Chapter 44

1.1K 68 40
                                    

Maymay's POV
× × ×

Hayyy! Nakakapagod ah, pero masaya dahil kasama ko silang lahat ngayon. Sobrang na-miss ko si Ford, Russell at Tristan sa mga kakulitan at pambubully nila sakin. Ilang araw ko rin kasi silang hindi nakasama eh. Oo na sige, si João na rin. May pinagsamahan din naman kami eh. Baka magalit lang kasi yung seloso kong jowa kung sakaling marinig niya. Hahaha

Nasa Cafe in the Sky kami ngayon at grabe lang kasi dati kinuwento lang ni Russell tong lugar na to saakin nun. Kaya naman naisip kong magpunta talaga ng Baguio dahil sa mga kwento niya eh. Eto, nakikita ko na. Tama nga si Russell, para kaming nasa sky kasi tanaw mo yung mga bahay at building sa malayo. Lamig pa dito uy!

Kasama ni Edward ngayon si João at hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero mukhang​ okay lang naman sila. Kami naman dito sa kabilang side ng view deck ni Russell ang magkasama. Si Tristan at Ford nasa loob pa eh. Mga matakaw kumain!

"So, kumusta naman kayo dito?" Tanong ni Russell sakin. Pagkatapos naming magtawanan, bigla siyang nagseryoso.

"Okay kami. Alam mo, ang saya!" Sabi ko. "Ang daming bagay na nangyari na first time ko ba!" Excited akong magkwento sakanya.

"Anong first time yan? Kwento!" Sabay akbay ni Tristan saming dalawa, nakisama sila ni Ford sa usapan namin.

"Oo nga, simula nung nalaman naming matagal na kayong bff neto ni Edward tapos ngayon jowa mo pa? Wala na, pahiya kami eh." Si Ford.

"Oy grabe naman! Hindi uy. Eh, sa . . mahal ko siya eh. Chaaar! Hahaha" Sagot ko. Open naman ako sa tatlong to talaga, except sa rules namin ni Edward noon. Yun lang talaga.

"Psssh. Oo na. Anong mga ginawa niyo?" Tanong ni Russell.

"Marami eh. Sobrang daming adventure. Mas lalo namin nakilala ang isa't isa. Alam mo yun, yung kung paano siya matulog at kung anu-ano pa."

"Matulog? Bakit magkasama kayo?!" Tanong ni Ford.

"Oo, bakit?" Ngumiti ako. "Dalawang kama baliw!"

"Baka palipat-lipat lang kayo, sa iisang kama din natutulog!?" Sabi niya kaya tumawa sila. Aynako.

"Luhhh! Baka totoo yung may pamilya na pagbalik ah! Nakailan na ba?" Hirit ni Tristan kaya natawa narin ako. Sa totoo lang, gets ko naman tong joke ng mga to eh. Sanayan lang din. Ikaw ba naman bumarkada sa mga lalaki? Malamang madalas babae at mga kalokohan ng lalaki ang pinag-uusapan. Kainis!

"Uy bushak ka! Grabe naman!" Sinuntok ko siya ng bahagya. "Kayo ah! Mga tinuturo niyo rin kay Edward, kaloka! Naririnig ko kayo sa kotse. Maygash!"

Paano ba naman kasi? Nagkunwari akong naka-earphones tapos sinusulsulan nila yung isa na magkiss daw kami. Lagi daw. GRABE NAMAN! Kinilabutan nga ako eh! Para akong binebenta ba!? Alam niyo naman, chickboy nga barkada ko! Rinig ko naman na inosente siya sa mga pinagsasabi nila kaya okay narin yun. At least. Huyyy ano ba?!

"Nakikinig pala eh! Mag-abang ka na! Tignan mo kung naconvince namin si Edward." Sabi ni Ford. Ay grabe sila oh?! Mag-eexpect ako, ganun!?

"Bushaaaaaaak! Hala uy, kayo talaga." Nalungkot ako bigla. "Oo alam ko, hindi pa namin nagagawa yun pero . . ." Natahimik ako ng sandali.

"Pero ano?" Si Russell.

"Kasi . . . ano, ayoko namang gawin niya yun kasi na-pressure lang siya sainyo o dahil nakikita niya sa iba. Darating din tayo diyan pero sana sa tamang panahon nalang." Paliwanag ko. Diba? First time namin pareho, anong alam namin dun?! Mga to kasi veterans na eh. Hahaha Tsk.

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon