Chapter 9

16 4 0
                                    

I'm Katherine Cate, short for KC. Classmate ko si Hannah nung  elementary. I wouldn't say na we are best of friends pero now we are closest as ever, kasi we're bandmates. Nakatira muna ako dito sa kanila kasi a tragic incedent nangyari nung saaming dalawa ng boyfriend ko na si Ben. Hindi ni Ben sinasadya na masaktan niya ako physically pero sabi ni Hannah, sinadya niya yun. Minabuti na ni Hannah na pumunta dito muna ako sa kanila pansamantala. Protective si Hannah kasi nga nakita niya yung result ng ginawa ni Ben. Di naman talaga ni Ben sinadya. Pinagalitan ako ni Hannah nung nagrarason ako, "Do you think okay yang ginawa niya sa'yo? Okay pa yung nagkakasagutan kayo pero wake up KC, hitting you is not a joke." I swallowed the bitter pill yung pangalawang araw ako na nandito sa bahay nila. I studied myself in the mirror at nakita ko, napaluhod ako. Niyakap ako ni Hannah habang umiiyak ako. Simula nun nanood kami ng KDrama kahit na may work siya.

"Pasensya na nakakaistorbo ako," sabi ko kay Hannah habang nakatutok siya sa laptop niya.

 "Hindi ka nakakaistorbo," sabi niya. "I'm your friend plus your bandmate. You're family to me na rin."

 Biro mo ilang months pa lang nung na-establish yung band namin, family na ako sa kanya. Mas inuuna niya kapakanan ng iba kaysa sa kanya. She told me she's used to it. Sinabihan ko nga siya na di ba parang nararamdaman niya na madalas naaabuse yung kabaitan niya? Sinabi naman niya sakin na it's her own free will to help kesa naman makonsensya siya na di makatulong.

 Pero minsan sinasabi naman niya na hanggang kung saan na lang matutulong niya tapos pinapagpray na lang niya. Uso dito sa kanya yun. Meron siya sinet na time samin to pray the rosary kasi sabi niya nakatulong sa kanya.  "Si God yung nasandalan ko nung feeling ko bibigay na ako sa lahat ng nangyari," sabi niya. Di na kasi ako naniniwala kasi Atheist ako pero nung time na nagdadasal kami naramdaman ko yung presence ni God. Sinabi naman niya sakin nasasakin na lang daw kung maniniwala ako kay God habang nagdadasal kami, because she respects my religious views.

Binalik niya yung paniniwala ko kay God. Ngayon nga umalis siya kasama yung Mario ba yun? Nahihiya ako bumaba sa sala at manood ng TV kasi alam ko iniisip ng parents niya sakin. Although sanay na ako. Iba kasi iniisip ng marami sa nagbabanda. Wala naman akong piercing at tattoos. Yung lead guitarist lang naming ang meron. Sa pagkakaalam ko, si Hannah gusto magpatattoo pero kasi nag-promise daw siya na hindi siya magpapatattoo. Nung once na nag-usap kami ganito:

"Hindi naman na kayo nung Aaron, right?" pag-contest ko sa kanya.

"Magmumukha din kasi akong sanggano," pabirong sabi niya. Tumawa na lang ako.

Sinasabi ko na nga ba mga nagagawa ng pagmamahal na yan. Dinedeny pa niya sakin na before na di niya na mahal. Paano nga ba nagmamahal ang isang tao na nasaktan na pero minamahal ulit yung tao? Hindi ko rin alam sagot diyan eh, kasi ako mahal ko si Ben. Pero habang ino-observe ko yung mga pasa ko, worth it pa ba ipaglaban? Yun ang parehas kami ni Hannah, I think that's why we became friends and fate and destiny agreed and let me meet her again.

Ang kaibahan lang is 5 months na naging ganon. Ang pagkakaiba ni Ben sa former boyfriend ni Hannah, si Ben lagi yun magsosorry, ako naman 'tong si ewan na lagi na lang, "I forgive you." Heto na nga nangyari sakin. I know si Hannah, she's still dealing with her bruises in her heart pero magaling niya itago na mga kabanda niya. Pag napapatulala nga siya before kami magrecord para i-post sa youtube yung cover namin, pabiro niya sinasabi kay Frank (leadguitarist namin) na iniinternalize niya yung lyrics na iko-cover namin. May kinanta siya na lyrics that goes: "I'm still hung up on you, on you, on you." She sang it with pure heart. Ako yung nagsesecond voice sa kanya and tumutugtog ng keyboard. Nakatingin lang ako sa kanya.

Balik na tayo sa present. Naging okay na ako sa parents niya kasi sila naman yung mga tao na madaling pakisamahan. Kwento sakin ni Hannah na hindi nahirapan si Aaron tanggapin ng parents ni Hannah. Kahit na nung mga times raw na nagkakalabuan sila nung Aaron. I gave my opinion on that matter. "Alam mo he's lucky," sabi ko. "Kasi parents ko, hindi nila kahit kailan hinarap si Ben kasi ayaw talaga ng parents ko sa kanya. Never siya nakatapak sa bahay namin. Being welcomed like that means means tinanggap nila yung Aaron na yun ng buong-buo."

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon