Chapter 22

1.2K 80 12
                                    

Maymay's POV
× × ×

"Hello po! Magandang magandang hapon po sa ating lahat!" Panimulang bati ko. Grabe! Hindi namin inexpect na ang daming tao!

Akala namin mga less than 50 lang ganun, pero mukhang 150 sa 200 pa tong nakikita namin ngayon. Nagulat kami pareho ni Edward. At dahil nakaakbay parin siya sakin, napahawak nalang ako sa tagiliran niya. Naramdaman ko kasi na mas lalo pa akong kinabahan pero kumakalma din naman agad. Nasa kasama kasi yan! Buti nalang talaga, kahit paulit-ulit ko pang sabihin, buti nalang si Edward tong kasama ko. Kung iba to, ewan ko nalang.

"Good afternoon as well po! I am Edward and I'm  at your service as consultant today." Sabi niya. Napangiti ako kasi sumunod parin siya sa script ng introduction na sinulat ko kahit nakokornihan siya. Maiba lang naman kasi, lagi nalang siya ang nagsusulat ng script eh.

"At ako naman po si Marydale, Maymay nalang po for short. Magsisilbing tagapayo rin sa araw na ito." Sabi ko naman.

"Ready na po ba ang lahat?" Sigaw ko, at sumigaw sila pabalik ng oo. Tumingin ako at ngumiti kay Edward. Sa isang iglap, wala na. Wala na lahat ng kaba ko.

"Kung ganun po, as Maymay and I prepare, let us first call on Ford, Russell and Tristan to render us a love song." Linya naman ni Edward at umakyat narin yung tatlo sa stage habang gumilid naman kami papunta sa uupuan namin.

I won't hesitate
No more, no more
It cannot wait. I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate
I'm yours.

Ang ganda ng kanta, ang galing nila! Naghiyawan ang mga tao. Lakas talaga ng dating ng tatlong to! Swerte ko nalang din kaibigan ko sila. Iba din ang kasikatan eh, dinumog nanaman sila.

"Thank you guys! Nabitin po ba kayo? Wag po kayong mag-alala at babalik pa po sila. Isa-isa naman po mamaya. Okay?" Sabi ko narin.

"So, who will be our first lucky client?" Tanong ni Edward. Sa totoo lang, naooverwhelm talaga ako sa nakikita ko. Panay reklamo talaga siya nung una, tapos ngayon, eto na siya. Halata namang nag-eenjoy. Ang saya lang!

Ang daming nagtaas ng kamay pero may nakita akong lalaki sa gilid. Nahiya pa siya konti kaya siya tuloy tinawag ko. Malay namin, kailangan niya talaga ng tulong pero nahihiya lang magsabi.

"Ayun! Ayun! Come forward please." Sabi ko at lumapit naman siya sa kung saan namin nilagay yung microphone stand. "Ano pong maipaglilingkod namin sa'yo, tol?" Tanong ko.

"May gusto kasi akong babae. Close friend ko siya, pero yun nga, may gusto namang iba." Sabay lingon niya sa paligid. Siguro chineck niya baka nasa tabi-tabi yung tinutukoy niya kaya nagtawanan yung mga tao. "Ang common po nung tanong ko pero anong payo niyo?" Sabi niya.

"I'll answer first." Agad na sabi ni Edward. Aba! Balak gawing career na ba? Hahaha Natuwa ako lalo sakanya.

"Sige, go." Sabi ko. Syempre, support lagi!

"First, of course, respect her decision and their relationship kung meron. If she likes someone else then just be there for her as a friend. For the mean time, of course. Level up, soon. Kung ako sa'yo? I'll prepare myself well. The better person you become, the better you'll attract. You know what I mean? Tapos, timing is everything. Don't go and steal her right away lalo na if you dont have anything yet to prove. One way or another, kung sila, sila. Kung kayo, kayo." Sabi niya. Ano daw!? Parang may experience ah! Hugot ata to!

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon