Kabanata Thirty-eight- Grad Ball

537 15 0
                                    

Kabanata Thirty-eight- Grad Ball

"Alex, bumangon ka na jan, malapit na mag tanghali." Kumatok si manang sa pintuan kaya bumangon na ako.

"Opo manang baba na po, maliligo lang po ako." Sabi ko at pumasok na ng banyo.

Naligo lang ako at bumaba na sa kusina para makakain na. 

Kumain lang ako ng brunch para mamaya ay hindi ako magutom.

After eating ay tumambay na lang ako sa garden para naman malibang-libang ako.

Pabulong akong kumakanta habang pinagmamasdan ang mga katulong na nagdidilig ng halaman namin sa garden. Yan din kasi ang bilin ni mama na panatiliin na buahy ang mga halaman nya kahit na lagi syang wala dito sa bahay.

Tumayo ako at pumitas ng isang yellowbell at bumalik sa inuupuan ko kanina. Nilagay ko yung bulaklak sa tenga ko, ugali ko na ito dati ang mag lagay ng bulaklak sa may tenga ko. Ito talaga ang paborito ko na kulay ang yellow.

Mamaya na ang grad ball at may mga dumating na agad na mga make-up artist at hair stylist. Padala daw ni Mama. Tinawagan ko sya at ang sagot nya sa akin ay para daw gumanda pa ako lalo. 

Bilib din ako sa nanay ko eh, hindi ko naman sinabi sa kanya na ngayon ang grad ball pero alam pa rin nya. Leche. 

Biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko na parang bagong gising pa lang. Ang gulo ng buhok nya at nag kukusot pa sya ng mata nya.

"Alex, sabi nga pala ni Xander, sya na daw maghahatid sayo." 

"Ok, Kuya Theon may date ka mamaya?" Tumango lang sya at lumabas na ng kwarto ko. Bastusan?

"Alex halika ayusan ka na namin." Tumango lang ako at umupo na sa harap ng salamin.

Nagsimula na silang ayusan ako.

-Xander's POV-

"What?!" Napasigaw ako sa kausap ko sa phone.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Argh. I can't, may event kami sa school ngayon." Binaba ko ang tawag kahit may sasabihin pa si Mark.

May frat war kasi ngayon tapos ngayon ko lang nalaman, bahala siya. Tinatamad ako at may event pati sa school, at tsaka malalagot ako kay Alexandra.

Nagbihis na ako nung coat na pinagawa namin ni Alex. 

Inayos ko na lang ang buhok ko at lumabas na ng bahay, susunduin ko pa si Alex eh.

Dumaan muna ako sa isang flower shop para kiligin si Alex.

Ayoko ng makawala yung babaeng yun, kung kailangan ko syang bilhan ng isang damakmak na bulaklak para kiligin sya sa akin at malunod sa pagmamahal ko ay gagawin ko wag lang sya maka wala sa hawak ko. Hindi ko na ulit kakayanin pa na mawala sya sa akin, yung limang buwan na nawala sya ay parang impyerno na para sa akin, ayaw ko ng maulit pa ulit yun. Gagawin ko ang lahat wag lang sya makawala sa hawak ko. Kung kailangan ko syang pakasalan para wala nang ibang lalaki ang pumorma sa kanya gagawin ko, kung kailangan ko syang halikan sa harap ng maraming tao gagawin ko maipakita lang an akin sya at lahat ng tutol ay papatayin ko.

Pagdating ko sa bahay nila ay dire-diretso akong pumasok sa bahay nila, kilala na ako nung guard nila kaya pektiks lang ang pagpasok ko. Hahaha.

Si Theon lang ang naabutan ko sa sala, mukhang naiinip na sya. Tulad  ko ay naka ayos na rin sya para mamaya.

"Theon!" Nag fist bump kami at umupo sa tabi nya. 

"Bakit nandito ka pa? Di ba dapat pinuntahan mo na yung date mo?" Usisa ko.

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon