The Ride of Love

6.5K 58 2
                                    

Sa dinadami-dami ng nakakasalamuha mo sa araw-araw, paano mo nga ba malalaman kung sino sa mga iyon ang mga taong makakapagpabago ng buhay mo?

Sa mga taong nakakasalubong mo sa kalsada, nakakatabi sa mga pampublikong sasakyan o yung kahit hindi mo napansin na dumaan pala sa harap mo... Isa kaya sa kanila ang taong hinihintay mong makakapagpatibok ng puso mo?

Ang buhay ay parang isang mahabang byahe... Minsan nakakainip, minsan nakakaurat at minsan pa nga halos ayaw mo na ituloy pa pero kung hindi dahil sa byaheng ito, 'di ba hindi mo makikilala ang mga taong magiging malaking bahagi ng buhay mo?

Marahil hindi ito kapansin-pansin at nangyayari nang di namamalayan pero ang byahe ng buhay mo na dinala ka sa kung nasaan ka ngayon ang dahilan ng mga magaganda at kasiya-siyang pangyayari sa buhay mo... kasama na ang paghanap sa pag-ibig na nakalaan sa'yo.

Hindi mo man alam ang patutunguhan ng byaheng ito, hindi ba kakatuwang isipin na hanggang sa dulo umabot ka? Na kahit ano pa man yung naranasan mo dahil sa byaheng yun ay 'di ka sumuko at tinapos mo ito.

Masaya, malungkot, nakakainis, nakakakilig, nakakatakot at kahit ano pa ang maidulot nito sa'yo, ang byaheng ito pa rin ang magdadala sa'yo sa pag-ibig na pinapangarap mo.

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon