Kabanata Twenty-nine- Another Promise

570 26 11
                                    

Kabanata Twenty-nine- Another Promise

-Xander's POV-

Pinakalma namin si Tita na halos himatayin sa nalaman nya.

"Pa, kami na lang muna ang lilipad sa America. Kailangan ni Mama kumalma. Sunod na lang po kayo."

"Sige Theon. Private plane na ang gamitin nyo. Ipaalam nyo agad sa amin ang lagay ni Alex." Sabi ni Tito at hinatid na si Tita sa kwarto nila. Halos atakihin si Tita sa nalaman nya.

"Uuwi na muna tayo, mag impake ng mga damit natin." Sabi ni Sean.

"Pero balik din agad dito. Dito na tayo mag kita. Theon, mag impake ka na." Sabi ni Ivan.

Umuwi muna ako sa bahay at nag impake agad ng mga gamit ko. Kinuha ko lahat ng gadgets ko, pati na rin ang pera at passport ko.

Bumaba na ako dala dala ang maleta ko.

"Iho, saan ka pupunta?" Nakita pa ako ni manang.

"Manang, aalis po muna ako. May nangyari lang. Paki sabi na lang po kila Mama na aalis ako, di ko nga lang po alam kung kailan balik ko." Sabi ko at dali dali lumabas ng bahay.

Nag mamadali kami eh! Kailangan kami ni Alex. Kailangan ko din malaman ang lagay nya.

Nilagay ko agad sa compartment ng kotse ang gamit ko at agad nag drive pabalik sa bahay nila Theon.

*Krriiiing. Kriiiing.*

"Hello Mark? Ano nag mamadali ako!"

{May schedule na kayo.} Ano ba yan! Ngayon pa ba?!

"Cancel it. May importante akong lakad." Sabi ko at binaba ang tawag.

Naka rating na ako sa bahay nila Theon at ako na lang ang kulang. Sumakay na ako sa van.

"Mag iingat kayo sa byahe. Susunod agad kami." Nag paalam na kami kay Tito.

"Theon, si Erice..sinabihan mo?" Tanong ni Sean.

"Oo, pero maiiwan sya dito. May mga kailangan syang gawin eh." Sabi ni Theon na naka tingin sa bintana.

*Kriiiiing. Kriiiiiing.*

Napatingin kami kay Theon na sinagot yung tawag.

Ni-loud speaker nya para marinig namin.

"Hello? Manang Esang?"

{Theon! Iho, si Alex. Si Alex.} Narinig namin ang iyong nung Manang Esang.

"Ok naman po sya manang di ba?" Tanong ni Theon na nag sisimula na mamasa ang mata.

{Iho, pumunta na kayo dito. Kailangan nya kayo.}

"Papunta na ho. Paki bantayan muna sya." Sabi ni Theon at binaba ang tawag.

"Sino si Manang Esang?" Tanong ni Yuan para basagin ang katahimikan.

"Sya ang caretaker ng bahay namin sa America."

"Bakit ba kasi nasa America si Alex?!" Tanong ko.

"Yan din ang aalamin natin. Kung bakit." Sabi nya.

"Wala ba talagang sinabi na kahit ano sayo sila Tita?" Tanong ni Sean.

Umiling si Theon. Wala talaga syang alam.

"Pero, may alam sila." Sinabi ko na lang.

Naka rating din kami sa airport at may nag escort sa amin sa isang private plane.

Buong byahe ay iniisip ko ang lagay ni Alex.

"Sino naman kaya ang walang awa na bumangga kay Alex!?" Sigaw bigla ni Theon.

Love From A Gangster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon