Maymay's POV
× × ×Okay naman yung tulog ko kaso pagkagising na pagkagising ko, yung text ko parin kay Edward kagabi ang agad na sumagi sa isip ko. Kainis naman kasi eh, nasend pa at nabasa niya na tuloy. Kasalanan ni Kuya to eh! Baby pa more!
Mas pinili ko nalang hindi replyan si Edward sa lahat ng text niya mula kagabi hanggang ngayong umaga. Bahala na. Naghahanda na rin ako papuntang school kaya bumaba na ako at kakain na kami sa kusina.
"Uy! Baby! Ayan! Ayan na si baby!" Sigaw ni Kuya kaya tumingin sila saakin.
"Ish! Kuya!? Aga-aga eh!" Inirapan ko siya. Sama namang pambungad sa umaga. "Mama oh!" Sumbong ko.
"Psst! Ano yan?" Pagsaway ni Mama sakanya.
"Baby ko, sabi ko. Kayo talaga! Nilalambing lang eh." Sabay tawa ni Kuya at kumindat sakin. Aynako. Kainis!
"Anong meron sa baby baby na yan, Kuya? Parang may something ah!" Sabi ni Yong at tumawa siya. Ay talaga naman oh!
"Ay wala naman masyado. Wag mo ipahalata Yong, uy." Sagot pa ni Kuya. Luhh?
"Kumain nalang kayo diyan." Sumabat si Papa bigla. Syempre nagbabasa nanaman ng dyaryo pero nakikinig ng tsismis.
"Thank you, Pa." Bulong ko sakanya at umupo na ako sa tabi niya.
Pagkatapos nun, naging mapayapa na umaga ko kasi tumigil na sila Kuya. May balak pa ata siya ikwento kay Yong. Aynako! Sabi kasi eh, minsan lang matinong kausap Kuya ko.
Paakyat na ako ng kwarto para maligo at sumabay si Kuya saakin. Ineexpect kong mag-sorry siya pero inaasar niya ulit ako. Buang talaga.
"Sabay na kayo lagi ah." Sabi niya sakin at inakbayan ako.
"Ha?" Medyo di ko na-gets agad yung sinabi niya.
"Ng boyfriend mo, baliw. Sabi ko, siya na maghahatid-sundo sa'yo." Paliwanag niya.
"Ahh. Bakit po pala?"
"Paano ako magkaka-love life pag lagi kitang kasama!? Wala akong mai-date na chicks kasi sinusundo kita!" Sabay tawa niya. Sabagay, totoo naman. Oo nga no! Bakit nga hindi nag-gi-girlfriend to si Kuya?
"Eh pero, parang nahiya naman ako sakanya." Sagot ko.
"Sus. Arte! 'Baby' nga tawagan niyo, nahihiya ka pa?" Banat niya nanaman. Bwisit! Napalo ko tuloy siya.
"Hindi nga kasi 'baby' tawagan namin eh!" Pagdadabog ko. "Makalayas na nga!" Sabi ko at nagmadali akong umakyat ng hagdanan.
"Oy joke lang!" Sabi niya sakin. Ganyan yan eh!
Pagbalik ko sa kwarto, may text ulit si Edward saakin. This time, gusto niya akong magsuot ng damit na blue. Ano bang meron sa blue ngayon ha? May hinanda na akong isusuot kanina eh. Sus, wag na.
Anyway, ayun naligo at nagbihis narin ako. Malapit na mag-alas syete ng umaga at susunduin niya na ako. Parang wala namang nagbago saaming dalawa. Siya nga lang kasabay ko papunta at pauwi.
Paano ba?
Habang nagsasara ako ng kurtina ng kwarto ko, nakita ko siyang nag-aantay na sa labas. Nakasandal siya sa kotse niya. Wait. Hala? Naka-blue siya?!
Nahiya naman ako kaya nagmadali akong maghanap ng blue na damit. Akala ko naman kung para saan, eh yun pala para pareho kami. Uy, grabe. Nagbihis ako agad at natuwa naman ako kasi naisip niya pa talaga yun. Medyo nahihiya pero ako sakanya. Ewan ko ba! Dahil ba boyfriend ko na siya? So, anong adjustment ba ang kailangan namin gawin? Hay! Mamaya na nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/113462824-288-k139307.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanfictionBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖