Maymay's POV
× × ×Marunong pala tong mokong na to magpiano. Yan, ganyan yan eh! Una, yung acting. Pangalawa, driving. Tapos ngayon, piano? Ano pa bang nililihim neto!? Lagi nalang akong ginugulat sa mga alam niyang gawin. Iba din magpa-impress. Hayy! Napaka-effective.
Ewan ko ba kung anong magic yung ginawa niya at bigla nalang akong sumandal sa balikat niya habang tumutugtog siya at kumakanta ako. At eto pa ha? Kinuha ko yung kamay niya sabay tingin ko sa mga mata niya. Kumalma ka, May! Tapos ano, para bang kinausap niya ako sa tingin at sabihin hawakan ko ng mahigpit yung kamay niya. Parang budol-budol lang eh, noh?
Isang bagay lang talaga ang sigurado ako simula pa noon - hulog na hulog na talaga ako sa taong to. Kahit nga wala siyang gawin feeling ko ang effort effort niya parin para mapasaya ako. Ganun siguro talaga, kasi nga iba na tignin ko sakanya.
Narealize ko sa pagtali ng aming mga kamay na eto na yung pagkakataon. Kailangan niya rin naman malaman yung nararamdaman ko para sakanya. Gusto ko rin siyang sumaya tulad ng pakiramdam nung sinabi niya sakin na mahal niya ako.
Ano daw!? Shems. Na-skrengge na talaga ako. Lintik na pag-ibig, oo! Nakakabaliw. Si Edward kasi eh, ayaw din papigil. Sino ba namang tatanggi sa tulad niya? Siya na talaga.
"Bakit ngayon lang?! Ang tagal na kitang inaantay, bushak ka!" Sinabi ko ng buong tapang, sabay tulak ko sakanya ng slight at bigla siyang natahimik. Ano kayang iniisip niya? Totoo naman, mula noon hanggang ngayon, siya parin.
"Wait. What?" Sabi niyang nakangiti. Sus. Gusto lang ipaulit eh. Ang arte arte!
"Sabi ko, matagal na kitang gusto. Ayan, masaya ka na?" Sabi ko at pinalo ulit siya ng bahagya sa dibdib niya. Tinakpan ko yung bibig ko nung braso ko kasi hindi ko mapigilan. Leche, kinikilig ako.
"So, are you saying that you love me too?" Sabi niya at binaba niya yung braso kong nakatakip sa bibig ko. Hoy!?
"Oo na!" Sabi ko at tinulak ko yung mukha niya gamit yung palad ko. Bwisit makangiti eh! Wagas!
"I love you." Sabi niya. Aynako, kahit pa paulit-ulit ang sarap pakinggan. Kailan ko naman kaya masasabi sakanya yan? Sandali.
"Okay." Sagot ko. Sobrang nakakapanibago. Yung taong sinusulyapan mo lang ang kagwapuhan noon at di mo pwedeng mahalin dahil sa pagkakaibigan - ngayon, alam niya nang gusto mo rin siya.
Ang hirap pala sabihin nung tatlong salita. Nakakakaba.
"Eh bakit kinikilig ka?" Sabi niya at inaasar niya na ako. Wagas talaga maka-ngiti! Hinawakan niya magkabilang braso ko at tinaasan ako ng kilay. "Hmmm . . Kilig oh!" Dagdag niya pa.
"Anong kinikilig!? Di noh!" Pagdedeny ko. Paano ba kasi hindi maging obvious!? Patulong naman o. Hinampas-hampas at tinulak ko nalang siya para madistract siya sa pang-aasar sakin.
Pero bakit ba ako nahihiya!? Eh totoo naman!? Siguro di lang sanay na mabahiran kaming dalawa ng kasweetan.
"I said, I love you." Sabi niya pa.
"Sige na nga! Oo ako rin." Sabi ko sabay nagtama yung mga tingin namin.
"So, how do you say that properly ha?" Tanong niya. Arte talaga! Kindat pa more. Leche.
"Tigilan mo ko ah! Kulit!" Sabi ko. Natatawa na ako kasi parang nililitis na ako sa korte. Kitang-kita ko naman na masaya siya.
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Sobrang higpit. At kahit nakokornihan pa ako, humupa naman ng konti yung hiya ko at bumulong ako sa tenga niya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanficBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖