Chapter 20

5 3 0
                                    

Legit na nagkakapanic attacks nanaman si Hannah. Hindi ko siya hinayaan uminom ng napakaraming Rivs? Muntikan na siya maglaklak ng pagkadami dami. After ng counselling niya, kailangan niya raw kasi makatulog because she had a rough day. Nagkausap raw sila yung naging boyfriend niya before kay Aaron, that's how she referred it. Gumawa siya ng excuse na susunduin siya. Para makatakas, nagtake siya ng train pauwi. May pasok kasi si Mario. And hindi lantaran na makita raw ng marami na may dinedate na siya. Magkatabi kami sa kama at tinutulungan ko siya magbreathe-in breathe out. Nanginginig at pinagpapawisan yung palad niya, tapos namumutla siya. Yung temperature niya normal naman. Talagang nagpapanic attacks siya. Pinahiga ko na lang muna siya.

 "Ano ba kasi nangyari?" tanong ko kay Hannah. 

 Tumagilid siya. "Nakita ko si Sandro. Nagkausap kami. Alam mo na naman nangyari sami. Nagbreakdown ako sa harap niya. Naiinis ako sa sarili ko. Naging weak ako sa harap niya." 

"Yung ex mo?" pagconfirm ko. "In some way, siya naging cause ng attacks mo. Hindi ka weak." 

"Naalala mo nanaman yung gabi na hinintay mo si Aaron?" tanong ko. Grabe talaga yung ginawa nun. "Sugurin ko na yang Aaron na yan at ipakita sa kanya yung naging effect ng ginawa niya." 

"Hayaan mo na, KC." sabi niya. "Wala naman na 'yong care, so why tell?" 

"Para lang malaman niya na nagkakanyan ka," sabi ko. 

"No," sabi niya. "It's just a waste of time. Dapat magconcentrate tayo sa healing. Para ano rin? Manood na lang tao ulit ng KDrama or si Miranda Sings. Choose." Alam ko na dinidistract lang niya sarili niya.

"Miranda Sings na lang," sagot ko. Naubos na yata namin yung KDrama na maganda. Ang pinakapaborito ko sa mga napanood namin is The Moon That Embraces The Sun, kahit pa na luma na yun. Nakatulong sa pagmumove-on ko mula sa douchebag na ex kong si Ben. 

Umupo si Hannah at sinesetup yung laptop sa panonood namin. "Nasabi ba nina Jake kailan ulit band practice natin?"

"Inform na lang daw nila tayo," sabi ko. 

Naghanap na si Hannah ng mga nakakatawang videos ni Miranda Sings. Siya ang nag-introduce sakin sa youtuber na yun. Si Miranda Sings yung babaeng masyadong self-centered tapos yung lipstick niya lagpas sa bibig niya yung pagkakalagay. Tawa kami ng tawa doon sa music video niya na "Where My Baes At."

"Grabe self confidence niya noh? Hahaha!" sabi niya. Next naman na pinanood namin is yung KDrama na nirecommend ng isang friend niya. Tungkol yun sa napakalakas na babae. Title nung KDrama is Strong Woman Do Bung Soon. Recently, ganitong mga series pinapanood namin. Kakatapos lang namin sa Weightlifting Fairy (pinapanood niya sakin kasi KDrama is life daw. Although di talaga ako fab ng KDrama). Naging avid fan si Hannah sa mga palabas na pinapakita na malakas yung babae. She has been obsessed with the strong portrayal of women.

"Sana kasinglakas tayo nila noh?" sabi niya.

"Akala mo ba sa sarili mo mahina?" sabi ko, hinampas ko siya ng unan sa balikat. "Mga malalakas tayong mga babae. Tandaan mo yan."

"Bakit tayo pinagmumukhang mahina ng mga lalaki?" tanong niya. Ito yung mga gusto kong discussion kasi natetest yung isip ko.

"Kasi until now, nananatiling patriarchal ang mga tao," sabi ko. Di ko alam kung na-elaborate ko ba yung sagot ko.

"Ang society kasi natin masyadong minamaliit mga babae," sabi niya.

"Ano nanaman iniisip mo at natanong mo yan?" Tinabi ko muna yung laptop. "Kung iniisip mo dahil may pinagdadaanan mo yan mahina ka, nagkakamali ka doon. You're one of the bravest I know because you fight each day to be alright."

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Pinapaiyak mo talaga ako. Hahaha!" Tumingin siya sakin at niyakap ulit ako. "Manood ulit tayo ng isa pang episode."

May mas maganda akong naiisip. "Mag-Hungry Shark na lang tayo. Tapos pataasan ng score." Yun yung game na feel na feel ko yung adrenaline rush.

"Huwag na," sabi niya. "May mas perfect akong idea..." Kinuha niya laptop niya, lifted her finger, and doubleclicked DOTA na nasa desktop screen lang. How could I have missed that?

"Kailan ka pa nahilig sa DOTA?"

"Naalala ko kasi na tinuruan ako maglaro ni Mario nito," sabi niya. "Sinubukan ko maglaro dati tapos tinamad ako. Tapos ito, lalaruin natin."

Nagstart na kaming maglaro. Mga ilang oras rin pero talo kami. Ang importante we're having fun.

Nililigpit na niya yung laptop. "Dati rin bang nilalaro ng DOTA ni Aaron?"

"Why? tanong niya.

"Natanong ko lang. Naglalaro rin kasi nito si Ben," sabi ko.

Bumaba kami at kumain. Pinapak namin yung tuna na nasa stock cabinet nila. As in, yung buong cabinet puno ng delata. Yung gabing yun official na tinigilan na namin tinigilan muna pag-usapan yung mga former boyfriends namin na jerks. Instead, we made fun of them. May mga picture kami nila sa mga phone namin tapos nagdrawing kami ng kung ano-ano sa mukha nila. May mga sticker kaming ginamit para mas maging pangit sila. This might be a childish tactic pero it's one classic fun technique to gain back our dignity sa ginawa nila samin. Nagtimpla si Hannah ng gatas tapos nilagyan namin ng asukal at yelo.

"Cheers sa pagiging malaya sa mga lalaki who are full of themselves!" Niraise ko yung baso kayo midair.

"Cheers sa mga oras at araw na hindi na natin pagtitiisan ang mga lame excuses nila!" Masaya si Hannah. Nagcheers na kami. Clink! Magkasabay uminom. Sabay rin kami nagsabi ng "Ah!" tapos tumawa.

"Bakit ba tayo nagpakatanga sa mga ganong klaseng tao?" Di ko napigilan ang sarili ko na maiyak.

"Hindi na dapat natin sila iniiyakan." Natumba ako sa kinauupuan ko, sinalo ako ni Hannah.

"Hindi na dapat dahil sayang sa oras at mga ef sila," sabi niya.

Nag-smule na lang kami para di maka-istorbo sa mga natutulog at sa kapitbahay. Kinanta namin ang "I Will Survive."

"Go now go, walk out the door! Just turn around now 'cause you're not welcome anymore. Weren't you the one who tried to hurt me with goodbye? You'd think I'd crumble? You'd think I'd lay down and die? Oh no not I, I will survive!"

Mapiyok piyok kami sa kakatawa kasi dinededicate namin yung kanta sa mga ewan na lalaki. Nakakatawa talaga sila.

Pakatapos namin kumanta, nagtwofie kami. Nagface swap hanggang sa desidido na kaming matulog, kasi marami na kami masyadong nagawa para maging masaya and feel good about ourselves.

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon