XX [Coming Home]

21 2 0
                                        


XX. COMING HOME



7 years later...



After a long flight, finally... our plane touched down in Manila.

The moment my feet touched the ground, a warm breeze greeted me. I inhaled deeply, then coughed a little after catching the familiar scent of smoke and dust.

Napangiti ako.

Nasa Pilipinas na nga talaga ako.

I never thought I'd actually miss this kind of air... the humid weather, the busy streets, even the chaos that always seemed to welcome everyone home.

I had already grown used to Melbourne's weather. There, even on sunny days, the cold breeze could still surprise you. A warm sweater and extra layers became part of my daily routine, especially during winter. The weather could change quickly, and the cold had a way of settling into your skin.

Dito?

Konti na lang, gugustuhin mo nang maglakad na may dalang electric fan sa sobrang init.

Mahigit pitong taon akong nanirahan sa Australia, pero iba pa rin talaga ang pakiramdam ng muling makabalik sa sariling bayan.

Habang nasa eroplano pa lang kami kanina, hindi ko napigilang sumilip sa bintana. Mula sa itaas, pinagmasdan ko ang unti-unting paglaki ng tanawin ng Maynila. Ang matataas na gusali, ang masisikip na kalsada, ang walang tigil na paggalaw ng lungsod.

Simple lang kung tutuusin.

Hindi ito kasinglinis o kasingganda ng mga siyudad na napuntahan ko sa ibang bansa.

Pero may kakaiba rito.

May pakiramdam na hindi kayang ibigay ng kahit anong lugar sa mundo.

Siguro nga, gaano man tayo kalayo o katagal mawala, may isang lugar na hindi kailanman tumitigil sa paghihintay sa atin.

Ang lugar na tinatawag nating... tahanan.

Ilang taon na nga ba mula nang huli akong tumapak dito?

Halos apat na taon na.

Yeah... it's been four years.

Noong huli akong nagbakasyon dito, iyon na rin ang una at huling beses na nakauwi ako simula nang umalis ako ng Pilipinas papuntang Australia para magtrabaho. Tatlong taon din akong nagtiis bago ako nakapagbakasyon noon dahil gusto kong makaipon.

At ngayon lang ulit ako nakauwi.

Sa sobrang bilis ng panahon, pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang kailan lang noong unang beses akong umalis ng Pilipinas.

And just like that... almost seven years have already passed.

"Julien! Anak!"

Pagkalabas ko ng arrival area, nakita ko kaagad sina Mama at Papa na masayang kumakaway sa akin.

Napangiti ako at gumanti ng kaway habang papalapit sa kanila. Sa tagal kong hindi nakauwi, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanila. Kahit madalas kaming mag-video call, iba pa rin pala kapag personal mong nakikita ang mga mahal mo sa buhay.

Mas maputi na ang buhok ni Papa at may ilan na ring puting hibla si Mama. Ang bunso kong kapatid na si Jay Art, binatang-binata na rin. At si Kuya Janzel...

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon