Chapter 2

123 7 3
                                    

Masaya ako sa naging turnout ng date namin ni Mario. Para namang matino si Mario. Maayos manamit, may paninindigan, at may hitsura. Maputi, matangos ilong, matangkad. Your typical dream guy. Pero pwede na rin na hindi. Ang gaan niya kausap. Parang matagal na kaming magkakilala. Biro mo 2 years na silang break ng girlfriend niya for 8 years. Nahiya naman ako ikwento yung 1 year na naging relationship ko. Narinig ko na yung busina ng kotse, nandyan na sina parents. Nauna pa ako umuwi sa kanila. Bumaba na ako para salubungin sila.

Nung yinakap ko si Mama, agad bati niya, "Kumusta lakad mo?"

Ako parang straight face kasi sila ang excited sa ikekwento ko. Akala ko nga hindi sila papayag sa pagtiTinder ko pero pumayag si Mama. Akalain mo yun? Di naman actually sila pumayag, parang pinagkakatiwalaan nila ako. Inayos ko yung plato at yung ulam.

Pumanhik ulit ako sa room then binuksan ko yung data ko. Ang daming pumasok sa Messenger na messages ng friends ko. Akala ko naman kung ano. Mga tanong na: Gwapo ba? Siya na ba? O ano, kumusta? Mas masaya pa talaga sila sakin. Hindi naman sa hindi ako masaya. Annoying lang yung mga tanungan na ganon, nawala yung thrill na may nakikilala akong bagong tao.

Speaking of the tao. Nagmessage na siya.

Mario: Nakauwi ka na?

2 hours ago

Kanina pa pala siya nag-message. Sakto na magwowork ako tsaka ko nakita.

Nagreply na ako: Slr. Thank you. I really had fun today :)

Chineck ko kung magrereply siya agad. Hindi naman. Nagping na yung client na tutulungan ko. Nag-umpisa na akong magtrabaho. Check ng grammar. Advise dito, advise doon.

Bigla sumagi sa isip ko yung former boyfriend ko kung paano niya ako minomotivate. Sabi ko nga sa sarili ko, "There you are again missing him, Hannah. Will you just please stop?"

Timing naman na nagping si Mario sa Messenger.

Mario: (Mga alien na smiley)

Akala ko kung ano, Everwing pala. Basta may mga characters na ganyan.

Napareply tuloy ako: Akala ko urgent.

Mario: Sorry. This game is just so fun. Hahaha!

Me: Wth, Mario.

Mario: I forgot busy ka nga pala.

Wow. Nakeeptrack niya ang schedule ko. Bakit naman hindi? Sa ilang linggo na naming magkausap nagkakilala na kami. Pero kanina lang talaga yung usapang seryoso.

Ilang linggo ko kasi kinonvince ang parents ko na hindi siya masamang tao. Siya na mismo ang ang nag-assure sakin na 7:30 pm nasa house na ako. Ang kulit niya nung nasa jeep na ako pauwi na dapat 7:30 or 8:00 pm nasa bahay na ako. Talo nanay at tatay ko. Hindi ako nagpahatid kasi hindi ko naman siya jowa. Pinipilit pa niya ako pero umaayaw talaga ako magpahatid.

Nasa bahay na ako nagsusulat at nag-eedit sa pinapagawa ng client ko. Tiningnan ko yung date sa lower right hand ng monitor ng laptop ko: February 28, 2018. Tama nga 6 months na kami ni Aaron hiwalay. Habang may ginagawa yung client ko, nagscan ako ng pictures namin ni Aaron sa phone ko. Tapos napunta sa solo picture niya. Binati ko yung picture, "Advance 22nd Monthsary." Ang saya. Hindi ako sinagot nung picture niya. Ang pathetic ko tingnan.

Nagping nanaman si Mario. Chineck ko at Everwing nanaman.

Me: Sa ibang convo ka mag-Everwing. Please lang. Hahaha!

Nagping din yung client ko na sila na mag-aayos ng ibang parts ng research nila. Nag-thumbs up ako. Nagpost ako sa Instagram ng picture namin ni Mario. Grabe mga kaibigan ko kung maka-react: Siya ba yun? Masaya ba naging lakad niyo?

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon