I'm strong on the outside, not all the way through. I've never been perfect but neither have you.
-Chester Bennington of Linkin Park
Prologue
"Maraming Salamat, Doc," sabi ni Hannah. Gabi na at binasa ko na yung journal na binigay niya sakin after ng counseling namin. When I gaze upon her while she talks about her life, her angst, I already have a hunch that she'll be brave after losing someone very special to her. I flipped open the journal and I began to read...
We have 365 days sa isang taon. Sa isang taon na yun, may mga nakakanap ng mga pinangarap nilang makakasama panghabangbuhay. Sa isang taon na yun, meron din naming hindi mapalad na nagtatagal. Ipapakilala ko muna ang sarili ko, I'm Hannah. Tama, Hannah lang kasi hindi ko naman kailangan isama pati apelyido ko. Sa love, ako yung isa sa hindi mapapalad.
Nasa reputation ko na yung lalaki na nakikipagbreak. Tatlo na naging nobyo ko. Yung unang nobyo ko, si Dany, mas pinili yung nakalipas niya. Nung second year high school ako nung naging kami. Yung break-up na yun, masakit nung una. Pero isang linggo lang yata ng naging malungkot ako. Hindi pa ako nun pwede magkaboyfriend pero hindi ko nilabanan ang kabig ng dibdib.
Second boyfriend ko naman, si Sandro. Gwapo si Sandro. Crush ko siya nung elementary pa kaso nga nung pa-third year, I have to transfer to another school. Friends na kami noon pa. Sandro is the perfect embodiment of "crush ng bayan." Half-Greek, half –Filipino siya. We stayed in contact kasi kaibigan ko naman siya. Hindi naman naging issue kay Dany na may kaibigan akong lalaki.
Natatandaan ko fourth year high school na ako nun, years after wala na kami ni Dany, inamin niya saakin na matagal na niya akong crush. He's just waiting for the right timing to tell me. Nanligaw naman si Sandro. It took him three years para lang ligawan ako.
Nung sinagot ko siya, hindi ko siya pinakilala sa parents ko kasi hindi pa I was forbidden even then na magkaboyfriend. Graduating na ako sa college. Tago yung relationship namin. Iilan lang sa friends ko ang alam na kami na. Isa doon si KC. Magkakilala na kasi kami ni KC kahit noon pa. Masaya kami Sandro pero nagmigrate kasi pinapunta siya ng biological mother niya doon, tapos nalaman ko na lang nakikipagkita na siya sa girl named Irish.
Our relationship lasted for six months. May email ako sa kaya but went unanswered. Thesis helped me nurse a broken heart. Ginugol ko lahat ng energy at sadness ko sa thesis. Well, dedication and unavoidable procrastination paid off kasi nakagraduate ako on time with all that crap going on.
Nearing twelve months nung nakilala ko si Aaron...And the rest was history. I'm not head over heels sa kanya nung umpisa kasi I don't know how to approach love that time. But he felt that I'm worth to be treated properly. Masaya ako kahit nung nililigawan niya ako tapos nung naging kami, mas naging masaya pa ako. Alam mo yung feeling na ito na yung lalaking gusto ko na forever ko?
Nawala na yung paniniwala ko nun na may forever, pero he made sure that we have that, pero nagkalabuan kami when I was being too weak in his eyes. Naging kami for one year. I thought I could still properly talk to him nung plinano ko na kakausapin ko siya ng maayos on that day, pero wala eh, galit na galit na galit siya sakin. Yung friend namin ni Aaron na si Ysabel hindi rin siyang makumbinse na harapin ako. Biro mo nagtagal kami ni Honey nagstay sa mall? He didn't ask for it nga naman. Pauwi na ako ng gabing yun when an incident happened that I have to run for my life. I was already stripped off the pride I still have for myself, but more than that was did to me.
The day after nung naghintay kami ni Honey sa mall na yun, at naghintay sa wala, natulog lang ako. Yung katawan ko parang dinaganan ng isang buong apartment complex. Uminom ako ng gabing yun ng sleeping pills na nireseta sakin kasi nga I'm enduring something that's not welcomed in this world we live in. Kahit pala one year or maiksi yung courtship, parehas pa rin silang sasaktan ako.

BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...