Maymay's POV
× × ×Lunes nanaman! Sa totoo lang, nakakatamad pumasok. Paano naman kasi, gustong gusto ko ng panahon ngayon - umuulan. Ewan ko ba! Siguro kasi nung mga bata palang kami, walang pasok pag umuulan. Pero seryoso, masaya ako pag ganito ang panahon.
Ganito kasi talaga yun.
Noon, kapag umuulan, nakatambay lang ako sa bintana ng kwarto ko. Ano pa nga bang makikita ko dun? Edi syempre, si Edward! Tanaw na tanaw ko siya sa kwarto niya habang ako naman tong gwapong-gwapo pero kunyari hindi nakatingin sakanya.
Madalas, nakikita ko siyang nagcocomputer lang. Well, lagi naman! Never ko siya nakita nagbukas ng libro mula sa bintana ko kaya nga nagtaka talaga ako nung nakapasok ako sa kwarto niya nung nagpintura kami. Hay grabe! Ang daming libro. So, ano yun? Display?
Tapos ayun, magpapapansin na yan si Edward pag nakita niya na ako sa bintana. Tatambay narin siya sa may bintana niya para mag sulatan kami. Wala pa naman kaming mga cellphone noon at bawal lumabas pag umuulan kaya whiteboard talaga ang gamit namin.
Nung close friends na kami, siya na ang nag-uumpisa magsulat at ipapakita niya sakin mula sa bintana niya. Dati, ang dali ko magsabi ng mga salitang mahirap na sabihin ngayon. Kasi iba na kami ngayon, este, iba na siya. Mas naging mahiyain na ata ako sa pagbitaw ng mga salitang to? Hala.
"I miss you."
"Rest well, sweet dreams."
"Eat na."
"Take care, okay?"
Ngayon kasi, ako, hanggang 'Ingat' nalang at in denial rin 'I miss you'-han. Pero siya, nitong mga nakaraang araw, pinaparamdam niya talaga sakin na oo nga, gusto niya ako. Emegesh. Totoo na to! Dalawang araw palang ang nakalipas mula nung nagpunta kami sa bahay ni Ford at nilulubos niya na ata yung pagkakataon na binigay ko sakanya. 'Okay' palang ang nasabi ko nun ah! What if 'Oo' na!? Chaaar! Paano naman ako makakatiis na hindi kiligin niyan!? Kaloka!
Look outside.
Nakatulala nanaman akong nakaupo sa kama ko nung nagvibrate phone ko, nagtext pala si Edward. Nagmadali akong pumunta sa may bintana ng kwarto ko. Nakita ko siya sa kabila na hawak ang whiteboard niya. Grabe, inaalala ko lang to kanina!
Good morning, beautiful.
Nakasulat sa whiteboard, may puso na nga, kumindat pa! Shemayyyy! Ang aga-aga nagpapa-impress na si koya aaah! Natuwa naman ako kaya napangiti nalang ako sakanya. Dali-dali kong kinuha yung whiteboard ko sa likod ng cabinet at yung marker sa may mesa. Nagsulat din ako pabalik at pinakita sakanya.
CHE!
Sabay tawa ko, kaya nawala yung ngiti sa mukha niya. Nakakamiss naman tong ginagawa namin. Umuulan pa talaga eh. Gantong-ganto talaga kami noon. Ang saya! Pero yung feeling ko ngayon, iba na. Huy! May, maghunus-dili ka! Ayun, nagsulat ulit siya.
Let's go to school together.
Ha? Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Never kasi namin ginawa yun. Lagi akong hinahatid ni Kuya eh. Oo nga pala! Speaking of Kuya, hala uy!? Tumingin ako sa relo ko, 7am na pala! Dumungaw ako sa parking space namin kasi usually pag late na, sinisigawan na ako ni Kuya sa baba. Hoy teka! Wala na yung sasakyan. Iniwan nila ako!?
Hindi ko na nireplyan pa si Edward sa whiteboard ko at nagsara agad ako ng bintana pati kurtina. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at nakita ko si Mama sa kusina. Tinanong ko siya agad.
"Ma, si Kuya?"
"Kuya? Bakit?" Sabay tinaasan ako ng kilay. Halatang nagtataka siya. "Kanina pa umalis kasama si Yong. Lutang ka nanaman anak!"
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanfictionBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖