Chapter 21

7 3 0
                                    

Two months na kaming nagdedate ni Hannah.Naging busy kami sa office kaya madalang lang kami magkita. Weekends na lang talaga. Every Saturday to be exact. Since Saturday ulit, magkikita kami. Minabuti ko na pumunta ako sa bahay nila. Natatakot lang ako kasi first time ko makikita parents niya. Kilala lang nila ako sa mga kwento niya. Naalala ko nung nasa sementeryo kami napag-usapan namin yung part na hindi pinapayagan siya ng parents niya makipagdate siya, kahit na hindi pa nila ako nakikita.

"I just don't understand. Isn't it odd for you?" I asked.

"Matanda na raw kasi ako," sabi niya. "Natatakot sila at ang mga kapatid ko na di na ako makapag-asawa. Mas mapilit mga kapatid ko kasi nababanas na sila na nagkakaganito ako sa isang lalaki, samantalang pangatlong boyfriend ko na si Aaron."

"They are right." Kung i-a-analyze mong mabuti, her siblings are on point.

"I can't fathom rin kung bakit ba." She yawned and stretched. "Dr. Ragasa explained to me na si Aaron daw kasi yung inexpect kong true love na."

"Sa bagay kasi nga pangatlo mo na."

"Siya lang talaga yung pinakilala ko rin kasi sa parents ko. I really felt kasi na he was the one na. Tapos he was treated well. Kinamayan siya ni Papa. He was well received by Mama.Sobra."

"He's lucky enough for that."

"Yeah. Hayaan na natin yun. Past is past."

May point naman parents niya. Ideal age of marriage kasi ang edad niya na nasa twenty plus na. Hindi sapat na mananatiling ganon lang. Gusto ko rin mapakilala sa parents niya. Besides, for me, dapat lang na makita nila pagmumukha ko. Nang nakarating na ako sa lugar nila, nag-park muna ako kotse. I can hear the loud beating of my heart. Natural na kabahan ako. Tinawagan ko si Hannah to tell her na nasa tapat na ako ng bahay nila.

Pinakilala na niya ako. "Ma and Pa. This is Mario."

"Yung huling lalaki na kasama ng anak pinakilala niya samin." Nagparamdam yung Papa niya ng authority. "Wala akong masasabi sa'yo."

"Sana nagkakalinawan tayo, Iho." Natakot ako sa Mama niya na masama ang tingin sakin. "O siya, we're just gonna leave. May lakad pa kami."

Her parents left. His father didn't shake my hand. Naiintindihan ko naman. Naghanda si Hannah ng pagkain sa sala. Natanong ko tuloy, "Kinamayan ba ng Papa mo si Aaron?"

"Yes." Yung mga mata niya sobrang lungkot. Nakita ko yung mga matang yun nung unang pagkikita namin.

"That means they really entrusted you to him tapos ganon lang." Nagagalit nanaman ako sa lalaking yun.

"Hayaan mo na," sabi ni Hannah. "Wala naman na siya sa buhay ko. Ikaw na nandyan."

My heart fluttered. There are zillion butterflies already in my stomach. "Ikaw na rin ngayon ang nasa buhay ko.

She blushed at sinuntok ako. "Tigilan mo ako sa banat mo." Ang lakas niya sumuntok para sa petite na babae.

Naistorbo yung pagpapakasweet namin sa isa't isa ng nagsibabaan yung mga kapatid niya. Apat lang naman yung kapatid niya. Dalawang Ate at dalawang mas nakababatang lalaki sa kanya. Si Hannah ang nasa gitna. She mentioned the names but I'm mesmerized by Hannah's beauty.

Tinataasan ako ng kilay ng mga Ate niya. May mga lakad din sila. "Ang aga mo naman masyado dito. 10am pa lang," sabi pa nung isa. I can handle them. Normal lang din na gawin nila yun kasi protective sila sa kapatid nila. Mas marami pang tao sa office ang masasama ang ugali. Yung tipong ginagawa mo na nga trabaho mo, dadagdag pa sila sa mga pangpapowertrip nila at tsismis.

Yung dalawang nakababatang kapatid niya, nakabusangot. Aalis din sila. "Ganito lately sa bahay namin, lahat may lakad pag Sabado," sabi ni Hannah. She excused herself para ihatid palabas yung mga kapatid niya.

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon