Chapter 38

1K 66 48
                                    

Maymay's POV
× × ×

Ilang linggo na rin pala ang nakakalipas simula nung maging kami at ni isang araw hindi ko naramdaman na nagkulang siya saakin. Sobra-sobrang effort at pagmamahal lang talaga na halos di ko na alam ang pakiramdaman na malayo ng saglit sakanya.

Ilang araw nalang din ay babiyahe na kami pa-Baguio at nasabi narin namin sa barkada ko na yun na nga, kami na. Ay grabe lang! Ang saya lang kasi napaka-supportive nila saamin. Kahit na kami-kami palang nakakaalam, iba parin na masaya at aprub sila. Oo nga pala, simula rin nung araw na nasampal ko si João, nagising na ata siya. Kasi naman, kinausap niya kami ni Edward at sinabing masaya daw siya para samin. Peace peace nalang ba? Hayyy! Naniniwala naman akong sincere na siya this time.

Mukhang nasa maayos naman na kalagayan lahat. Ewan ko ba, minsan, kinakabahan parin ako. Kasi naman, pag sobrang saya minsan may mangyayaring masama. Sana naman hindi. Hindi naman lahat ng kwento ganun diba? Naniniwala naman ako na basta magkasama kami, kaya namin.

Pinagpaliban nga pala muna namin yung misyon namin na pagsuway sa rules. Paano naman kasi . . . naiilang ako. Teka. Eh yun pang si Edward excited na! Nakakaloka! Halaaa uy. Syempre, alam ko naman na kung anu-anong rules ang susunod at hindi ko pa ata kaya. May, kumalma ka.

Yung level 3 kasi namin, char char lang naman eh! Sa totoo lang, wala pa naman kasi kaming balak na pumasok sa relationship at nagkatuwaan lang kaming gawin ang mga rules nga sa level na yun. About sa relationship naman kasi na kung sakaling nagka-jowa siya, tapos ako din ng iba. Ganern! Malay ko ba naman kasing kami rin pala. Emegesh nemen. Sabagay, for now, hindi muna. Ay maloloka ako! Kailangan 'pag ready na ako para diyan kasi mukhang si  Edward oo na eh. Uy grabe.

Siya nga pala, may dinner kami kasama yung family ni Edward mamaya. Sa wakas, matutuloy na rin. Medyo matagal nang na-set pero ang gusto nila yung kumpleto kaming lahat, ang buong pamilya ko. Oo, alam na rin nila Mama at Papa dahil ba naman sa tsismoso kong Kuya! Wala naman silang masabi kundi na suportado nila ako kasi kilala naman nila si Edward at parang anak narin nila. Ganun din naman daw ang sabi ng mga magulang niya tungkol saamin. Grabe noh? Ang saya lang talaga!

"Oy, ready ka na?" Tanong ni Kuya saakin habang nakaupo ako sa may sala. "Anong ngini-ngiti mo diyan?"

"Ay! Opo. Opo." Sabi ko naman pagbalik ng diwa ko. Napatayo pa ako sa panggugulat niya. "Wala, Kuya. Masaya lang." Sagot ko.

"Osha. Magbihis ka na. Isang oras nalang oh, nananaginip ka pa!" Sabi niya sabay lingon ko sa orasan. Hala! Oo nga, alas-sais na at isang oras nalang!

"Ay bushak!" Sigaw ko at nagmadaling umakyat sa kwarto. Natawa nalang si Kuya at Mama sakin kasi nakabihis na pala sila at naghahanda ng dadalhing pagkain.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagbukas agad ako ng cabinet at kinuha ang mga naka-hanger kong damit. Inilagay ko lahat sa kama at natataranta na ako ng slight. Alin ba dito kasi!? Hala dapat maayos akong tignan. Diba?

Napapraning na ata ako kasi sinukat ko na halos lahat eh hindi parin ako kuntento sa nakikita ko sa salamin. Alam ko namang kasya lahat ng damit ko sakin ah?! Bakit sinukat ko pa isa-isa? Na-buang na! Umupo ako sa may carpet at kinausap ang sarili sa malaking salamin na nasa pader.

"Kakain lang kayo uy!? Anong akala mo magpopropose na sa'yo?" Sabi ko sa sarili ko. Napangiti tuloy ako kasi para akong baliw. Ano bang nangyayari sakin!?

Tumunog bigla yung cellphone ko at message galing kay Edward kaya mas lalo akong kinabahan. Leche flan! Ano ba kasi!?

Hey babe, I can't wait to see you.😍

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon