Maymay's POV
× × ×"Okay na tayo. Okay lang sakin. Okay lang ako. Okay ka lang din." Yun sabi ko sakanya. Narealize ko rin naman kasi yung mali ko, na kung bakit ba naman kasi nagtampo pa ako. Buti nga honest siya eh.
Nagulat lang din siguro. Ang bilis ng mga pangyayari eh.
--
Flashback.Gabi na nung nakauwi kami mula sa site ng project namin sa community. Nag-ayos pa kasi kami ng mga gamit at kumain narin ng hapunan doon ng magkakasama. Ang saya-saya lang! Ayun, pinagdiskitahan kami asarin nila Russell. Si Ford at Tristan naman sumabay sa trip niya kahit wala silang alam sa sikreto namin. Sabado naman kinabukasan kaya yun, nag-enjoy din talaga kami.
Ilang sandali pa, may narinig nanaman akong kumakatok sa bintana ko. Minsan din talaga kinakabahan ako eh. Ang creepy! Tumingin ako sa orasan, alas-tres ng umaga. Edwaaaaard! Utang na loob naman!? Ano nanaman kaya? Kaloka ka talaga.
Kahit naiinis ako, bumangon parin ako para pagbuksan siya. Naalala ko kasi nung huling ginawa niya to -- na hindi siya makatulog. Baka ganun lang din ngayon. Pagbigyan nalang!
"Ano?" Tanong ko, sabay napahikab pa ako sa antok.
"Let's talk." Sabi niya. Ang seryoso ng mukha niya. Ano kayang meron?
"Sige, akyat ka." Sabi ko at umapak na siya papasok ng kwarto.
"I'm sorry for disturbing you again this time." Sabay upo niya sa sofa sa tapat ng kama ko. Ako naman, ayun bumalik sa higaan pero umupo nalang, baka makatulog pa ako bigla eh.
"It's okay. Sanay na ako." Sabay pumipikit-pikit pa akong nagsasalita, kasi nga yung antok ko naman o.
"I can't sleep. Ikaw kasi." Nakangiting paliwanag niya.
"Ha? Ako nanaman? So, napanaginipan mo nanaman ako?" Tanong ko.
"No. I mean, I can't sleep 'cause you're a reality better than my dreams." Sabi niya kaya natawa ako ng slight.
"Bushak ka!" Sabi ko, ngumiti ako sabay binato ko siya ng unan. "Anong trip mo, ha?" Nambibwisit nanaman! Aga-aga eh!
"Uy, I'm serious." Sagot niya kaya napamulat tuloy ako nang mga mata ko. Natatawa parin ako sabay sumeryoso siya lalo "I'm done with playing guessing games, hide and seek. You know what I mean?"
"Pinagsasabi mo, uy?" Tanong ko ulit. Hala siya?! Nabubuang na ba to? Wait. Hindi gumagana yung utak ko.
"I love you."
"Buang ka talaga!" Sabi ko ulit sabay tumayo na ako para ihampas yung unan sa ulo niya. Tawa na ako ng tawa. Agang mag-joke, corny pa!
"I said, I love you."
Sabi niya ulit sabay hawak niya sa kamay ko. Hindi ako nagsalita kasi nagulat ako sa sinabi at ginawa niya. Teka. Hoy ano to? Acting!?
"I love you, May."
At inulit niya pa talaga habang nakatingin sa mga mata ko. Ako naman, blangko lang ang reaction ng mukha ko pero sa loob-loob ko, teka lang, bakit naman parang kinabahan ako? Kaba ba to? Bumilis tibok ng puso ko eh!
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
ФанфикBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖