Nung umaga nagising ako na wala na si KC sa tabi ko. Magkatabi kasi kami kasi parehas kami babae. Kay Mario yung isang room Naabutan ko siya sa sala na nagiimpake ng mga gamit niya. Pinipigilan siya ni Mario. Para akong naalimpungatan sa nakita ko.
"What're you doing?" tanong ko.
"Uuwi ako ng Manila," sabi ng monotonous na boses ni KC.
"For what?" tanong ko.
"Nagtext kasi sakin si Ben. Nagsosorry," sabi niya. "Pinsan niya raw yung kaakbayan niya."
"So isang text lang pupunta ka na sa kanya?" Tumaas na boses ko. Binalik ko yung mga damit niya sa cabinet ng kuarto namin.
"Ano ba ginagawa mo?" pagalit niyang tanong. "Buhay ko 'to."
"Pinipigilan kita habang maaga pa diyan sa ginagawa mo," sabi ko. Nagka-exchange na kami kasi nagpupumilit si KC. Inaagaw ko yung bag niya.
"Bakit ba?" sabi ni KC. Sinasabihan kami ni Mario na huwag mag-away.
"No," sabi ko. "Kaibigan ko siya. Nasasaktan ako sa dinaranas niya. I'll do everything para pigilan siya."
"Nag-promise naman si Ben," sabi ni KC ng umiiyak.
"Then? Ilang months yung promise na yan? One to three months?" Mataas talaga boses ko kasi nasasaktan ako sa nangyayari kay KC. "Ilang months niya ipaparamdam sa'yo na mahal ka niya?"
"Hindi kami magiging gaya sa inyo ni Aaron," sabi ni KC na nakayuko na.
"I don't know if that's true. Sagutin mo muna ako. Ilang months ka niya tatratuhin ng maayos tapos sa isang iglap sasabihin niya ayaw na niya?" sabi ko. Yung luha ko ang tataba na dumadaloy. Di ko na pinigilan. "Ilang months na magiging maayos kayo?"
"This is not all about you," sabi ni KC.
"This is not all about me, yes. Pero nagagawa mo yung mali ko nung kami ni Aaron," sabi ko. "Sige nga. Di ba kayo ni Ben ilang beses na rin kayo nagbreak kahit nung bago pa lang kayo?"
"Gusto lang niya ng time sa sarili niya," pagrarason ni KC. "Kahit ako naman gusto ng time sa sarili ko."
"Nakailang gusto niya ng time sa sarili niya kayo?" sabi ko. "Ilang beses sa gabi umiiyak tapos you're convincing yourself na okay lang ginagawa niya? Di ba every month na lang he's asking to think things through?"
"Yes. Pero kasi may pinagdadaanan siya nun," rason ulit ni KC. "Naiintindihan ko naman."
"Tell me. How about you? Wala ka bang pinagdadaanan?" sagot ko kay KC. "Di ba may pinagdadaanan ka? Di ba kung ano-ano tumatakbo sa isip mo ng buong time na hiningi niya yung time para sa sarili niya? Dapat nandoon siya para sa'yo di ba?"
"Yes. Pero nakokontrol ko yun," sabi ni KC.
"Fine nakokontrol mo. Good for you. Really? Pero sa tingin mo di ko alam na umiiyak ka na lang lagi before magband practice tayo?" sabi ko. "Hinahayaan kita kasi ayoko makialam nga sa inyo ni Ben."
"May pagkukulang ako, Hannah," sabi pa sakin ni KC.
"Ano naging kulang mo?" sabi ko. "How many times does he have to deprive you with his presence? Habang ikaw naghihintay kailan ka niya kikibuin? May problema ka rin nun ah?"
"May mga issues ako na lang lagi sa kanya. Ayaw niya yun," sabi ni KC.
"Di mo ba pwede idiscuss yun with him? How many times na papaasahin ka niya na magiging okay kayo?" sabi ko nga.
"Gusto niya akong makita," sabi ni KC. Nakikiusap na gusto niya na umalis sa cottage at lumipad pauwi.
"Why not let him come here? Kung gusto ka talaga niya makita pupuntahan ka niya," sabi ko. "Action speaks louder than words." Nagugulat si Mario sakin kasi di ba ako yung dating parang si KC? Na ipagtatanggol ko yung mahal ko kasi mahal ko siya. Nagmumove-on na siguro talaga ako.
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...