Chapter 13

1.3K 87 29
                                    

Maymay's​ POV
× × ×

Nagpark si Kuya sa tapat ng restaurant kung saan venue ng celebration namin dahil sa success nung play kanina. Alas-syete na rin pala. Uy late na ata ako! 6pm call time eh.

Emegesh. Sosyalers pala tong lugar na to kaya pinagdress pa kaming mga babae. Nako mukhang mahihirapan nanaman ako sa paggamit ng kurbyertos neto! Napakaraming kutsara nanaman siguro ang nakalagay sa mesa. Hahaha

"Oy May. Wag magulo diyan ah? Tuktukan kita pag nalaman kong nagkakalat ka ah?! Behave!" Sabi ni Kuya Nikko. Aba, aba. Kala mo din kung sinong mabait!? Hahaha Grabe talaga to!

"Kuya naman eh. Wag mo akong igaya sa'yo. Hahaha Ito? Itong mukhang to?! Maygash hindi magulo to no. Napaka-inosente ko kaya. Hahaha" Hirit ko rin sakanya.

"Luhh? Wag kang ano! Ikaw, kanino mo ba natutunan mga sagot mong yan ah?! Kay Yong ano? Hahaha" Ay nagtaka pa talaga, tapos nandamay ng iba!? Kanino pa ba?

"Edi sa'yo. Hahaha" Sabi ko agad-agad.

"Sshhhh. Hindi ako ganyan no! Oy sige na. Baba na. Tawagan mo ako pag susunduin na kita ah? Ingat." At niyakap na ako ni Kuya. Ganyan lang yan sa walang tigil na pambubully pero overprotective siyaaa. Kaloka! Alam niya agad pag may kalokohan ako kasi pinapabantay niya ako sa kung sino-sino. Hahaha Mga alagad niya raw. Taray eh, noh?

"Sige po, Kuya. Thank you ah! Labyu labyu!" At umalis na rin siya.

Nako, eto na. Wala man lang bang escort diyan? Hahaha Nakakababae naman tong lugar nato at nakadress pa talaga ako!

"Finally, you're here." Biglang may nagsalita sa gilid ko. Kagulat talaga to kahit kailan! João talaga, oo. Jusko, ang puso ko! Mahahayblad ako eh.

"Uy. Hi! Oo nga. Hala kanina pa ba nagstart? Late ako. Natraffic kami ni Kuya eh." Sagot ko sakanya.

"Uhh, yeah. Unfortunately, nagstart na. Pero I noticed na wala ka pa so I decided to wait for you here." Sabi niya. Ansabe!? Hahaha Anong paandar kaya rin neto? Naghihimala ah! Di naman ako kinakausap ni João noon ah? Sus. Nagsisi na siguro siya sa pag-iwan niya sakin. Hahaha Char!

"Ay hala! So kanina ka pa dito? Grabe uy. Sana nakisali ka nalang dun. Buang ka!" Eh ano bang plano neto kasi? Di ko na siya gets ha. Kinonsensya pa ako. Hahaha

"It's okay. Forget it. Tara na?" Sabay offer niya ng kamay niya sakin. Na paktay na!

"Uhh. Sige. Salamat." Sabay abot ko rin ng kamay ko. Wait. Bat di ako kinikilig?! Crush ko to, diba?! Anyare heart? Suko na agad?

Kinawit niya kamay ko sa may braso niya. Ang galing ah? Kanina naghahanap lang ako ng escort tapos andito na! Ayy iba rin. Anyway, ayan nakapasok narin kami.

Pagtulak namin ng pinto ng mismong function hall, hala bai, pinagtitinginan nila kaming lahat. Huyy parang kaninang umaga lang din to sa stage ah? Kaso si Edward ang kasama ko. Tapos ngayon, iba nanaman?! Hala uy, baka mabash nanaman ako. Dami ko pa namang hater na andito ngayon. Hahaha Hooo paano ba!?

"Oyy tol tagal mo! Halika na!" Sabi ni Russell sakin, lumapit agad siya samin at hinila ako bigla kay João.

"Bro, wait." Sagot niya kay Russell. Oy ano to? Haba ng hair ko ha? Hahaha Etchos!

"Ayy bakit?! May nireserve akong upuan niya bro. Join us!" Sabi niya rin naman. Naks! Ayos ah! May mga concerned pala talaga sakin. Grabe uy. Sweet nila! Pero dahil diyan daming imbyerna sakin. Huhuhu

"Oh okay. Let's go." Pumunta na kami sa mesa  kung saan sila Tristan at Ford. Oo nga pala nu, si Edward nasaan? Di nga pala ako nagtext sakanya na andito na ako. Lagot.

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon