Maymay's POV
× × ×Nakakaloka ang linggong to! Sobrang busy namin, as in! Buti nalang talaga sila ang mga kagrupo ko, mga taong malalapit saakin at kakilala ako kung paano ako magtrabaho. Kasi naman, feeling ko lang ha, pag hindi sila yung groupmates ko - baka may makaaway pa ako. Demanding kasi ako bilang leader, gusto ko lahat maayos na agad-agad para di na kami magproblema pa.
Ayun! Okay naman na. Medyo pagod syempre, kasi nga nagpapirma pa kami ng kung anu-ano na permit sa pupuntahan namin. Nagbahay-bahay pa kami para ipaalam na may program kaming gagawin sa covered court nila. Namigay din kami ng flyers para alam nila kung anong mangyayari. Lahat ng groups iisang community lang din naman. Kanya-kanyang station lang ba? Ganern!
Hindi naman kalakihan yung sakop kaya mas madali ito kaysa sa inexpect namin. Isa nalang talaga pinoproblema ko eh, yung pagbibigay ng love advice. Kung pwede lang kasi talaga mag-hire nalang kami, ginawa ko na. Kaso hindi eh. Kailangan kasi kami mismo ang gagawa ng lahat. Emegesh.
Nagseset-up na ngayon yung apat sa location. Ilang oras nalang magpepresent na kami. Hindi naman actually sobrang public nung lugar. Hindi rin kalakihan, kaya hindi naman siguro ganun karami yung pupunta. Mga 50-100 persons lang naman, keri na.
Yun na nga, kanina pa sila dun tapos ako naman tong nasa school palang. May kukunin pa kasi akong props na ginawa namin. Tapos, may final briefing pa sa lahat ng leaders. Papunta palang ako sa meeting, hala lagot! Medyo late nanaman ako. Heh, lagi naman.
Pagpasok ko ng conference room, andun na lahat nung iba kong mga kaklase na leader din ng ibang grupo. Hindi lang kasi sa klase namin to, sa iba din kaya naman mas nahiya ako. Pagtinginan ka ba naman pagbukas mo ng pinto? Grabe uy. Lagi nalang. Natawa nalang ako.
"Hey miss, here." Sabi nung isa sa mga instructor namin sabay turo niya sa bakanteng upuan. Dun nalang kasi ang bakante.
"Thank you, Sir." Sabi ko sabay upo narin. At least, kakaumpisa lang pala talaga kaya wala naman akong namiss na detalye.
Nag-umpisa na ang meeting at super kinig kinig lang ako. Para sa grupo ko to eh! Naalala ko kasi na naghihirap sila dun tapos ako nakaupo dito. Katagal naman kasi eh. Nababagot na ako. Anyway, nagpaalala lang sila ng do's and don'ts at kung anu-ano pa.
Natapos narin naman agad dahil naiintindihan nilang marami pa kaming kailangan ayusin sa kanya-kanyang station namin. Grade kaya namin ang nakasalalay dito, no?
"Dale." Si João. I mean, si João nanaman. Pero in fairness naman, matagal ko ring di nakausap.
"Bakit?" Sagot ko.
"You need some help? Tulungan na kita." Sabi niya. Malamang, diba? Ikaw ba naman magbuhat ng napakaraming styrofoam at signages. Syempre kailangan ko, enebe. Hirap na hirap na nga oh!
"Sige nga, salamat."
"Where's your groupmates? Dapat sila gumagawa nito." Sagot niya. Gulo niya rin eh! Mag-ooffer ng tulong sabay reklamo? Keri lang. Kalmado pa naman ako.
"Nasa site na. Ikaw, bakit andito ka?" Tanong ko sakanya.
"Same with you. Meeting."
"Ay o? Hindi kita nakita kanina. Okay." So andun din pala siya kanina. Leader din pala.
"Are you heading to the site na? Papunta din ako dun. Sabay ka na."
"Hindi na. May pupuntahan pa muna ako. Salamat nalang." Sagot ko, totoo naman kasi.
"Let me take these for you. Para hindi hassle since May pupuntahan ka pa." May point siya ha? Ipasabay ko ba?
"Osige. Pero okay lang ba?" Nahiya din naman ako kahit konti ano.
![](https://img.wattpad.com/cover/113462824-288-k139307.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanfictionBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖