Maymay's POV
× × ×"ANO!?!" Sigaw ko. Nasa loob kami ng office ni coach ngayon at kasama ko si João. Inamin niya na binitiwan niya yung role kasi feeling niya hindi niya kaya i-carry out yung character. Mas gusto niya raw kumanta. Okay naman siya kahapon ah?
Nakakalungkot naman.
"Huyy! Akala ko partners tayo!?!" Sabi ko sakanya. "Bakit ganun!? Ayaw mo ako ka-love team!? Hahaha" Nasabi ko pa. Hala nakakahiya. Pero, wala pala to eh. Siguro nga tama si Edward, wala kaming pag-asa neto ni João. Hahaha Sa play pa nga lang iniwan na ako, paano nalang kung jowa ko siya? Edi Jo-wow! Hahaha Oy, natutunan ko lang kay Russell yan nung nakaraan. Buang yun!
"It's not like that." Sabi niya. Whoo! Alam ko na kadugtong niyan eh! Mga tipong 'It's not you, it's me' ganern! Hahaha Okay. Oo na. Ikaw na ang may singing career. Charot! Pero sige, masaya naman siya. Edi go! Heh.
"Pero coach, sinong kapalit?" Sabi ko. Si Ryle na nga lang dapat kasi edi sana hindi ako umasa diba? Arte-arte. Hahaha Uy pero wag nalang. May girlfriend kasi si Ryle, tapos pinagseselosan ako nung girl. Inamin niya narin na yun nga yung rason. Naiintindihan ko naman, umiiwas lang sa gulo.
Anyway! Eh sino nga?!
"Malalaman niyo later. 30 minutes nalang naman practice na." Si coach, at aba may pa-suspense. Sana naman kakilala ko para naman hindi na kailangan makipag-close diba?
"Okay po." Sabi ko, at umalis na kami sa office. Naglalakad kami pabalik ng theatre pero tahimik parin ako. Iniisip ko nga kasi kung sino.
"I'm sorry, Dale." Sabi ni João. Whoo wala! Tapos na eh! Utot mo. Hahaha
"It's okay lang, uy." Sagot ko. Oo nalang.
Pero Lord, sana naman mas gwapo yung kapalit niya, tsaka mas magaling, para hindi ako manghihinayang sakanya. Hahaha
"Just like what I've said, it has nothing to do with you." Oo na nga! Paulit-ulit eh! Oo na, nothing to do with me talaga kasi hindi mo man lang ako kinonsider sa decision mo. Che! Hahaha
Nakarating na kami kila Russell at nagpasama ako sakanya para kumain. May 30 minutes pa. Kain muna nga kami pang-alis ng badtrip. Hahaha
"Bakit daw?" Tanong ni Russell kasi sinabi narin pala sakanila pero di nila alam kung bakit.
"Mas mahal niya kayo eh. Hahaha" Sabi ko nalang. Eh sa totoo naman!
"Ay wrong move siya ah! Kung ako yun, ikaw makakasama! spotlight na kaya, grab the opportunity dapat! Hahaha" Alam ko naman pinapagaan niya lang pakiramdaman ko.
"Eh sa mas gusto niya nga kayo kasama bakit ba!? Hahaha" Sabi ko pa. Medyo bitter ako sa totoo lang, pero once na malaman ko kung sino kapalit niya? Who-you yan sakin! Hahaha
"Sus. Drama. Best actress ka talaga." Buti pa to may bilib sakin. Kahit parang ginogoyo lang ako eh. Okay na rin!
"Edi Jo-wow! Hahaha" Sagot ko, kaya natawa siya sakin. Eh expression niya yun kasi. Hahaha
Nag-ice cream kami kasi pampaalis daw ng init ng ulo. Parang hindi kakanta eh! Oo nga pala, pati ako kakanta. Kailangan namin ng mahaba-habang practice nung bagong partner ko ah? May kantahan pa eh. João naman kasi!? Hoo hirap! Hahaha
Pagbalik namin, andun na si Edward sa inuupuan niya kahapon. Hala to! Tinitignan niya nanaman ako, nacoconscious ako lalo. Hahaha Bushak talaga. Ay oo nga pala, may surprise daw siya no? Hmmm.
Tinawag na kami lahat ni coach sa stage para sa announcement niya tungkol sa changes.
"So, guys, as you all know, João stepped down from the lead role." Si coach, at oo na nga kasi! paulit-ulit, sakit na sa tenga marinig na nang-iwan siya. Hahaha
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanficBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖