lola ko sa Cebu.

I miss Lola. Summer pa nung last kaming pumunta sa kanya.

"Oh? Problema mo?" Napansin ata ni Kuya na lumungkot ako.

"Miss ko na si Lola Mildred." Sabi ko at sumubo ng pancake na kinakain ko.

"Ako din naman eh. Wag ka na malungkot." Sinubuan ko si Kuya. Nag drive sya eh.

Ganito talaga kami ka-close ni kuya. Yan kasi ang turo sa amin ni Papa na no matter what happens we will stay close to each other.

Pag may naka kita sa amin na hindi kami kilala, baka isipin na may something sa amin. Sa sobrang sweet kasi namin at protective nya sa akin ay para na syang bf ko kaya walang nanliligaw sa akin.

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon