Maymay's POV
× × ×
"Sorry, sorry po talaga kasi na-late po ako." Hingal na pagbungad ko sakanila sa backstage. Nakakahiya parin kahit magkakakilala kaming lahat dito, pinagtitinginan nila ako. Leche. Na-late ako kasi nasiraan yung kotse ni Yong sa biyahe. Nagpaiwan na nga siya dun eh, tapos nag-taxi nalang ako. Grabe, 30 minutes nalang, mag-uumpisa na kami."That's okay. It's good to know you're safe, babe." Lumapit si Edward saakin at niyakap niya ako. Kahit paano, gumaan pakiramdaman ko.
"Go straight to wardrobe area, please." Sabi nung assistant kaya ako naman nagmadali talaga. Nasa first scene pa man din ako. Hala.
Pagkatapos ko magbihis, inumpisahan na nila akong lagyan ng make-up. Lahat talaga madalian kaya agad naman natapos. Buti nga wala naman naimbyerna sakin, lahat naka-ngiti parin. Ilang minuto nalang ang natitira, biglang pumasok si Coach sa dressing room kasama si Edward.
"May, we have a problem." Sabi ni Coach. Maygash, English. Nako, mukhang seryosong problema to.
"Hala, ano po yun? Papalitan niyo na ako sa lead kasi late ako? Ano?" Sabi ko agad.
"Hindi, mas malala pa dun eh." Sagot niya. Kinabahan naman ako bigla. Grabe ang emote, mukhang worried si Coach talaga. Ano ba?
"Hala uy, ano?" Tanong ko.
"Pinalitan ko yung buong script kanina. Alam na ng lahat. Pero since late ka, eto, script mo. Mag-rundown ka nalang. You have three minutes. One more thing, we'll use your names para mas madalian ka."
"Seryoso?! Bakit!? Ano?! Three minutes?!" Gulat na reaksyon ko. Grabe naman!
"Yeah, it's true." Sagot ni Edward. Bakit naman pati si Edward di ako sinabihan?! Pwede namang tumawag, ganun?! Tatlong oras na siya dito kaya.
"Mag-improvisation ka nalang. Alalahanin mo, theatre actress ka by profession. Kayang-kaya mo na yan. Maiwan ko muna kayo." Dagdag ni Coach. Kaloka uy, parang maaalis na tong make-up sa pawis at kaba ko eh. Paano?!
"Don't worry, I got you." Sabi ni Edward saakin. Sabagay, kasama ko naman siya kaya okay lang naman to siguro.
"Bakit memorize mo ba tong istorya?" Tanong ko sakanya. Sana, para siya nalang babagayan ko. Malamang siya naman kaeksena ko sa lahat.
"Of course." Kalmado at confident na pagsagot niya. Aba, ayos ah.
"Guys! Tara na!" Sigaw ng isang production staff sa labas kaya nataranta ako lalo. Nalaglag ko pa bigla yung script sa sahig. Hindi ko man lang nabasa yung laman nung script uy, bahala na.
One minute nalang.
Ni-lock ni Edward yung pinto ng dressing room at niyakap niya ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nanlalamig na sa kaba. Ilang sandali pa, ipinikit niya ang kanyang mga mata.
At yumuko.
At nagdasal para saaming dalawa.
Sa puntong yun palang, naiiyak na ako. Kasi naman, noon, ako yung gumagawa niyan pero ngayon, siya na. Napawi yung kaba ko dahil sa mga salitang sinabi niya. Pagkatapos niyang ipagdasal kaming dalawa at ang buong show, niyakap niya ulit ako.
Gustuhin ko man umiyak, sayang yung makeup eh. Kaya naman, idinampi ko ang mga palad ko sa mukha niya at binigyan siya ng isang matamis na halik. Hinayaan ko na yung lipstick, pwede naman umulit. Pero dahil wais tong jowa ko, yung halik ang inulit-ulit niya. Humirit pa talaga! Okay na ako, wala nang kaba.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanfictionBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖