Chapter 46

1.2K 70 29
                                    

Maymay's POV
× × ×

"Let's do this!" Sabi niya sakin habang nasa loob kami ng sasakyan niya. Nasa parking lot na kami ng school. Oo, back to school na nga kami.

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung bumalik kami galing Baguio. Masaya naman at nakabalik na kami, pero iba pala talaga yung saya nung andun pa at kaming dalawa lang halos magkasama. Nakakamiss naman bigla.

"Sorry ulit ha?" Sabi ko naman sakanya kasi noong mga nakaraang araw di ko siya gaanong pinapansin siguro kasi sa dami ng nangyari sa Baguio parang medyo awkward. Alam mo naman. Yun.

"I understand. Maybe things were fast but the sure thing is, it was out of love. Just one more thing?"

"Sige. Ano yun?"

"Please don't restrain me from being myself when I'm with you."

"Naiilang ako minsan pero ayokong maramdaman yun kasi boyfriend naman kita."

Sa totoo lang, never naman kami nagpanggap neto ni Edward in terms of care, sweetness at concern. Oo, given naman na nagpanggap kaming di kami magkakikila noon pero kasi mga kalokohan lang din naman yun.

"Alam mo bang mas nakikilala ko sarili ko kapag kasama kita?" Sabi ko kaya napatigil siya sa pagtanggal ng seatbelt at nginitian at kinindatan niya ako. Leche, papogi talaga.

"Shall we get this started? Isa lang o. I've been craving for five days." Sabi niya sabay hawak sa pinsgi ko. Nilalapit niya na yung mukha niya.

"Anong craving ka diyan!" Tinulak ko yung mukha niya gamit yung palad ko. Aga-aga humirit. "Di ka pa nag-toothbrush eh."

"Baka ikaw hindi, kaya you don't like." Sabi niya ba naman!? Aba.

"Oy. Kapal! Gusto mo subukan ko sa'yo?" Paghahamon ko sakanya. Yabang eh. Hahaha

"Osige." Sabi niya agad-agad. "Tagal naman."

"Bushaaaaaaak!" Sabi ko kasi mabilis niyang kinalas seatbelt niya sabay lumapit talaga saakin. Grabe! Nagbibiro lang ako eh.

Hinalikan niya ako agad at talaga namang magugulat parin pala ako sakanya. Kahit pa ilang araw na naming hindi ginawa ito mula paggaling namin sa Baguio, parang kahapon lang yun. Namiss ko rin pala to, namiss ko siya.

"Okay, nag-toothbrush ka nga." Sabay sabi niya pagkatapos ng ilang segundong mga halik. Hala, baka masanay kaming ganito. Paano na?!

"Hindi ka ata kumain noh?" Tanong ko naman sakanya.

"Why?" Tanong niya pa.

"Bakit pati lips ko kinakagat mo?! Pag ako nagka-singaw humanda ka sakin talaga." Sabi ko nalang. Natawa pa ang loko. Pero in fairness, level up pa ngayon. Ano? Nagreresearch ba to kung paano, ganun? Natawa nalang ako.

"And by the way, the rules." Pinaalala niya ulit sakin. Syempre, dinelay ko nanaman. Ewan ko ba kasi kung bakit h ang sisimple lang naman ng mga rules na yun di ko pa magawa.

"Sige na nga, ngayon na!" Sagot ko. Oo na, gawin na nga namin. Enebe.

"Good. It's here!" Nilabas niya yung rule book na tinago niya sa compartment. Araw-araw niya dala yan eh. Excited masyado!

"Oh, eto na!"

Level 3, Rule #1: No to romantic relationships with any third party​ without one another's consent or approval. (Best friend knows better than mom sometimes!)

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon